Maagang sinundo ni Diego si Kirsch sa bahay nila. Napag usapan na magkapatid na Kelly at Kirsch na magkikita mamayang uwian para maumpisahan na nila ang mga dapat gawin.
"Babe, 'wag masyado magpakastress at magpakapagod sa preparation ng kasal ok. Pumayag ako na kayo ni Kelly mag asikaso para ma feel mo na ikakasal na tayo at maexperience ni Kelly to para sa future nya. Ayoko ng stress na bride during the wedding." Sabi ni Diego habang nagmamaneho.
"Opo, kakausapin ko si Miss Flo later and ibibigay ko ang letter ko. Naisip ko na nakakahiya mag half day today kaya tapusin ko na ang mga dapat ko iturn over then effective nalang bukas ang leave ko. Pwede naman after work kami pumunta sa designer diba?" Paghingi ni Kirsch ng opinion kay Diego.
"Ok naman Babe, at least masasamahan ko pa kayo. Pwede na din ako maghanap ng susuotin mong gown." Natatawang sabi ni Diego.
"Sira ka talaga. Tell Mommy Cecille na kung pwede magpaappointment kay Sir Francis after office hours." Bilin ni Kirsch kay Diego.
"Why don't you call her. Mas matutuwa yon kung ikaw tatawag. Huwag ka na mahiya kay Mommy." Sabi ni Diego.
"Ok na po. Ako na tatawag." Pairap na sabi ni Kirsch.
"Very good girl wifey." Pangiting sabi ni Diego at hinawakan ang kamay ni Kirsch.
Pagdating sa opisina ay hawak kamay silang pumasok sa building. Nagulat sila dahil sa front desk meron Congratulatory Banner. Binabati sila Diego at Kirsch dahil sila ay engage na. Nagulat sila at di nila inexpect yon may palakpakan pa silang natanggap at may paflowers pa para kay Kirsch.
Nagulat pa sila dahil may nangantyaw pa ng "kiss". Game na game naman na pinagbigyan ni Diego at hinalikan si Kirsch sabay taas ng kamay ni Kirsch kung saan nakasuot ang engagement ring.
"Mamaya magpapadeliver ako ng lunch sa pantry ng kada department. Salamat dito." Sabi ni Diego sa mga empleyado habang nagpapasalamat sa effort ng pagbati sa kanila ni Kirsch.
Bumalik na ang mga empleyado sa kanikanilang pwesto at hinatid na ni Diego si Kirsch sa office nya.
Ginawa naman ni Kirsch ang mga dapat nya gawin. Kinausap nya si Ms. Flo at nagpaalam sa kanyang leave at sinabi ang sitwasyon at ang napag usapan nila ni Diego. Na maaring resignation na sa Accounting Department ang kauwian nito. Maluwag naman tinanggap ni Ms. Flo ang sitwasyon at medyo nalungkot na mababawasan sila ng Junior Accountant. Pero alam naman nya na di mawawala si Kirsch sa kumpanya.
Bumalik si Kirsch sa opisina at inayos ang mga dapat nya ipasa na mga accounts. Puro naman updated kaya wala syang dapat ihabol. Pwedeng pwede na sya na di pumasok kinabukasan. Ang pagliligpit nalang ng gamit nya sa opisina ang dapat nya balikan. Di namalayan ni Kirsch na lunch break na kung di pa sumilip si Mariel sa opisina nya.
"Sipag naman ng future Mrs. Laxa ah." Panunukso ni Mariel sabay yakap sa kaibigan.
"Magdiet ka na ha at ikaw ang Matron of Honor. At ang inaanak ko isa sa flower girls." Sabi ni Kirsch sa kaibigan.
"Kailan ba kayo ikakasal at kaya ko pa ba magpapayat? Patingin ng singsing Bes." Pag usyuso ni Mariel sa kamay ng kaibigan.
"Usapan namin nitong June 17 na eh. Kaya 'wag ka na kakain simula ngayon." Natatawang biro ni Kirsch habang busy sa pagtitig si Mariel sa singsing nya.
"May pacater na si Diego sa Pantry hindi pwedeng mag diet tsaka di ko na mahahabol yon 'bes. As is nalang ang katawan ko. Idadaan ko nalang sa sexy na paglakad." Natatawang sabi ni Mariel.
Maya maya ay kumatok na si Diego at pumasok. Tinapik nya si Mariel at dumerecho at humalik sa may ulo ni Kirsch si Diego.
"Nakausap ko na si Ms. Flo at ok na daw nakapag usap na naman daw kayo. Dito na tayo mag lunch, Babe nagpacater ako nang lunch para sa lahat. Dito ka na din kumain Mariel." Sabi ni Diego kay Kirsch at Bumaling na din kay Mariel.

BINABASA MO ANG
Never Ever Love You
FanficCollege buddies turned couples.. Matapos marinig ni Diego na sinabi ni Kirsch na never ever sya magkakagusto sa binata ay binago nya ang sarili nya..ngayon na nag iba na sya.. si Diego na ba ang magsasabi kay Kirsch na never ever syang maiin love di...