Chapter 45: Back to Zero

1.6K 79 13
                                    

Natulog si Diego sa tabi ng asawa, mahimbing na itong natutulog kaya panakaw na niyakap ni Diego at hinalikan. Mga dati ay normal nyang nagagawa sa asawa ay panakaw nya ng ginagawa. Nagulat sya ng niyakap sya ng asawa. Siguro nakasanayan na din ni Kirsch na matulog na nakayakap sa asawa. Hindi inalis ni Diego ang yakap ng asawa. Dahil sa yakap na yon marahil ay nabigyan sya ng pag asa at agad syang nakatulog.

-----

Maagang nagising si Diego pinaghanda nya ang asawa ng breakfast, yes sya ang naghanda. Daing na bangus, tinapang bangus, sinangag, itlog na maalat kamatis at patis gaya ng hiniling nya ng isang araw. Dinagdagan nya pa ng longganisa, hotdog at tocino sakaling ayaw ng asawa ng mga seafood. Nagpatulong naman sya sa Mommy nya na game naman na tinulungan sya sa panunuyo sa asawa.

Nagising si Kirsch, una ay kinapa nya ang kama, wala ang asawa nya. At amoy mabango ang kwarto ang sarap ng amoy. Napabalikwas si Kirsch, nakita nya ang food tray sa kama. Ang daming pagkain at nakangiti ang asawa nya habang may hinahanda pa na parang inumin.

"Good morning Babe, prepared all these for you. Well tinulungan ako ni Mommy pero ako talaga nagluto with assistance kaya with love talaga yang ginawa ko. Kain ka na Babe, alam ko na gusto mo lahat yan. Kahit ubusin mo lahat ok lang, gusto mo subuan kita, sabay na tayo kumain. Diba promise natin yon lagi tayong sabay mag breakfast." Nakangiti
pang sabi ni Diego.

Di pinansin ni Kirsch si Diego, kinuha nya ang kutsara at kumuha sya ng sinangag, tinulungan sya ni Diego maglagay ng tinapa, itlog na maalat. Naglagay na din si Diego sa plato nya, at nagsimulang kumain. Maliban sa tunog ng kubyertos at minsan ay pagnguya at gigil na pagsawsaw ni Kirsch ng kamatis sa patis ay tahimik lang sila. Ginawan pa ni Diego si Kirsch ng hot chocolate.

Kahit galit si Kirsch kay Diego, talagang napasarap ang kain nya. Feeling nya tuloy tumataba na sya. Pero di nya naman pinagsisisihan, ang sarap kumain.

"Tapos ka ba ba kumain Babe? You want fruits panghimagas, mangga gusto mo?" Malambing na alok ni Diego kay Kirsch.

Tinignan lang ni Kirsch ang lalaki sa harap nya. Kumirot ang dibdib nya. Di nya man aminin mahal nya pa din ang lalaking ito pero andoon pa din ang galit na nararamdaman nya. Sa ginagawa nyang pang aamo sa kanya ngayon kailangan nyang patigasin ang puso nya dahil kung hindi bibigay ulit ang puso sa lalaking una at marahil huling magpapatibok ng puso nya.

"No thank you, ikaw nalang kumain." At tumayo si Kirsch at dumerecho sa banyo. Narinig ni Diego ang paglock ni Kirsch sa pintuan kaya napailing nalang sya.

Niligpit nya ang pinagkainan nila at bumaba na. Hinayaan nya maligo ang asawa. Namiss nya bigla ang shower nila ng sabay. Pero sa ngayon kailangan nya pang ibalik ang tiwala ng asawa sa kanya na tila nawala dahil sa pagkakamaling di nya naman sinasadya. Matagal na kasi 'yon at di nya naman alam na importante sa asawa yong mga ganoong bagay.

Bumalik si Diego sa kwarto at naabutan nya ang asawa na nagbibihis. Nagulat pa ito at biglang nagtakip ng katawan.

Nirespeto naman ni Diego ang privacy ni Kirsch kaya pumasok ito sa banyo para maligo.

Kung sa ibang sitwasyon lamang sila baka hindi sya dederecho sa banyo. Malamang ay may nangyari na naman sa kanilang mag asawa. Pero kailangan respetuhin din ni Diego ang galit ng asawa. Respetuhin sa punto na hayaan nya na magalit ang asawa sa kanya dahil karapatan nya yon. Pero di nya hahayaan na tumagal pa kailangan nya suyuin ang asawa. Kahit sa anong paraan kailangan magkabati ulit sila ng asawa.

Nakababa na si Kirsch at kausap ang Mommy ni Diego sa may garden. Lumapit si Diego sa dalawang importanteng babae sa buhay nya at inakbayan nya pa ang asawa.

Di naman umiwas si Kirsch, kaya nagtaka din si Diego pero di nya pinansin.

"Aba mukhang effective ang panunuyo ng anak ko sa'yo ah. Mukhang bati na kayo. Masyado syang aligaga sa pagprepare ng pang almusal mo at mukhang effective naman." Masayang sabi ni Mommy Cecille.

Never Ever Love You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon