Chapter 53: Insecurities

485 11 4
                                    

Nagdilim na ang paningin ni Kirsch at di nya alam ano ang nangyayari para syang nauupos na kandila at di nya na alam kung anong nangyayari. Nagising sya na may suwero ng nakatusok sa kanya at nakahiga na sya. Mukhang nasa ospital naman sya nasa tabi nya si Mommy Karen.

"Mom, nagising na po ba si Diego?" Mahina nyang tanong sa Mommy nya.

"Anak, gising ka na pala. Huwag mo nang isipin ang asawa mo, ok naman daw ang lagay nya. Anytime magigising na 'yon huwag ka masyado magpakastress at na iistress ang mga apo ko." Matipid na ngumiti ang ina ni Kirsch pagkasabi nito.

"Di po ba ako pwede pumunta ng ICU gusto ko po makita ang asawa ko." Pakiusap ni Kirsch sa ina.

"Anak, mahina ang katawan mo, napagod ka sa byahe at nadehydrate ka. Sa kalagayan mo tapos dagdag pa sa stress sa nangyayari kay Diego humina ang resistensya mo. Buti nalang at makapit ang mga apo at di lumabas. Alam mo naman na hanggang maari diba na kailangang sumakto sila sa buwan bago lumabas. Sa'yo lang umaasa ang mga apo ko anak ikaw lang yan di ka namin matutulungan. Kaya bago ka panghinaan ng loob isipin mo ang mga anak mo." Pangaral ni Mommy Karen sa anak.

"Kasalanan ko talaga 'to Ma, eh. Padalus dalos ako. Kahit ano pa nakita ko dapat tinatagan ko loob ko. Di ko na alam gagawin ko Ma. Gusto ko magalit kay Diego, gusto ko din sisihin ang sarili ko pero syempre iniingatan ko din mga anak ko. Ang hirap din pala maging ina, Ma 'no? Tipong ngayon palang nararamdaman ko na 'yong kailangan sila muna isipin ko bago ang sarili ko. Kaya thank you, Ma. Ilang sakripisyo na kaya nagawa mo para sa aming magkakapatid. Ngayon alam ko na, di pa man lumalabas mga anak ko, madami pang sakripisyo ang pagdadaanan namin." Tila nagmumuni muni si Kirsch pero naririnig ng ina.

"Ganoon talaga anak, kaya huwag ka masyado mag isip. Dasal lang magiging maayos din ang lahat." Bahagyang ngumiti pa ang ina.

Maya maya ay pumasok na ang Doctor na tumitingin sa kanya at sinabing pahinga lang ang kailangan at kailangan nya mag ingat dahil malapit na sya manganak. Uubusin nalang ang dextrose na nakakabit sa kanya at pwede na syang umuwi.

"Pwede po ba akong pumasok sa ICU andon po ang asawa ko." Tanong ni Kirsch sa Doctor.

"Pwede naman di naman nakakahawa ang sakit ng asawa mo." Nakangiting sagot ng Doctor, sabay lumabas na din ito.

"Ma, gusto ko po talagang makita si Diego." Pakiusap ni Kirsch sa Mommy nya.

"Pag naubos nyang dextrose mo okay. Pero kailangan mo magrelax, tatagan mo loob mo. Magpakatatag ka para sa asawa mo at sa magiging mga anak nyo. Ikaw lang ang inaasahan ng pamilya mo ngayon." Payo ni Mommy Karen sa anak.

"Ganito pala ang feeling Ma, 'no. Paano kayo nagpakatatag noong si Daddy ang nasa peligro?" Wala sa loob na tanong ni Kirsch.

"Mas madali 'yon dahil andyan kayo, lalo ka na, napakatatag mo. Kaya nga siguro binigyan ka ng ganitong pagsubok kasi matibay ka. Mas mahirap kalagayan mo kasi nakasalalay sa'yo ang mga anak mo. Kaya pakatatag ka." Sagot ni Mommy Karen sa anak.

Nang maubos ang dextrose ni Kirsch ay pinayagan na syang pumunta sa ICU pinagwheelchair nalang muna sya dahil medyo mahina pa sya at di pumayag sina Mommy Cecille na umuwi na sya, kaya pinagstay sya sa ospital para mamonitor din ang lagay nya.

Matapos ang mga dapat gawin ay pinapasok na sya sa ICU. Di nya na napigilan ang sarili at napahagulgol na sya.

"Ikaw porke't may kasalanan ka sa akin bigla kang ganyan. Ang daya mo, alam mo ba 'yon. Imbes na ikaw nag aalala sa galit ko, ako nag aalala sa kalagayan mo. Lumaban ka ng patas Babe. Akala mo huh, paggising mo dyan magtutuos tayo. Pero di agad agad syempre kunwari di ako galit. Pag malakas ka na saka ako magagalit sa'yo. Dadagdagan ko pa galit ko kasi pinag aalala mo kami ng mga anak mo. Kaya gumising ka na dyan. Naasar na ako sa'yo. Pero kahit galit at asar ako sa'yo mahal na mahal kita, nakakainis ka talaga. Tinatakot mo ako, di ko pala kaya mawala ka sa akin, sa amin. Tinatakot mo talaga ako 'no? Gusto mo lang patunayan na mahal kita. Gumising ka na kasi mahal talaga kita. Mahal na mahal." Hawak hawak ni Kirsch ang kamay ng asawa at walang tigil ang pagpatak ng luha nya.

Never Ever Love You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon