Maagang nagising si Kirsch. Naghanda na sya dahil papasok na sya sa opisina at susunduin sya ni Diego. Ayaw nya pag antayin ang binata kaya pagkabangon ay naligo na, nagbihis at nagmake up.Pagkatapos ay bumaba na sya at may nakahanda ng almusal si Aling Mikay. Nagtimpla ng kape si Kirsch at gumawa ng pandesal na may keso at itlog. Nang tumunog ang kanyang phone. Si Diego:
Good Morning Babe, I'm on my way to your house. I love you. 💖
Nangiti lang si Kirsch sa sweetness ng nobyo. Naisipan nya magbaon ng pandesal kaya gumawa pa sya ng apat na pandesal na may keso at cheese. Kumuha sya ng plastic container sa kusina at nilagay nya ito doon at pinasok sa bag nya at nagtuloy sa pagkain. Inabutan sya ni Diego na nag aalmusal kaya ginawan nya din ng Kape at pandesal ang binata.
Bumati si Diego kay Aling Mikay na nasa Kusina at nagmano din sya kay Daddy Bert na palabas palang ng kwarto. Unti unti na itong nalakad papunta sa kusina.
"Kumain ka muna bago tayo umalis maaga pa naman." Sabi ni Kirsch sa binata habang nilapag ang Kape at pandesal nito sa bakante space sa lamesa.
"Good Morning Dad. Pagtitimpla ba kita ng gatas? Ano gusto mo kainin?" Bati ni Kirsch sa ama sabay halik nito sa pisngi at nag abala din sa paghanda ng makakain nito.
Matama namang lumabas na si Mommy Karen at sinabi kay Kirsch na sya na mag aasikaso sa ama nila. Kaya bumalik si Kirsch sa kanyang almusal. Magana namang kumain na si Diego. Matapos nilang mag almusal ay umakyat muna si Kirsch para mag toothbrush at saka bumaba na para magpaalam sa magulang. Nagpaalam na din si Diego sa magulang ni Kirsch at lumabas na silang dalawa.
Nang makasakay na sila ng kotse ay di pa nagmaneho agad si Diego.
"Nakalimutan mo ang good morning kiss ko. Kanina ko pa inaantay." Kunwari ay nalungkot ang mukha ni Diego.
Hinalikan ni Kirsch ang pisngi ng binata.
"Ayan ok ka na?" Natatawang sabi ni Kirsch.
"Nope. Gusto ko dito." Sabay nguso pa ni Diego.
Nailing nalang si Kirsch at hinalikan na ang nobyo.
Natuwa naman si Diego kaya pinaandar na ang kotse. Hinawakan pa nito ang kamay ni Kirsch habang nagmamaneho.
Pagkarating sa building ng mga Laxa ay inalalayan na ni Diego si Kirsch pababa ibinigay ang susi nya sa guard para maiparada ang kotse nya.
Sabay sila naglakad. Gusto sana makipagholding hands ni Diego pero pinigilan sya ni Kirsch.
"Wala tayo sa park o sa mall. Nasa opisina tayo at boss ka pa din at empleyado mo pa din ako." Mahinang paliwanag nalang ni Kirsch.
Naintindihan naman ni Diego kaya di na sya nagpumilit pero hinatid nya ang dalaga sa opisina nito.
Nang makapasok na sila sa opisina ni Kirsch.
"By the way sabi mo ako ang boss at empleyado kita. Bakit di kita gawing assistant para palagi tayong magkatabi?" Nakangiting sabi ni Diego.
"Kasi po accountant ako tsaka ayoko na palagi tayong nagkikita baka magsawa ka sa pagmumukha ko. Kaya umalis ka na at magtrabaho na tayo." Pagtataboy ni Kirsch kay Diego.
"O sige bilang boss mo inuutusan kita na bigyan mo ako ng lucky kiss para maswerte ang araw na to." At pumikit pa si Diego pagkasabi nito.
Dahil alam ni Kirsch na di titigil ang binata kaya pinagbigyan nya ito ng isang halik. Pero mabilis syang niyakap ni Diego at siniil ng totoong halik. Pinagpapalo nya ito pero mahina naman.
"Ano ba nasa opisina tayo. Be professional. Nakakaasar 'to pag ako napuno sayo mag reresign na ako." Pagbabanta ni Kirsch.
"Eh di mabuti pag di ka na empleyado dito magagawa ko na ang gusto ko gawin." Natatawang sagot ni Diego.
BINABASA MO ANG
Never Ever Love You
FanfictionCollege buddies turned couples.. Matapos marinig ni Diego na sinabi ni Kirsch na never ever sya magkakagusto sa binata ay binago nya ang sarili nya..ngayon na nag iba na sya.. si Diego na ba ang magsasabi kay Kirsch na never ever syang maiin love di...