Chapter 37: Getting There

1.2K 51 12
                                    

Pagkalapag na pagkalapag ng eroplano ni Diego sa Masbate ay agad nyang tinawagan si Kirsch. Pero di pa din sya sinasagot ng dalaga. Confirmed, malaki nga ang galit ni Kirsch. Mapapasabak si Diego sa matinding suyuan.

"Di ko naman syempre susukuan si Kirsch. Mahal ko at may kasalanan naman din ako." Kahit pagod sa byahe ay determinadong manuyo si Diego sa katipan.

Paglabas ng airport ay nakita agad ni Diego si Mang David. Nasa sasakyan na din ang mga pinapick up nya sa pinagkakatiwalaang driver. Tumawag sya sa paborito nilang resto para magpabalot ng mga pagkain at balak nya doon na mag dinner sa tahanan ng mga Tan. Dinaanan din nila ang mga inorder bago dumerecho kina Kirsch. Habang nasa byahe ay nagpalit sya ng suot, nag simpleng shorts pants lang sya at nag polo shirt. Gamit ang wipes ay nilinis nya mukha nya at nag freshen up.

Pagdating sa tahanan ng mga Tan agad bumaba si Diego at kinuha ang bulaklak at mga ballons saka tumuloy sa loob ng tahanan ng mga Tan. Si Mang David na nagbitbit ng iba nyang pinamili para sa panunuyo kay Kirsch.

Tamang pagpasok nya ay nagtitipong ang pamilya Tan sa salas nito at nanonood ng balita habang nag aantay ng hapunan. Natahimik ang lahat ng pumasok si Diego na halos di na makita dahil sa hawak na bulaklak at ballons. Walang kamalay malay ang mga Tan na may tampuhang nagaganap sa dalawa kung di pa nakita ang mga regalong dala ni Diego.

"Magandang gabi po Daddy Bert at Mommy Karen. Babe, good evening. Kakarating ko lang dito na ako dumerecho kaya medyo ngarag pa ako." Pagbati ni Diego habang binababa ang mga dala nyang pasalubong at panunuyong regalo sa katipan. Nagmano sya sa magulang ni Kirsch at ng akma syang bebeso kay Kirsch ay umiwas ang dalaga. Kaya natahimik ang lahat. Alam nila may tampuhang nagaganap.

"Opppps. Tsk, tsk , tsk." Tila nanunukso na reaction ni Kelly.

"Babe... I'm really sorry. Tinanghali ako ng gising tapos na deadbatt pa ako." Pagpapaliwanag ni Diego.

Pinandilatan lang ni Kirsch si Diego na tila sinasaway ang pagpapaliwanag nya lalo't andoon ang mga magulang nya.

Pumasok na si Mang David at tinanong kung saan ilalagay ang mga pinamili ni Diego. Kaya tila nabaling ang attensyon ng pamilya kay Mang David at natigil ang pagbabadyang sagutan ng magkatipan sa harap ng mga magulang ni Kirsch.

"May dala po akong ulam at dito na rin po ako maghahapunan." Baling ni Diego kay Aling Mikay na inabot ang mga nakabalot na pagkain na dala ni Diego.

"Naku ihanda mo na yan Mikay at maghapunan na tayo bago pa lumamig ang pagkain." Tila pag iwas na din sa tila tampuhan ng anak at katipan nito ay binaling ni Aling Karen ang usapan sa hapunan.

Di pa din iniimik ni Kirsch ang binata kahit sinusubukan nitong dumikit,bumulong para magpaliwanag. Pati ang simpleng pag alalay ni Diego ay iniiwasan ni Kirsch. Alam ng binata na matinding pagsuyo ang magaganap sa mga susunod na araw. Di naman sya nagrereklamo dahil kasalanan naman nya talaga.

Umupo na ang mag anak sa hapag kainin kasama si Diego na sa tabi ni Kirsch umupo. Mararamdaman ang malamig na pakikitungo ni Kirsch sa binata. Samantalang sinusubukan ni Diego pagsilbihan nya si Kirsch pero gumagawa ng paraan ang dalaga na di sya mapagsilbihan ng binata.

Si Daddy Bert na ang bumasag ng katahimikan dahil ramdam ang tensyon ng dalawang magkatipan.

"Kumusta naman ang lakad mo sa Maynila Diego? Naayos na ba mga dapat ayusin doon. Ang titirhan nyo naayos na ba?" Sunod sunod na tanong ni Daddy Bert para lang mabasag ang katahimikan.

"Ok naman po Dy, yon pong temporary office namin ay nag ooperate na po. Yon naman pong patatayuan ng building na bago ok naman po ang location. Accessable po ang lugar at ang traffic po ay di gaano kabigat kasi di po daanan ng ruta ng kung anong jeepney. Yong titirhan naman po namin ni Kirsch di ko pa po pinagagalaw minamaintain lang po na malinis dahil gusto ko po si Kirsch ang mag aayos ng bahay namin doon." Siniko pa ni Diego ng bahagya si Kirsch pero di pa din nagrereact ang katipan.

Never Ever Love You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon