Chapter 43 : Secret Revealed

1.2K 50 12
                                    


Mabilis na lumipas ang mga araw at nabusy na naman ang mag asawa. Natapos na ang pinatayong building para sa headquarters ng Laxa Inc. at natapos na din ang paglilipat ng mga empleyado. Ang iba na sa Masbate base ay lumipat na din sa Maynila. Busy sila dahil sa susunod na Lunes ay opisyal na doon na sila mag oopisina. Pero bago pa yon ay magbeblessing pa ng building ng Sabado kaya busy at abala ang lahat. Isa pa sa pinagkakaabalahan nila ay ang pagdating ng President/CEO ng Laxa Inc. na walang iba kundi ang ama ni Diego. Kahit di ito regular na mag oopisina doon ay may sarili din itong opisina sa building.

Biernes ng gabi ay dumating na si Sir Anton sa Maynila at gaya ng sinabi nya ay sa condo sya mag iistay. Di nya sinama si Mommy Cecille dahil may importanteng conference daw ito sa charity nya.

Di na din nakipagkita ang nakakatandang Laxa sa anak dahil kinabukasan naman ay magkikita na sila.

Sinalubong si Sir Anton ng assitant nya sa Maynila sa Condo para ibigay ang susi, sabay na din sila pumunta sa Condo unit. Naabutan nila doon ang kasambahay na pinadala ni Diego na galing sa bahay nila.

Matapos ilahad ng assistant ang mga appointment at meeting nya mula bukas hanggang sa susunod na linggo ay nagpaalam na ito at nangako na magkita nalang sila bukas sa bagong opisina ng mga Laxa. Susunduin din sya ng company car gaya ng ginawa nito kanina.

Pinaghanda ng kasambahay ng hapunan ang nakatatandang amo at pinaghain na ito. Pagkatapos ay ibinigay ang mga papeles at sulat na galing sa reception at mga naligpit sa condo.

Pagkatapos kumain ay sinabihan nya na ang kasambahay na pwede na syang umuwi at ipapatawag nalang kung kinakailangan. Wala naman naging reklamo ang kasambahay kilala nya na ito dahil galing din ito sa Mansion ng mga Laxa sa Masbate.

Bago magpahinga ay nagcheck pa ng mga emails si Sir Anton. Nang makita ang mga reports at flow ng business at mag basa ng mga business proposal mula sa kanyang business partners ay nagpasya syang patayin ang laptop at magpahinga na. May mga papeles pa na inabot sa kanya ang kasambahay pero pinagpasyahan nya na bukas nalang ito tignan malamang ay mga bills lang naman ito ng condo na regular naman nababayaran ng kumpanya nila.

-----

Maagang nagising ang mag asawang Diego at Kirsch. Kahit nangungulit pa si Diego kay Kirsch para sa morning "lambing" ay di nya ito pinagbigyan.

"Madami tayong gagawin ngayon, pupunta tayo sa bagong building, makikipagkita ka pa kay Daddy. May board meeting kayo pagkatapos sa tanghali ay darating ang pari at mga bisita para sa blessing. Kaya huwag ka ng humirit mamayang gabi na okay." Mahabang paliwanag ni Kirsch sa asawa na tila ayaw pa bumangon kahit kanina pa nakamulat.

"Babe, kahit mabilis lang please. Kailangan ko kasi para makapagfocus ako, kundi ikaw lang iisipin ko buong araw." Pagpapacute pa ni Diego sa asawa.

"Magtigil ka bumangon ka na at mag shower para makapag almusal na tayo." Pag iwas ni Kirsch sa paglalambing ng asawa.

"Sabay nalang tayo mag shower." Suhestyon ni Diego habang itinataas taas pa ang kilay sa asawa.

"Ikaw talaga ayaw mo tigilan eh no. Maligo ka na ng mawala yang init ng katawan mo." Galit galitan pang sabi ni Kirsch.

Inihanda nya na ang pangpaligo ni Diego pati ang susuutin nito. Maya maya pa ay nasa likuran na ni Kirsch ang asawa na naka topless.

Kahit sanay na sya nakikita ang asawa ng ganoon ay naiilang pa sya lalo na at dinidikit nito ang katawan sa kanya.

"Magtigil ka Diego, magshower ka na susunod nalang ako." Nandidilat pa ang mga singkit na mata ni Kirsch pagkasabi nito kay Diego.

Tila di naman nagpatinag si Diego sa asawa. Mas lalo lang sya nagagandahan kay Kirsch pag nandidilat ang singkit na mata. Hinila nito ang asawa papasok sa shower. Tila sumuko na si Kirsch dahil alam nya di sya titigilan ng asawa. Kaya sabay na silang "maligo" ng asawa.

Never Ever Love You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon