Kinabukasan ay medyo tinanghali ng gising si Diego kaya ng makita nya na 9:30 na ay napabalikwas sya at nagmamadaling nag shower. Pagkatapos nya magbihis ay di na sya nakapagkape. Hinalikan ang ina na nag aasikaso sa mga orchids nito at nagpaalam na manananghalian kina Kirsch."Dito kayo mag didinner anak ha mag papahanda na ako." Pahabol ni Mommy Cecille.
"Yes Mom, dito kami mamaya mag dinner." Pangako ni Diego sa Ina.
Sabay sumakay na sa auto nya at pinatakbo na ang sasakyan. Dumaan muna sya sa flower shop para kumuha ng flowers para kay Mommy Karen at Kirsch, fruit basket para kay mang Bert at basket ng Chocolate naman para kay Kelly bumili na din sya ng chocolate cake para panghimagas nila. Saka dumerecho na si Diego kina Kirsch.
Unang dinala ni Diego ang mga bulaklak at prutas nina Mommy, Kirsch at Daddy. Bumeso at nagmano si Diego sa mga magulang ni Kirsch at humalik naman sya sa pisngi ni Kirsch. Kinuha nya ang chocolates ni Kelly at ang chocolate cake pa na binili nya. Saka na tuluyang pumasok sa bahay ng mga Tan.
"Tamang tama ang dating mo iho at tapos na magluto ang mga babae dito sa bahay sa kusina." Sabi ni Mang Bert.
"Di naman po marunong magluto si Kirsch di ba?" Nagtatakang tanong ni Diego sa ama ni Kirsch.
"Ewan ko jan, siguro nag aaral na at nagka nobyo na kaya nag hahanda na." Panunukso ni Mang Bert sa anak.
"Dad narinig ko yon. Tumulong lang nag aaral na agad. Masyado nyo pinalalaki ang ulo nyang si Diego." Pagsabat ni Kirsch sa usapan ng dalawang lalaki. Sabay balik sa kusina at tulong sa paghahanda ng tanghalian.
"Alam nyo na po pala na kami na po ni Kirsch. Gusto po sana namin sabay namin sasabihin ngayon pero matinik po ang radar nyo eh. Hehehe." Pagbibiro pa ni Diego.
"Wala naman pagtutol sa amin ng Mommy nya. Basta mamahalin mo at aalagaan ang anak ko. Di sya perpekto pero dahil lalaki ka ikaw makibagay sa kanya. Madali at masarap mahalin ang anak ko. Alam ko to dahil unang kita ko palang sa kanya minahal ko na sya at hanggang buhay ako di ako titigil na mahalin sya. Kaya sana ganoon ka sa kanya. Sa'yo nya lang pinagkatiwala ang puso nya kaya alam ko espesyal ka at pinagkakatiwalaan ka din nya na alagaan ang puso nya. Kaya tiwala ako sa desisyon ng anak ko na mahalin ka." Mahabang payo at pangaral ni Daddy Bert kay Diego.
"Di ko po maipapangako pero susubukan ko po na di masaktan ang anak nyo." Pangako ni Diego sa ama ni Kirsch.
"Aasahan ko yan hijo." At nakipagkamay pa si Mang Bert sa binata na tila bang may sumpaan sila na di dapat masira.
At tinawag na ni Kirsch si Mang Bert at Diego para mananghalian.
Si Kelly ang nagdasal para sa pananghalian nila."Ang munting salo salo na to ay para sa ating lahat at dahil may importanteng anunsyo si Diego at Kirsten." Panimula ni Daddy Bert na pagbibigay ng pagkakataon para kay Diego at Kirsch na opisyal na sabihin na magkasintahan na sila.
"Gusto ko po malaman nyo lahat na ako at si Kirsch po ay magnobyo na. Sana po eh tanggapin nyo ang aming relasyon." Sabay taas ni Diego ng kamay nila ni Kirsch na magkahawak.
At yon na nga opisyal na na magkasintahan si Kirsch at Diego. At nag umpisa na silang kumain. Alagang alaga ni Kirsch si Diego. Walang halong pag arte o pagpapanggap sa mga kinikilos nya. Dahil totoo ang pag aalaga nya sa binata.
Masayang nananghalian ang pamilya nagkwentuhan, nagtawanan ang saya lang nila talaga pagmasdan.
"Alam na ba ng magulang mo Diego ang relasyon nyo ni Kirsten?" Biglang naitanong ni Mang Bert.
"Mamayang gabi po doon kami mag dinner ni Kirsch sa bahay sasabihin na din po namin sa kanila ang tungkol sa amin. Kaya papaalam ko po sana na hihiramin ko po muna si Kirsch mamayang gabi." Magalang na tanong ni Diego sa magulang ni Kirsch.

BINABASA MO ANG
Never Ever Love You
FanfictionCollege buddies turned couples.. Matapos marinig ni Diego na sinabi ni Kirsch na never ever sya magkakagusto sa binata ay binago nya ang sarili nya..ngayon na nag iba na sya.. si Diego na ba ang magsasabi kay Kirsch na never ever syang maiin love di...