Matatapos na ang First Semester ng First year ni Diego at Kirsch. Finals week na next week kaya medyo busy ang lahat mag pass ng project at mag review sa final exams.
Ito na yong huling Friday ng Chess session nila Diego at Kirsch at di alam ni Diego if pag natapos na ang semester na to at di na kailangan ni Kirsch ang extra kung chess session kung magkakaroon pa sila ng bonding session like coffee or snack session.
After kasi ng getting to know coffee session nila nasundan pa ito ng ibang snack sessions. Minsan magdadala lang sila ng chitchirya at after mag chess ay papapakin na nila yong mga baon nila. Nag bonding na din sila kahit papaano at masaya si Diego na naconsider sya ni Kirsch bilang kaibigan neto.
Dahil last week ng pre finals week maaga nag dismiss ng class sina Diego kaya bago oumunta sa kanilang meeting place sa Commerce Garden dumaan muna si Diego sa Cafeteria para bumili ng snack nila ni Kirsch.
Dahil nga usually nauuna si Kirsch sa meeting place nila, nakita ni Diego na andon na si Kirsch kasama ang mga Barkada nya. Maingat syang nag kubli sa mga halaman doon at pasimleng nakinig sa pinag uusapan ng mga dalaga.
"Ano na one semester na kayo nag bonding nyang Nerd na yan baka naman na fall ka na jan ha." Panunukso ni Mariel.
Medyo napangiti si Diego dahil alam nya na sya ang topic ng tuksuhan nila ng barkada ni Kirsch.
"OMG i kennat if sa dami dami ng manliligaw mo eh sa isang Nerd ka lang na weirdo mababagsak. Hello kaka basted mo lang kay Brix na captain ball ng Basketball team ng St.Benedict grabe naman kababagsakan mo girl if ever." Maarteng sabi naman ni Lauren.
"Pagtatawanan ka ng mga binasted mo pag kay Diego ka lang babagsak trust me." Dagdag pa ni Inah
Medyo nasaktan si Diego sa mga naririnig pero totoo naman ang sinabi nila. Lalo bumaba ang self confidence ni Diego. Nagpapasalamat pa din sya na tanggap sya ni Kirsch bilang kaibigan kahit ano pa sinasabi ng mga kabarkada nya.
"Guys manahimik na nga kayo masyado na kayong OA. Mabait naman yong tao. Masyado kayong naka focus sa physical apperance nya. Actually di naman sya pangit. Adolescense just hit him bad.Baka magulat nalang ako later magkandarapa na kayo sa kanya." Pagbibiro ni Kirsch sa kanila
Napangiti naman si Diego feeling nya pinagtanggol sya ni Kirsch sa mga kaibigan.
"Basta sinasabi ko sayo Kirsten Dominique Tan...isusumpa talaga kita pag jan ka pa na fall sa Diego na yan." Bet kasi talaga ni Mariel ang kababasted lang ni Kirsch na si Brix. Kaya ramdam ni Kirsch ang panghihinayang kay Mariel na binasted nya ang basketbolista.
"Di naman siguro bumaba ang standards mo sa mga lalaki para maging first boyfriend mo si Diego Laxa no? Kahit na mayaman pa sya girl di kayo magkalevel. Dyosa levels ka sya magmumukha mo lang body guard. Nagtataka nga ako na minsan pumapayag ka na sabay kayo maglakad eh. Ano yan gurl charity work ba?" Maarte na nang aasar pa din ang Tono ni Lauren.
"Guys give the guy a break wala naman syang ginagawa sa inyo para laitin nyo ng ganyan." Tila panunuway ni Kirsch sa mga kaibigan.
"Ah basta pag naging jowa mo talaga yon itatakwil ka namin bilang kaibigan tandaan mo yan." Tila may pagbabanta na sinabi ni Inah.
"Ok, ok guys kalma ang Oa na masyado..ito na i will never ever fall in love with that nerd. Kahit ligawan nya pa ako at daanin sa napakaraming regalo hinding hindi ako magkakagusto sa kanya. Chess buddies lang kami this sem lang para sa grades ko ok alam nyo naman nakasalalay ang scholarship ko sa lahat ng grades ko kahit minor subject pa yan." Tila napipika na si Kirsch kaya nakapagbitaw siya ng mga salitang yon.alam kasi nya di titigil ang maaarte nyang friends kung di nya sasabihin yon.
"Kaya umalis na kayo dahil parating na sya baka naman gusto nyo pa sya laitin ng harap harapan." Pananaboy ni Kirsch sa mga kaibigan.
"Ok ciao gurl asahan namin na you will never ever fall for that guy ok." Yon ang huling sinabi ni Mariel at papalayo ng umalis ang mga kaibigan.
***Diego's POV***
Para syang sinaksak ng pagkadami daming punyal sa mga narinig ni Diego na sinabi ni Kirsch.
"Yong marinig na panlalait sa mga kaibigan nya tanggap na tanggap ko yon pero yong galing kay Kirsch mismo. Di ko naman inaasahan na maging kami pero akala ko totoo yong pakikipagkaibigan nya. Na beyond grades at exam ok kami kahit kaibigan lang. Yon pala nakikipag close lang sya para pa din sa grades nya. I never felt so small and insulted in my life ito lang. Napakasakit talaga." Halos maluha na si Diego na kinakausap ang sarili. Sari saring galit ang naglalaro sa utak nyan.
"Itaga mo sa bato Kerstin Dominique Tan. Darating ang panahon you will beg na I will give you my attention. Ikaw mismo magmamakaawa na pansinin kita at pagdating ng araw nayon ibabalik ko lahat ng masasakit na salita na sinabi mo ngayon." Galit pa din na naisumpa ni Diego sa sarili ang galit nya kay Kirsch.
Inayos nya ang sarili at tipong wala syang narinig. Lumabas sya mula sa pinagtataguan at lumapit sa dalaga. Di gaya ng dati seryoso ang mukha nya.
"Hi Diego. Wala ka ata sa mood ano nangyari." Nagtatakang tanong ni Kirsch ng makitang nakabusangot ang mukha ni Diego. Dati rati ay all smile sya pag palapit sa kanya ngayon ibang iba napakabigat ng awra nya.
"Let's just have our last chess session para matapos na to. I guess naman ready ka na sa final exam next week eh, di mo na talaga need tong session na to." Seryosong sinabi ni Diego sa dalaga.
"Ok mag umpisa na tayo." Nirespeto nalang ni Kirsch ang pagseseryoso ng binata. Inakala nya na bad mood lang at may problema si Diego kaya cguro bad mood ito.
Nag unpisa na maglato ang dalawa ng chess. Pero ilang beses sila umulit dahil laging natatalo si Kirsch ginagamitan sya ni Diego ng 5 moves checkmate na kahit anong focus ni Kirsch di nya talaga maipanalo.
"Siguro chinachallenge nya lang ako dahil nga finals na." Naisip nalang ni Kirsch na makakabuti yon para sa final test.
After an hour, tinigil na ni Diego ang laro. Sinabi nya na kailangan nya na umuwi at madami pa sya irereview. Sinabi na din ni Diego na tutal eh Finals na simula next week yon na din ang katapusan ng Chess session nila.
"Madaming salamat talaga Diego. Marami akong natutunan sa chess ng dahil sayo. At kahit papaano naging magkaibigan naman tayo if may time ka pede naman tayo magkape minsan kahit wala ng chess session magkamustahan lang ganoon. For friendship sake." Sincere na sabi ni Kirsch.
"Sige tignan natin. Cge paalam na good luck sa exams mo." Nagmamadaling umalis si Diego sa Commerce garden baka di sya makapagpigil sa init pa din ng ulo nya.
"Napakaplastic naman ng friendship friendship sake pa sya. Kung di ko narinig usapan nila magkakaibigan. Maniniwala na talaga ako sa kanya eh. Pero hindi rinig na rinig ko kung gaano ka baba ang tingin nya sa akin. Na parang napakalayo ng level namin para maging kami. Super nainsulto ang pagkatao ko. Hinding hindi na ako padadala sa sayo Kirsten Tan. Hinding hindi ako padadala sa pa sweet mo na super fake din pala." Itinatak ni Diego sa utak nya ang galit sa dalaga.
BINABASA MO ANG
Never Ever Love You
FanfictionCollege buddies turned couples.. Matapos marinig ni Diego na sinabi ni Kirsch na never ever sya magkakagusto sa binata ay binago nya ang sarili nya..ngayon na nag iba na sya.. si Diego na ba ang magsasabi kay Kirsch na never ever syang maiin love di...