Walang sinabi si Kirsch kay Diego tungkol sa ginawa nyang pregnancy test. Hindi na din nakauwi ng lunchtime si Diego dahil madami syang appointments at meeting. Kaya natulog lang si Kirsch maghapon. Maliban sa pagkahilo, hilig sa seafoods ay antukin na din sya. Buntis na nga talaga sya. Naisip nalang ni Kirsch ang magiging sitwasyon nya. Ang bilis ng mga pangyayari. Ang tagal nya hinantay na mabuntis sya. Tapos kung kailan nagkaproblema sila ni Diego, nalamatan ang tiwala sa asawa, nagduda sya sa intensyon ni Diego sa kanya malalaman nya na buntis sya. Paano kung nagplano sya na hiwalayan si Diego agad agad? Mag isa nya sanang haharapin ito. Masaya sya na magiging nanay na sya pero sanga sanga ang panagambang iniisip nya ngayon. Di nya maiwasan mag alala. Hinamon nya si Diego na hihiwalayan nya ito matapos ang kasunduan nila, di naman ito pumayag pero paano kung magbago isip nito at pumayag na sya maghiwalay sila. Okay lang sya pero paano yong magiging anak nila lalaki ng walang buong pamilya? Mahal nya naman kasi si Diego pero galit talaga sya ng sinabi nya yon tsaka naisip nya niloko sya ni Diego. Kung sya lang kakayanin nya pero paano na 'to may anak na silang dalawa. Ngayon pa nga lang di nya alam paano sasabihin kay Diego. Ano magiging reaksyon nito.
Bumangon na si Kirsch at inayos ang sarili. Di nya alam paano ba kumilos ang isang buntis, ano mga susuotin nya. Ok pa ba na magsex sila ni Diego kahit buntis na sya? Ang daming tanong ni Kirsch sa utak nya para maiwasan ang gumugulo sa utak nya ay bumaba sya sa garden.
Habang tinitignan ang mga alaga nya ay nilapitan sya ni Lucio.
"Hello Ninang. Okay na ba pakiramdam mo?" Nag aalalang tanong ng inaanak.
"Oo naman Baby Boy, sino nagsabi na masama pakiramdam ko?" Nakangiting tugon ni Kirsch sa bata.
"Sabi kasi ni Lola, huwag daw po kitang kulitin kasi masama daw po pakiramdam nyo. Hindi ka po nag office kanina yayayain po sana kita manood ng movie sa malaki nyong tv pero sabi ni Lola nagpapahinga daw po kayo." Mahabang kwento ni Lucio.
"Ah ganoon ba. Sige pag wala akong lakad bukas manonood tayo ng movie ok. Mag gogrocery pala ako bukas isasama nalang kita para kumain tayo ng ice cream gusto mo ba yon?" Tila bumabawi na sabi ni Kirsch sa inaanak.
"Opo gusto ko po. Pero magpapaalam muna ako kina Papa kung papayagan po ako." Nakangiting sagot ni Lucio.
Naabutan sila ni Diego sa garden, nakauwi na pala si Diego ng di nya napansin na lagpas alas sais na pala ng gabi.
"Hello Babe, hi Lucio, binantayan mo ba ang Ninang mo?" Bati ni Diego sa asawa at inaanak. Inakbayan pa nito ang asawa at hinalikan sa may noo.
"Kakalabas lang po ni Ninang, masama daw po kasi pakiramdam nya sabi ni Lola." Kwento ni Lucio sa Ninong nya.
"Masama pakiramdam mo? Bakit di ka nag message?" Bigla ay nag alala ang mukha ni Diego.
"Di naman masama pakiramdam ko, nagpahinga lang ako. Baka sinabi lang ni Yaya Ingrid yon para di mangulit si Lucio." Pabulong na sabi ni Kirsch para di marinig ng bata.
Naintindihan ni Diego ang ibig sabihin ni Kirsch kaya di na kinulit ang asawa.
"Ninong, uwi po muna ako magpapaalam ako kay Mama, niyaya po ako ni Ninang mag grocery bukas tapos mag iice cream daw po kami. Sama ka po?" Pag anyaya pa ng bata.
"Sige sama ako." Nakangiting sabi ni Diego.
Normal lang ang galaw ni Kirsch dahil ayaw nya ipaalam muna kay Diego na buntis sya. Baka naman mali lang yong test na ginawa nya. Uulitin nya ulit bukas ng umaga.
Sinigang na Hipon ang dinner nila na may kasamang inihaw na bangus at liempo at bistek tagalog. Di naman nagrekwes si Kirsch pero tila alam na ni Ate Linda ang pinaglilihihan ni Kirsch. Si Diego naman ay mahilig talaga sa beef kaya naisipan ni Yaya Ingrid ipadagdag ang bistek.

BINABASA MO ANG
Never Ever Love You
FanfictionCollege buddies turned couples.. Matapos marinig ni Diego na sinabi ni Kirsch na never ever sya magkakagusto sa binata ay binago nya ang sarili nya..ngayon na nag iba na sya.. si Diego na ba ang magsasabi kay Kirsch na never ever syang maiin love di...