Chapter 33: Planning

1.4K 67 14
                                    

Maagang nagising si Kirsch at di pa din makapaniwala na malapit na sya ikasal. Tinititigan nya ang kamay nya suot suot ang engagement ring.

"Totoo na talaga 'to. Di ako nananaginip." Nakangiting naisip ni Kirsch.Napangiti lang sya habang nag rereply.

"Good morning Babe, just read your message sorry nakatulog ako agad kagabi. See you later. I love you Babe.💖"

Hinubad nya ang singsing nilagay sa box na binigay ni Diego sa kanya kagabi at tinago sa drawer nya. Nag shower sya saglit at pinusod ang buhok. Tutulong sya sa pagluluto. Naisip nya kailangan nya din matuto magluto kasi mag aasawa na sya baka puro itlog at spam ang ipakain nya kay Diego. Natatawa nalang sya sa naiisip nya.

Pagbaba nya ay abala na si Mommy Karen sa paghihiwa ng mga dapat lutuin. Maaga daw namalengke si Aling Mikay kaya naghiwa nalang din si Kirsch ng binilin ni Aling Mikay na dapat hiwain.

Naghanda na din si Mommy Karen ng almusal nila para makakain na bago pa magsimula ang pagluto.

Maya maya pa ay bumaba na si Kim at Kelly at sumali na din si Markus na mukhang maaga pa nagising at nahihiya lang lumabas hanggang wala pa si Kim.

Inihanda na ni Mommy Karen ang almusal at pinasok sa kwarto si Daddy Bert para asikasuhin. Paglabas ng kwarto ay tila nagtatalo pa ang dalawa.

"Naku Karen, naopera lang ako di pa ako baldado. Kaya ko pa bumangon at ayusin ang sarili ko." Tila pagprotesta ni Daddy Bert sa pag aalaga ng asawa.

"Naku ang kulit mo din na tao ka, ikaw na 'tong tinutulungan ikaw pa matigas ang ulo." Reklamo naman ni Mommy Karen sa asawa nya.

Nangiti nalang ang magkakapatid na Kirsch, Kim at Kelly. Normal na sa magulang nila ang ganoong sitwasyon. Di naman sila nag aaway ganoon lang talaga sila.

Habang nag aalmusal sila ay nag message si Diego kay Kirsch.

"Good morning future wifey, I just woke up, Mom informed me na naorder nya na ang lechon, crabs and shrimps, gumawa na din si Yaya Ingrid ng Embotido, Paella, Baked Salmon at Halo Halo Leche Flan. On the way bibili nalang kami ng cake. May gusto ka pa bang food na dadalhin namin? I can't wait to see you. I miss you. I love you Babe 💖."

Nangiti si Kirsch sa message ng binata nag reply sya.

"Good morning future hubby. Ang dami naman nating food. May Kare kare si Aling Mikay magluluto din daw sya ng Chopsuey, Sisig, at Menudo tapos mag iihaw sila ng seafoods at Bar BQ tapos buko salad ang gagawin sa dessert. Naku mapapadami na naman kain ko nito. Pakakasalan mo pa ba ako pag tumaba ako? See you later Babe, I love you too.💖"

Agad agad naman nagreply si Diego.

"Gusto ko nga na matakaw ka. Kahit ano ka pa kataba mamahalin pa din kita. Ok I need to get out of the bed. See you later Babe. I love you. 💖"

Di na nag reply si Kirsch at inasikaso na ang pag aalmusal. Nangkwentuhan pa sila hanggang dumating na si Aling Mikay. Pinag almusal muna nila ang katiwala para matuloy na sa pagluluto. Inako na ni Aling Mikay at Mommy Karen ang pagluluto kaya inasikaso ni Kirsch, Kim at Kelly ang pagliligpit at pag aayos sa bahay para maging presentable ito sa magiging bisita. Inayos ni Kelly ang dining table para kakainan nila si Kirsch at Kelly naman ay sa sala nila naging abala. May biniling fresh na bulaklak si Aling Mikay kaya ginamit nila yong para maging maaliwalas ang bahay.

Bandang alas 11 ay natapos na din ang niluluto nila. Amoy fiesta ang bahay nila Kirsch. Si Markus at Daddy Bert ang nakatoka sa pag iihaw. Buti nalang at gabi pa ang flight nila Kim at Markus pabalik sa Maynila.

Nang matapos na ang kanilang ginagawa ay nagbihis na ang mga dalaga. Nagsuot ng bestida si Kirsch. Simpleng ayos lang ng buhok at kunting make up at lipstick lang ang nilagay nya. Nang makita ang sarili sa salamin ay nasatisfied naman sya kaya bumaba na ulit sya sa sala. Naroon na din sina Kim at Kelly at nagkukulitan. Nakapagpalit na din si Markus ng kanyang damit at si Daddy Bert. Handa na silang tumanggap ng bisita.

Never Ever Love You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon