Singapore 2017
After 8 yrs na pagstay ni Diego sa Singapore madami na nagbago.
Nakapagtapos na sya ng Business Management and Administration course at may MBA na sa pangalan nya.Napamahalaan nya na din ang expanding business nila sa Singapore as training ground sa paghawak nya ng main business nila sa Pilipinas.
Dahil nga kasama sa listahan ng Most Eligible Bachelor sa Asia. Madali syang nakakapagpalit palit ng babae. Kahit no string attach papayag sila. May mga models,actresses at kapwa young businesswomen ang nahuuumaling sa isang Diego Angelo Laxa.
Minsan nabisita ang Mommy ni Diego sa condo unit nya sa Singapore. Laking gulat neto na may kasamang modelo ang anak. Hindi makatingin ang ina sa babae dahil lumabas itong naka bra at panty lang mula sa kwarto ng anak. Nagpatay malisya nalang ang ina habang hinahatid palabas ni Diego ang dalaga.
"Diego anak, ano ba nangyayari sayo. Last time ng binisita kita dito ibang babae kasama mo, ngayon iba naman. Ano ba pinatutunayan mo sa sarili mo? Meron ba isa sa mga yan na totoong girlfriend mo?" Nangungunsumisyon na ang Mommy ni Diego.
"Mom, sa panahon ngayon di na uso ang labels. I make her happy she makes me happy ok go walang drama walang responsibilities." pangangatwiran ni Diego na wala pa din suot pang itaas.
Mula sa patpating pangangatawan ay nagkalaman na ito. Di gaya ng iba na super abs or super muscle si Diego ang tipo ng pangangatawan na nagkalaman lang pero di mataba hindi din naman patpatin.
"And by the way wear your shirt on whenever I'm here. Di ako sanay na shirtless ka. Sa utak ko ikaw pa din ang baby boy ko na pinapalitan ko ng diapers." Naiirita na si Mommy Cecille dahil wala pa din shirt ang anak.
"Mom di ka ba nagagandahan sa katawan ko. Hehehe." Natatawa pang sabi ni Diego pero kumuha na sya ng shirt para mag damit na.
"Ihanda mo na sarili mo at uuwi na tayo. Sana na turn over mo na lahat ng iiwanan mong trabaho sa bagong head ng branch natin dito sa Singapore. Last month nag general check up ang Daddy mo at need nya na mag lielow sa work. Mahina na ang heart nya at baka mamaya ikamatay nya na ang pagiging workaholic." Sabi ng Mommy ni Diego.
"Matagal ko na po na turn over ang mga maiiwan na work kay Tim dito sa branch sa Singapore. Alam nya na ang mga palakad dahil sya naman kasa kasama ko dito sa company." Sabi ni Diego. Si Tim ay pinsan nya na mapagkakatiwalaan din sa business nila dito sa Singapore.
"So ready ka na umuwi? Inaantay ka na ng Daddy mo." Tanong ni Mrs. Laxa
"Next week Mom. Asikasuhin ko lang mga dapat ko iwan dito tapos I'll fly back to P.I na." Sabi ni Diego.
"Oo iwanan mo na din ang mga babae mo dito na kung sino sino wag mo na dalhin sa Pilipinas." May pagkayamot na si Mommy Cecille.
"Asus nagselos naman ang Mommy ko. Ikaw pa din ang nag iisang babae sa buhay ko kaya wag ka na magselos Mom." Sabay yakap ni Diego sa ina habang naglalambing.
"Umayos ka Diego di ka na bata at di na kita kayang pagtakpan sa Daddy mo palagi dahil sa pambababae mo. Nakakarating na din sa kanya ang paiba iba mong date kada araw." Pagbabanta na ni Mommy Cecille sa binata.
"Magkita tayo mamayang Dinner time sunduin mo ako sa Ritz Carlton Hotel don ako naka check in." Demanding na si Mommy Cecille.
"Bat ka pa nag hotel ma pede ka naman dito sa condo ko." May halong paglalambing na sabi ni Diego sa ina.
"Naku mapagkamalan pa ako na isa sa mga babae mo or magulat nalang ako may nakahubad sa harapan ko. Pinangangalagaan ko lang ang sarili ko Diego Angelo Laxa." Pagpapaliwanag ng Ina.

BINABASA MO ANG
Never Ever Love You
FanfictionCollege buddies turned couples.. Matapos marinig ni Diego na sinabi ni Kirsch na never ever sya magkakagusto sa binata ay binago nya ang sarili nya..ngayon na nag iba na sya.. si Diego na ba ang magsasabi kay Kirsch na never ever syang maiin love di...