Chapter 16: Fears

1.3K 74 5
                                    

Pagdating sa bahay ay nagbihis na si Kirsch at sandaling humiga sa kama nya. Nakatingin sa kisame, mga dalawang minuto sya ganoon lang blanko at pinagpahinga nya lang ang pag iisip nya. Bumalik lang ulit ang isip nya ng tumunog ang telepono nya.

Babe, are you ok? You seem sad and worried kanina kaya di na kita kinulit. I'm at home already. Did I say something wrong? Usap naman tayo.

Ayaw nya magreply sa binata kaya bumangon sya kinuha nya ang maliit na maleta nya. Inuna nya ang toiletries na kakailanganin nya. Undies, pjs at towel. Habang iniisip nya anong damit ang dadalhin nya ay nag ring ang phone nya. Si Diego. Kahit gusto nya sana iwasan ay sinagot nya na.

"Hello." Mahinang sagot ni Kirsch.

"Hello Babe, ok ka lang ba?" Nag aalalang tanong ni Diego.

"Oo naman, I'm packing my things para sa myerkules. Ikaw nakapag empake ka na ba?" Para di mahalata ni Diego ay iniba ni Kirsch ang usapan.

"I'm just worried ang tahimik mo kasi kanina. Nag memessage ako di ka nag rereply. Can I see you para sure ako na ok ka lang?" Naninigurado si Diego.

"Paano? Pupunta ka pa dito? Huwag na magkikita naman tayo bukas." Pagtanggi ni Kirsch sa binata.

"Can I start a videocall? Sige na please?" Nagmamakaawa na si Diego kaya pinindot nya ang Video button para makita sya ng binata.

"O ayan kaharap ko maleta. Naniniwala ka na nag eempake ko?"naaasar na sabi ni Kirsch.

"Namiss lang kasi kita super tahimik mo simula pa naglunch tayo. Is this about my mom?" Pag uusisa ni Diego.

"Di lahat ng bagay connected sayo Diego. Madami lang ako iniisip trabaho, tayo, si Daddy, pamilya ko, buhay ko." Paglintaniya pa ni Kirsch.

"Ano ba iniisip mo sa "tayo"?" Seryosong tanong ni Diego.

"Yong tayo, alam mo na yon." Umirap pa si Kirsch pagsabi non.

"Eh ako ba naiisip mo?" Nakangiti na si Diego.

"Palagi na tayo magkasama iisipin pa ba kita." Kung alam mo lang Diego, natatakot na nga ako na lagi kita naiisip. Gusto idugtong ni Kirsch pero nagpigil pa sya.

"Babe?" Pagtawag ni Diego kay Kirsch.

"Ano?" Sagot naman ni Kirsch.

"So babe na tawagan natin?" Nagingiti pang tanong ni Diego.

"Bahala ka kung ano gusto mo." Kunwari walang paki si Kirsch.

"Kailan mo ako tatawaging babe?" Tila panunukso pa ni Diego.

"Pag kasal na tayo ok? Ok ka na?" Nandidilat pa mata ni Kirsch sa pagsagot.

"Kirsch mag didinner na tayo pinatatawag ka ng Daddy mo." Boses ni aling Mikay.

"O sige na bukas na tayo mag kita mag dinner na kami. Mag dinner ka na din bye." Di na hinayaan pa ni Kirsch makasagot si Diego pinatay nya na agad ang phone at bumaba na para mag dinner.

---

"Errr binabaan ako ng phone." Reklamo ni Diego.

Nagtataka na din si Diego sa sarili nya. "Bakit totoo na namimiss ko sya. Gusto ko na lagi kami magkasama. Akala ko kasi sagot lang sya sa mga gusto ko patunayan sa buhay. Ang kumpanya, mapatunayan sa sarili ko na I am irresistablk at kaya ko mapaibig si Kirsch, na kaya ko magka trophy wife. Pero bakit parang totoo na ang pagpapakilig ko. Parang kahit walang kapalit gusto ko na makasama at napapasaya ko si Kirsch. Am I falling in love with her? Urgh, ako pa yata ang nahulog sa patibong ko. Samantalang si Kirsch kaya nya ako iwas iwasan gaya nalang ngayon. At ako naman tong halos mabaliw na baka galit sya sa akin. Na baka umurong sya sa kasunduan." Tila nababawasan ang self confidence ni Diego pag si Kirsch na ang usapan. Kung gaano ang epekto ni Kirsch sa kanya noong nerdy college pa sya parang ganoon pa din ngayon kahit isa na sya sa most eligible bachelor ng bansa. Ano ba kasi talaga ang meron ka Kirsten Dominique Tan.

Never Ever Love You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon