Sabado nang umaga nagising si Kirsch naninibago sya na wala sa hapagkainan nila si Diego. Bumati sya sa ama at umupo para mag almusal. Tumunog ang phone ni Kirsch si Diego nag video call.
D: "Good morning Babe."
K: "Good morning, ang daya mo 'di ba di tayo pwede magkita?"
D: "Actually di naman nila ni klaro ang pamahiin di nila naisip na maiimbento ang video call. Thanks to science. Hi Daddy Bert, andyan ba sya? Miss ko na agad almusal ni Aling Mikay."
B: "Magandang umaga Iho."
K: "Kumain ka na ba? Kanina ka pa ba gising?"
D: "Ito mag aalmusal palang, nasa garden si Mommy si Dad naman nasa office na."
K: "Aw, mag isa ka palang nag breakfast today."
D: "Di bali, simula sa lunes never na akong mag aalmusal mag isa. Promise mo please, Babe." (Nagpapacute pa sya na tipong nag mamakaawa.)
K: Depende kung good hubby ka.
D: Promise mo nga kasi na kahit nagtatampuhan tayo sabay tayo mag breakfast, simula sa lunes at kahit 90 years old na tayo."
K: "Ang clingy mo." (Nakangiti di mapigil ang kilig)
D: "Sige na ipromise mo please." (Nagmamakaawa na may halong pagpapacute.)
K: "Opo, promise ko na palagi tayong magkasabay magbreakfast kahit anong sitwasyon. Ok na po ba boss?" (Pairap pa kunwari.)
D: "Yes my lady. I love you."
K: (Nandilat at namula dahil narinig ng Daddy nya.)
D: (Tawang tawa lang habang sumusubo ng pagkain.)
D: "Kita tayo mamaya, miss na kita."
K: "Bawal nga diba?" (Nandidilat pa din ang mata at namumula, hiyang hiya na at naririnig sila ng Daddy nya.)
B: (Kunwari ay naubo, gusto lang ata magparamdam na naririnig niya ang usapan nila.)
D: "Paano kung magkasalubong tayo mamaya sa hotel. Di mo ako papansinin?" (Patuloy pa din sa pagkain.)
K: "Di ako lalabas ng kwarto para di tayo magkasalubong." (Nakangiti nyang sabi.)
D: "Ang daya naman nilalabanan ang destiny. Hahaha." (Di nya na mapigilan tumawa sa ka cheezyhan ng sinasabi nya.)
K: "Loko loko ka talaga. Tapusin mo na yang kinakain mo at magpahinga ka. Samahan mo si Mommy Cel sa garden para makalanghap ka ng sariwang hangin kung ano ano pinagsasabi mo jan."
D: "Punta ako jan. Pahangin tayo sa bahay kubo." (May pakindat pang sabi ni Diego.)
K: "Ang kulit di nga pwede." (Nangingiti pero namumula.)
Kelly: "Ang haharot nyo po." (Pasigaw na panunukso ng bunso habang dumadaan sa likuran ng kapatid.)
D: "Hello Bunso, good morning."
K: "Sige na kasi kumain ka na jan. Tapos magkita nalang tayo bukas ok. Pag di na bawal."
D: "Hmmm ok, pero..." (Ngumuso at tila nag aantay ng halik.)
K: "Bukas.." (Natatawa na kinikilig.)
D: "Sige na nga. Mamaya nalang." (Sabay ibinuka ang labi habang sinasabing "I Love You." Para walang makarinig.)
K: "Sige bukas nalang ang kulit." (Napapailing pero di maalis ang ngiti sa labi nya.)Natapos ang kanilang video call at natapos na din ang agahan ng Pamilya Tan. Pagkatapos ng tanghalian ang usapan nila na pagpunta sa hotel dahil doon na lahat ang preparasyon. Kaya habang wala pang ginagawa ay naging abala nalang si Kirsch sa paggawa ng kanyang wedding vows.
Matapos nya magsulat ay hinanda nya na ang mga dadalhin nya sa hotel at nag impake sya ng maleta na para sa honeymoon nila.
Nang matapos sya mag empake ay napaupo sya sa gilid ng kama nya.
"Ito na talaga di na mapipigil, ikakasal na ako. Ito na ang huling tulog ko sa kwarto na ito bilang single. Tapos honeymoon, kinakabahan ako pero ito na ito." Nangingiting sabi ni Kirsch habang kausap ang sarili.
Maya maya ay mahinang kumakatok sa kwarto nya si Aling Mikay.
"Kirsch manananghalian na daw muna tayo bago kayo umalis." Sabi ng katiwala nila pagkasilip sa pintuan.
Pinuntahan ni Kirsch si Aling Mikay.
"Aling Mikay, mamimiss ko kayo at mga luto nyo. Uuwi pa naman ako dito para dalawin kayo. Sana wag nyo pababayaan sina Mommy at Daddy pati na mga kapatid ko. Alam ko naman di na kayo iba sa amin. Tsaka minsan uuwi ako dito para magpaturo ng mga recipe nyo at sarap na sarap si Diego sa mga luto nyo." Sabi ni Kirsch sa katiwala nila habang yakap yakap ang may edad ng babae.
BINABASA MO ANG
Never Ever Love You
FanficCollege buddies turned couples.. Matapos marinig ni Diego na sinabi ni Kirsch na never ever sya magkakagusto sa binata ay binago nya ang sarili nya..ngayon na nag iba na sya.. si Diego na ba ang magsasabi kay Kirsch na never ever syang maiin love di...