Chapter 28: A New Beginning

1.7K 79 10
                                    

Magkatabing natulog si Kirsch at Diego. Marahil dahil sa pagod sa pagbabantay sa ospital ay nakatulog din sila agad. Umaga na ng magising si Kirsch. Pagtingin nya sa relo mag 7am na kaya bumangon na sya. Tinali ang kanyang buhok at pumasok saglit sa banyo.

Paglabas nya ay nakapagpalit na sya ng simpleng short at tshirt sabay dumerecho na sya sa kusina. Nagluto sya ng itlog, yon ang feeling nya ma perfect nya talaga at saka nag prito sya ng hotdog at bacon. Nag toast din sya ng ilang pirasong tinapay. Gumawa sya ng kape at nagsalin sya ng orange juice at nilagay nya sa isang tray. Dinala nya ito sa kwarto at ginising si Diego.

"Good morning Babe, Breakfast in Bed." Malambing na bati ni Kirsch kay Diego.

Napadilat naman ang binata at nagpunas ng bibig at mata.

"Good morning. Wow breakfast in Bed. Pinagprepare mo ako baka masanay ako hanap hanapin ko yan." Nakangiting sabi ni Kirsch.

Lumapit si Kirsch kay Diego inilapag ang tray at dinampian ng halik ang binata.

"Wow may Kiss pa masasanay na talaga ako nito. Pag uwi sa Masbate magsama na tayo." Paglalambing ni Diego kay Kirsch.

"Gusto ko lang bumawi sa pasabog mo na dinner kagabi." Nahihiyang sabi ni Kirsch.

"So hindi bukal sa kalooban mo to? Kinilig pa naman ako akala ko naalala mo talaga ako ipagprepare ng breakfast. Pambawi pala." Kunwari ay nagtatampo si Diego.

"Pathank you ko yan sa lahat lahat ng ginagawa mo at gagawin mo pa para sa akin at sa pamilya ko." Pambawi ni Kirsch sa nasabi nya di nya kasi alam kung nagtatampo talaga si Diego.

"Subuan mo ako Babe, para mas sweet." Pagpapacute ni Diego kay Kirsch.

Pinahiran ni Kirsch ng butter ang toast at nilagyan ng itlog at bacon at isinubo kay Diego.

Sinubo naman ni Diego sabay napatitig kay Kirsch.

"Swerte ko talaga ikaw ang girlfriend ko kahit minsan may topak ka." Nakangiting sabi ni Diego.

Naninibago man si Diego di sya umangal, sa totoo lang gusto nya yon at kinilig sya.

"Gusto na kitang iuwi." Mahinang sabi ni Diego.

"Pakasalan mo muna ako." Pabulong na sabi ni Kirsch.

"Ngayon na ba?" Natatawang sabi ni Diego sabay inom sa Ķape na tinimpla ni Kirsch.

"Ewan ko sayo." Sabay subo ulit ng tinapay kay Diego.

"Wait ka lang talaga gusto ko syempre special din ang kasal natin. Willing ako mag wait kasi alam ko worth it ang inaantay ko." Pakindat pang sabi ni Diego kay Kirsch.

"Nguyain mo na yan at sa ospital na tayo mag lunch." Pagtataray ni Kirsch kay Diego.

"Ikaw di ka kakain? Susubuan din kita." At umakma si Diego na susubuan si Kirsch.

"Mamaya na ako kakain ng tinapay. Ikaw na muna baka isipin mo di kita inaalagaan eh." Malambing na sabi ni Kirsch.

"Ang sweet naman ng Babe ko baka masanay ako nyan ha." Nakangiting sabi ni Diego.

At itinuloy na ni Diego ang pagkain habang inaasikaso ni Kirsch ang kinakain nya hanggang matapos sya ay inayos naman ni Kirsch ang pampaligo nya at nagtanong kung ano ang susuotin nya.

"Kailangan na natin magpalaundry at mauubos na mga damit natin. Ipunin mo na mga damit mo at magpalaundry tayo meron laundry shop sa baba." Sabi ni Kirsch.

"Pakuha nalang kay Nilo at palabhan doon sa bahay sa Makati may tauhan don." Sagot naman ni Diego.

"Naku iaasa pa natin don meron naman dyan sa baba tapos pick upin nalang natin bukas." Pagpupumilit ni Kirsch.

Never Ever Love You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon