Chapter 18: First Kiss

1.6K 77 8
                                    

-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-

Writer's note:

Pasensya na po sa nag aantay. Napindot ko by accident ng di pa sya tapos kaya ni unpublish ko. Pasensya nya if later may mga ganitong pangyayari. 💖💖

-=-=-=-=-==-==-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-=-

Maagang nagising si Kirsch. Siguro nasanay lang talaga sya magising ng alas 6 ng umaga. Tulog pa si Diego kaya lumabas sya sa resort at naglakad lakad sa may beach. At naupo sa isang bench. Ninamnam nya lang ang katahimikan dahil alam nya na pagbalik nila ni Diego sa Masbate ay iba na. Ibang iba. Magsisinungaling sya sa mga magulang nya, magulang ni Diego, sa lahat ng mga tao sa paligid nila at lalong lalo na sa sarili nya. Dahil alam nya di pag arte ang pagmamahal nya kay Diego. Na alam nya sa sarili nya na totoo na nararamdaman nya may kusunduan o wala. Pero iba dahil para sa lalaki kasunduan lang ang lahat, isang charity project na kahit sya di nya alam kung ano ang magiging benepisyo nito sa binata. Sya ang nagsinungaling at sya din ang masasaktan. Di bali na sabi nga ni Mariel magmahal lang ng magmahal , saka ko na iisipin kung masasaktan ako ang importante masaya ako, sa pagsisinungaling ko sa damdamin ko. Biglang bumalik ang pag iisip ni Kirsch sa katotohanan ng bigla syang hinawakan sa balikat ni Diego.

"Kanina ka pa ba nagising? Sana ginising mo ako para nakapaglakad lakad tayo. Good morning nga pala babe." Bati ni Diego sabay halik sa ulo ng dalaga.

"Good morning.Maaga pa kasi at nakita ko tahimik dito kaya sinamantala ko ang moment." Sagot ni Kirsch sa binata.

"Ang daya mo gusto mo solohin ang moment. Ayaw mo ako makasama kahit sa katahimikan mo hmp." Tila nagtatampo pa si Diego.

"Ang arte mo. Lika na sa bungalow natin para mag prepare na tayo sa lakad natin ngayon." Yaya ni Kirsch kay Diego. Ngayon si Kirsch pa ang humawak sa kamay ng binata at hinila nya to pabalik sa bungalow.

"Di pa ako nag wowork out." Kunwaring pagtatampo ni Diego.

"Buhatin mo ako mula dito hanggang bungalow work out na din yon." Natatawang sabi ni Kirsch.

"Talaga? Payag ka? Halika." At pinasakay ni Diego si Kirsch sa likuran nya.

"Hoy nagbibiro lang ako mabigat ako no." Natatawang sabi ni Kirsch.

"Sumakay ka nga para yon na work out ko." Seryosong sabi ni Diego.

Umandar ang pagkabatang isip ni Kirsch bigla syang sumampa kay Diego at nagpabuhat. Hinawakan ni Diego ang mga hita nya at yumakap sa leeg ni Diego si Kirsch. At nagtatakbo na si Diego. Di ito agad tumakbo sa bunggalow nagpaikot ikot pa muna sa may buhanginan. Tawa naman ng tawa si Kirsch na mukhang nag eenjoy. At tila napagod na si Diego kaya dumerecho na sa bungalow. Di pa din binababa ni Diego si Kirsch hanggang makapasok sila sa loob ng bahay, binaba nya ang dalaga sa may sofa.

"Ang bigat!" Pang aasar ni Diego kay Kirsch.

"Di kita pinilit buhatin mo ikaw jan nag mayabang eh." Sabay irap ni Kirsch kay Diego.

"Order na ako almusal or after natin maligo? Sabay tayo maligo?" Nanunuksong tanong ni Diego kay Kirsch.

"Lika swimming tayo sa pool kahit 15 mins lang." Yaya ni Kirsch kay Diego.

"Sige palit ka na panligo. Mag swimming tayo work out din yon." Pagpayag naman ni Diego sa idea ni Kirsch.

Nagpalit ng panligo si Kirsch. Kulay blue na one piece swimsuit ang suot nya na may uka sa may bewang nya. Napaka sexy naman talaga ni Kirsch. Wala pa din pinagbago ang katawan nya simula pa ng sumasali sya sa beauty pageant. Pinusod nya ang buhok nya at lumabas na sa pool area.

Never Ever Love You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon