Chapter 27: First Dinner Date

1.3K 73 6
                                    

Napatitig nalang si Diego kay Kirsch. Gandang ganda ang binata sa girlfriend nya.

Nilapitan ni Diego si Kirsch.

"Huwag na tayong umalis Babe, gusto lang kitang titigan. Bat nagpaganda ka ng ganyan." Sabi ni Diego kay Kirsch habang nakapalupot ang mga kamay nya sa beywang ni Kirsch at hinahalik halikan ang ulo neto.

"Ano ba maubos naman ang amoy ko sayo. Halika na baka malate pa tayo." Nagyayayang sabi ni Kirsch kay Diego.

Napatingin si Diego sa relo na 7:05pm tama lang pag akyat nila sa roofdeck kaya hawak kamay na lumabas sila sa unit ng condo. Nagtataka si Kirsch dahil paakyat ang elevator na sinakyan nila at pinindot ni Diego ang pinakataas na palapag ng condo.

"Saan tayo pupunta?" Nagtatakang tanong ni Kirsch.

"May dadaanan lang tayo." Maigsing sagot ni Diego habang hawak pa din ang kamay ni Kirsch.

Pagdating sa last floor ng elevator ay lumabas sila at pumunta sa direksyon ng hagdanan ng condo.

"Diego saan ba tayo talaga pupunta." Nagtataka ng tanong ni Kirsch.

At umakyat na nga sila sa hagdan. Nagtataka pa din si Kirsch pero nakasunod pa din sya kay Diego. Dalawang floors pa ang inakyat nila at nakita nila ang Roofdeck na signage. Saka lumabas sina Diego at Kirsch.

Nagulat si Kirsch sa nakita na Gazebo na may isang lamesa na maganda ang pagkakaayos sa gilid ay may tila Buffet Table pero di madami ang pagkain at may isang lalaki na may hawak na gitara at biglang kumanta ang binata habang tumitipa sa kanyang gitara.

🎵🎶🎵 Wise men say, only fools rush in
But I can't help falling in love
With you
I can't help falling in love with you
Shall I stay, would it be a sin
If I can't help falling in love
With you

Like a river flows
Surely to the sea
Darling, so it goes
Some things are meant to be
Take my hand
Take my whole life too
For I can't help falling in love
With you 🎵🎶🎵

Sinasabayan pa ni Diego ang kanta habang kinuha na nya ang kamay ni Kirsch at hinawakan sa baywang para isayaw.

"Like a river flows, Surely to the sea. Darling, so it goes
Some things are meant to be. Babe I know we are really meant to be. I love you always." Habang kumakanta ay dinugtong ni Diego yon ng pabulong sa gilid ng tenga ni Kirsch.

Di maintindihan ni Kirsch ang nararamdaman nya. Kinikilig na ang saya nya nag uumapaw pero nangangamba sya na may bawi ang saya na ito.

"Sana ganito palagi sana masaya lang. Kirsch kalmahin mo ang sarili mo enjoy kung ano meron ngayon. Ang importante masaya ka kasama ang lalaking mahal mo. Hindi masama na magmahal. Kung masasaktan ka parte ng pagmamahal yon dahil itinataya mo na pati damdamin mo." Di namalayan ni Kirsch na naluluha na sya at napayakap sya kay Diego. Dahil alam nya itataya nya na ang damdamin nya lahat ng pag aalinlangan, pangamba, duda at takot na masaktan sya ay itatabi nya na.

"Mahal ko si Diego at kung masaktan man ako bandang huli ang importante nagmahal at naging masaya ako." Patuloy ang patak ng luha ni Kirsch.

Napansin naman ni Diego na umiiyak na ang nobya kaya nilayo nya muna ito sa pagkakayakap.

"Hey, I prepared this special dinner para pasayahin ka. Hindi para paiyakin ka. Stop it ok? This is our first official date. I want this to be memorable. I want this to be very special." At hinalikan ni Diego ang noo ng dalaga.

Never Ever Love You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon