Nasa ganoong posisyon lang sila ng ilang minuto. Hanggang naka idlip na si Kirsch kaya hinayaan nya na din ang kasintahan na makapagpahinga, hanggang naka idlip na din si Diego.Nagising sila ng pumasok ang Nurse na nagdala ng early dinner para kay Daddy Bert na matagal na palang nagising.
"Pwede na po kayong kumain ng soup at bread sabi ni Doc. Enjoy your dinner po." Magalang na sabi ng batang nurse sa ama ni Kirsch.
"Die, pwede ka na palang kumain. Kanina ka pa ba gising." Nakangiting sabi ni Kirsch.
"Kani kanina lang di ko na kayo inabala at masarap ang tulog nyong dalawa at tila ok na kayo." Sabi naman ni Daddy Bert.
Inasikaso ni Kirsch ang ama pero ng akmang susubuan nya ito ay umiwas ang ama.
"Kirsten kaya ko pang kumain mag isa. Ginagawa nyo akong batang paslit ng Nanay at ng kapatid mo. Hayaan nyo ako kung di ko kaya hihingi ako ng tulong." Matigas na sabi ni Daddy Bert.
Nangiti si Diego. Alam nya na kung saan nagmana si Kirsch sa katigasan ng ulo at pagiging ma pride.
"Manang mana po ang anak nyo sa inyo Daddy Bert. Matigas din po ang ulo." Nangingiting sabi ni Diego.
"Kaya masasabi ko sayo habaan mo pasensya mo sa anak ko Diego. Tiwala naman ako sayo at nakikita ko na mahal mo nga ang anak ko." Nakangiting sabi ni Daddy Bert kay Diego.
---
Lumipas ang ilang araw at makikita na bumubuti na ang lagay ni Daddy Bert. Dahan dahan ng tinanggal pati ang oxygen mask nya at kinakabit nalang ito sa gabi o kaya pag kinakailangan. Dahan dahan na din na pinakakain sya ng normal at pinauupo sa gilid ng kama.
Natutuwa naman si Mommy Karen at mga anak nya sa improvements na nakikita kay Daddy Bert.
"Ayan magpalakas ka Bert baka makahabol pa tayo sa graduation ng bunso natin next weekend." Tila pagbibigay ni Mommy Karen ng inspirasyon sa asawa.
"Naku masasaktan yon pag di ako naka attend. Kunwari di yon magtatampo pero syempre mas gusto non na andon na ako. Sana ma sorpresa ko sya." Medyo nangingilid ang luha sa mata ni Daddy Bert.
"Oh Die bawal maging emosyonal." Pagpapaalala ni Kim.
Andon ang mag iinang Karen,Kirsch at Kim kasama din si Diego.
"Babe, pwede ka ng bumalik sa Masbate sa weekend kaya ko na dito. Pakisabi sa HR mga one week pa ako mag leave kahit na unpaid leave pa. Kailangan lang ako ng pamilya ko." Mahinang bulong ni Kirsch kay Diego. Na tila bumalik na ang sweetness kay Diego. Naisip nya kasi businessman si Diego kaya ang kasunduan na yon ay tila paniniguro lang ni Diego na di sya aatras sa usapan. Yon nalang nilalagay nya sa utak nya para di gaanong masakit.
"No, sasamahan kita hanggang kailangan mo ako Babe. Ano pa na kami ang may ari ng kumpanya. Kaya nga may mga nagtratrabaho don eh." Pagtanggi ni Diego sa gusto ni Kirsch.
Nagkibit balikat nalang di Kirsch alam nya na di naman nya mapipilit si Diego sa kung anong gusto nya.
----
Sabado ng umaga at kumpleto na naman silang apat. Nag hahanda sila na mag almusal ng magkakasama. Nagpahatid si Diego ng pagkain kay Nilo na kinuha sa isang restaurant. Gusto nya na makakain sila ng pagkain na di palaging fast food.
Habang nag hahanda sila mag almusal ay may mahinang katok sa pintuan. Pinagbuksan naman agad ni Kim.
Bumungad sa kanila ang ina ni Diego si Mrs. Cecille Laxa na may dalang fruit basket.
"Good morning sa inyong lahat. Mukhang nagkakasiyahan kayo sana di ko kayo naistorbo." Bati ni Mommy Cecille sa kanila.
Tila nagulat pa si Diego na andoon ang Mommy nya dahil halos kaka alas 10 palang ng umaga. Humalik sya sa Mommy nya at yumakap.
BINABASA MO ANG
Never Ever Love You
FanfictionCollege buddies turned couples.. Matapos marinig ni Diego na sinabi ni Kirsch na never ever sya magkakagusto sa binata ay binago nya ang sarili nya..ngayon na nag iba na sya.. si Diego na ba ang magsasabi kay Kirsch na never ever syang maiin love di...