Natapos na mag dinner sina Kirsch at Diego. Nagpaalam si Kirsch na magpapahinga muna nya ang sakit ng ulo nya. Pumayag naman si Diego dahil nag aalala sya sa dalaga. Naiwan muna si Diego at nag email ng mga nangyari kanina sa site visit pati yong mga suggestions and recommendations ng staff and head ng mga napuntahan nyang negosyo nila.Di pa sya inaantok kaya nag order sya ng isang bote ng favorite whisky nya. Pagdating ng order nya ay pumunta sya sa pool side dala ang inumin at isang baso. Umupo sya sa gilid ng pool habang ang mga paa ay nakababad sa tubig.
"Ano ba Diego nahuhulog ka na ba talaga kay Kirsch?" Tanong nya sà sarili.
"Pinasok mo yan, ang usapan na kailangan mo ng asawa para mapasaiyo ang kumpanya. Na at the same time maturuan ng leksyon si Kirsch sa pang iinsulto nya sayo noon. Pero bakit totoo na ang pag aalala mo? Ang pagpapa sweet mo totoo na? Ikaw din ba nahuhulog sa ginagawa mo? Bakit di mo nalang totohanin bakit di mo sya ligawan ng matino." Mahabang pag iisip ni Diego habang nainom ng whisky.
"Hindi Diego, idea mo yan kaya panindigan mo. Baka naman para lang sa pamilya nya kaya sya pumayag sa lahat ng nangyayari ngayon. Baka wala naman din nararamdaman si Kirsch sayo at ikaw din masaktan." Sabay lagok ng iniinom nya at nagbuhos sya uli ng inumin sa baso nya. Kinuha nya ang phone at nag message kay Kia.
Hey Kia, sorry been busy lately. Nag aadjust pa sa working activities ko dito. I'm in Cebu now doing some site visit sa mga business namin dito. Just message me when will you be in Manila. I'll find time to meet you there. I miss your company.
"Kailangan nya ilagaw itong nararamdaman nya. Masyado sya nakafocus kay Kirsch kaya nahuhulog sya masyado. Kung may iba syang pag tutuonan ng pansin di sya mahuhulog kay Kirsch. Kaya tama lang na makipagkita sya kay Kia. Para na din malaman nya na di totoo ang nararamdaman nya. Naaaliw lang sya dahil ngayon lang sya naging loyal at sweet sa isang babae, kay Kirsch lang kaya dapat baguhin ko to kailangan ko i divert ang nararamdaman ko sa iba." At uminom ulit si Diego at tumayo na. Pumasok na sa kwarto nya at nagpahinga.
----
Di naman makatulog si Kirsch, di nya alam epekto pa din ba ito ng sandaling Kiss nila ni Diego o di lang talaga sya makatulog. Nakita nya mula sa bintana ng kwarto nya na nasa pool area si Diego. Tahimik na umiinom tila madaming iniisip kaya hinayaan nya din ang binata. Baka kailangan nya din mapag isa.
----
26 na si Kirsch. Maganda, sexy kaya nga palaging napapalaban sa mga BeauCon ng kabataan nya at ngayon nga CPA na sya. Never pa sya nagka boyfriend. Hindi dahil di sya ligawin. By choice kaya di sya nagkanobyo. Meron muntikan nya na sagutin sa mga manliligaw nya pero pag may nakita syang mali na didismaya sya at di nya na itinutuloy. Ganoon ka disiplinado si Kirsch pag dating sa relasyon. Natatakot sya magkamali kasi mataas ang tingin ng magulang nya sa kanya at iniisip nya may 2 syang nakababatang kapatid na babae. Kailangan nya maging magandang ehemplo sa dalawa. Hanggang nakasanayan nya na wala syang boyfriend. Di nya naramdaman na may kulang at may kailangan sya. Pero nabuhay na naman ang kilig sa buhay nya ng dumating si Diego. Parang narealize nya na may kulang pala. Masarap din pala may nag aalaga sayo. Masarap na may nag aalala at umaalalay sayo. Masarap kiligin. Yon nga lang may kasunduan. Kung kailan ready na sya magmahal, kung kailan ready na sya sumugal. Mapaglaro talaga ang tadhana. Nakatulugan na ni Kirsch ang pag iisip sa mga hinaing nya sa buhay pag ibig.
----
Maagang nagising si Kirsch, wala pa syang naririnig na kaluskos mula sa kwarto ni Diego kaya bumangon na sya. Sumilip sa labas ng bungalow.
"Tutal free day naman namin ngayon. At request ko na mag beach kami di naman cguro masama na lumabas na ako papuntang beach." Naisip ni Kirsch.Agad sya nag bihis sinuot ang baon nyang two piece na bikini swim suit. Printed na navy blue ang color sa itaas at ang pang baba ay navy blue at may design ng parehong printed ng pang itaas sa may bandang ibabaw. Lumitaw ang kaputian ni Kirsch sa suot niya. Pinusod ang kanyang buhok at nagpahid na sya ng sunscreen na proteksyon sa kanyang balat. Nagdala sya ng beach towel, phone at headset at sinuot na ang shades at beach slippers at naglakad patungo sa beach. May mga lounge chair na nakahanay na pag mamay ari ng Cebu Laxary at doon sya pwumesto sa katapat ng bungalow nila. Dahil maaga pa ay di muna nya pinabuksan ang beach umbrella na andon. Nilatag nya ang beach towel nya sa lounge chair at humiga na. Pumikit sya habang ineenjoy ang hanging dagat. Nakakarelax dahil tahimik pa wala pang gaanong guest. Lumipas ang kalahating oras halos nakaidlip sya sa pagkakahiga ng biglang may sumigaw at may ipinatong na tela sa katawan nya.

BINABASA MO ANG
Never Ever Love You
ФанфикCollege buddies turned couples.. Matapos marinig ni Diego na sinabi ni Kirsch na never ever sya magkakagusto sa binata ay binago nya ang sarili nya..ngayon na nag iba na sya.. si Diego na ba ang magsasabi kay Kirsch na never ever syang maiin love di...