Tuloy pa rin ang palakpakan ng mga tao. May mga nag vivideo at may kumukuha ng picture.
Nang maisuot na ni Diego ang singsing kay Kirsch ay itinaas ni Kirsch sang kamay nya para makita ng mga bisita.
Nag umpisa na may bisita humiling na magkiss sila. Si Diego naman ay sumenyas na tila lakasan para mag kiss sila. Hinawakan ni Diego si Kirsch sa beywang nito at itinaas ang baba para halikan ang dalaga. Napapikit nalang ang mata ni Kirsch ng inilapit ni Diego ang labi nya sa labi ni Kirsch. Sandali lang na halik at magaan lang pero damang dama ni Kirsch at sobrang nag uumapaw ang puso nya. Di nya inakala na mag propropose ang binata.
Nagpalakpakan pa sila at itinaas ni Kirsch ang kamay nya bilang pagpapakita na engage na sila pinakita nya na suot nya na ang singsing.
At umakyat na ang emcee at pinalakpakan sila habang pababa sa stage. Pagdating sa lamesa ay kinamayan at niyakap ni Daddy Anton si Diego hanggang lahat na ng myembro ng pamilya ay yumakap kay Kirsch at Diego. Si Mommy Karen naman ay di mapigilan ang pagluha.
"Mommy Karen, di ko naman kukunin si Kirsch sa inyo hihiramin ko lang. Madadagdagan pa kayo ng anak. At magkakaroon kayo magaganda at gwapong apo." Bulong ni Diego sa ina ni Kirsch habang yakap yakap nya ito.
"Salamat hijo, salamat." Yon lang ang nasabi ni Mommy Karen.
"And now we are ready to dance the night away. Our dance floor is now ready." Pagbibigay ng hudyat ng emcee, bilang pag umpisa na ng sayawan.
Niyaya ni Diego si Kirsch magsayaw at di naman tumanggi ang dalaga.
Nakayakap si Diego sa dalaga habang nasayaw.
"Ang daya mo talaga. Bakit di ko alam na plinano mo na 'to?" Kunwari ay nagtatampo at hinampas pa ni Kirsch ang balikat ni Diego.
"Syempre surprise. Alangan naman sabihin ko Babe sa sabado ready ka na mag propropose na ako. Ano kaya yon." Natatawang sagot ni Diego kay Kirsch.
"Thank you Babe for making me feel extra special. I love you." At pinatong na ni Kirsch ang ulo nya sa balikat ni Diego.
"I always want you to feel na special ka kasi mahal kita." Bulong ni Diego kay Kirsch.
At nagyaya na si Kirsch umupo. Gusto sana isayaw ni Diego ang Mommy nya pero kasayaw ito ng Daddy nya. Niyaya naman ni Diego si Mommy Karen. Una ay ayaw pa pumayag pero napilit na din dahil tinukso ng mga anak nito.
"Patingin 'te." Pangangalabit ni Kim.
Ang singsing ang tinutukoy ni Kim. Nilahad naman ni Kirsch ang kamay nya. Tinititigan nya din ito habang tinitingnan ni Kim.
"Ang ganda 'te. Grabe nakakakilig yong proposal ni video ko. Nagulat ka ba 'te?" Nakangiting sabi ni Kim.
"Syempre 'no? Sino bang di magugulat? Ikaw ba di nagulat?" Pagtatanong ni Kirsch.
Napalapit na din si Kelly sa pag usyoso. Umiling si Kim na di sya nagulat. Pati si Kelly umiling.
"So alam nyo? Bakit di nyo sinabi sa akin. Nakakainis kayo." Kunwari ay nagtatampong sabi ni Kirsch.
"Alam na naming lahat. Alangan sabihin namin eh di hindi na surprise." Natatawang sabi ni Kelly.
"Ang daya pati ba si Daddy at Mommy alam din?" Pag usisa ni Kirsch sa mga kapatid.
"Yes. Bago pa magplano si Kuya Diego, pumunta sya sa bahay at kinausap si Mommy at Daddy. Humingi ng blessing dahil nga yayayain ka na magpakasal. Kaya ayon ng pumayag na saka nya plinano." Kwento ni Kelly.
"Ano? May ganoong nangyari ng di ko alam? Paano nya nakausap sina Daddy ng wala ako. Grabe naman kayo. Super mas nasurprise ata ako sa kwento mo." Tila di makapaniwala si Kirsch sa mga kwento ni Kelly.

BINABASA MO ANG
Never Ever Love You
FanfictionCollege buddies turned couples.. Matapos marinig ni Diego na sinabi ni Kirsch na never ever sya magkakagusto sa binata ay binago nya ang sarili nya..ngayon na nag iba na sya.. si Diego na ba ang magsasabi kay Kirsch na never ever syang maiin love di...