Maagang nagising si Kirsch, maganda naman ang tulog nya pero parang iba ang pakiramdam nya. Tinitigan nya ang asawa nyang nakayakap sa kanya at napangiti nalang sya.
"Ang gwapo ng asawa ko." Tipong kinikilig pa sya habang pinagmamasdan ang asawa.
Tila naramdaman ni Diego na pinagmamasdan sya ng asawa kaya lalo nitong niyakap ng mahigpit ang asawa. Dinampian ng halik sa may sintido nito.
"I love you, Babe." Bulong ni Diego sa asawa.
Ngumiti lang si Kirsch. Sobrang mahal nya ang asawa at di nya alam ano gagawin nya pag nawala ito sa kanya. At kung sakaling saktan sya nito di nya rin alam kung mababawasan ang pagmamahal nya sa taong ito. Hindi nya naimagine na ganoon pala magmahal iba-iba. Dahil iba din ang nararamdaman nyang pagmamahal sa magulang nya, sa mga kapatid nya, sa kaibigan nya, sa mga magulang ni Diego. Akala nya noon pag mahal mo ganoon lang parepareho lang ngayon mas naintindihan nya na may iba't ibang uri ng pagmamahal. Siguro napakaswerte nya lang dahil mahal din sya ni Diego.
"Bumangon na tayo at kailangan pa natin magtrabaho." Umupo na si Kirsch sa kama at naghahanda na bumangon.
Hinila ni Diego ang asawa pabalik sa kama.
"Wala na nga akong rasyon ng "lambing" nagmamadali ka pang bumangon. Yakap muna pang energize, ten minutes. Sige na please Babe." Paglalambing ni Diego sa asawa.
"Ok eight minutes nalang kanina ka pa nakayakap eh." Natatawang sabi ni Kirsch.
"Shhhh, wag ka maingay nag iisip ako." Lalong hinigpitan ni Diego ang yakap sa asawa. Maya maya pa ay dinadampian nya na ng halik ang ulo ni Kirsch hanggang bumaba iyon sa mga labi ng asawa. Ang mga damping halik ay biglang naging maiinit na halik, hanggang umabot na sa leeg ni Kirsch, nag umpisa nang maglikot ang kamay ni Diego.
"Babe, ano ba, alam mo naman hindi pwede diba." Mahinang sabi ni Kirsch pero tila nagpipigil lang sya dahil nadadala na din sya sa mga halik ni Diego.
"Shhhh, trust me. Akong bahala." Sabi lang ni Diego at di nagpapigil sa asawa.
Di na napigilan ni Kirsch ang asawa sa gustong mangyari kaya kahit "dinatnan" sya ay di napigilan si Diego na may mangyari sa kanya.
Matapos nila pagsaluhan ang isang napakagandang umaga, nagulat si Diego na nagtakip ng mukha ang asawa.
"What's wrong?" Nag aalalang tanong ni Diego sa asawa.
"Nakakahiya kasi kahit meron ako di ka nagpapigil, at di na kita napigilan. Nakakainis ka kasi ang pilit mo. Magshoshower na ako. Baka makalat na ang bed natin." Nahihiyang sabi ni Kirsch sa asawa.
"Hmmmm, wala naman Babe, baka naman niloloko mo ako di ka talaga dinatnan gusto mo lang akong magdyeta." Nakangiting sabi ni Diego na tila nanunukso.
"Nakita mo naman kahapon diba? Hmp, gagawin pa akong sinungaling neto." Tila nagtatampong sabi ni Kirsch.
"Eh wala nga eh, gusto mo ba icheck ko pa." Nanunuksong sabi ni Diego at biglang pumasok sa ilalim ng kumot na nakabalot sa mga katawan nila at pumwesto sa mga biyas nya.
Bigla naman nagpumiglas si Kirsch at tinakpan ang pagkababae nya.
"Hoy ano ka ba! Anong ginagawa mo dyan. Umalis ka nga dyan." Napasigaw na si Kirsch sa ginagawa ni Diego.
Biglang lumitaw ang ulo ni Diego sa ilalim ng kumot.
"Diba nga ichecheck ko kung dumugo? Tsaka as if naman di ko pa nakita yan. Lagi ko ngang tinititigan eh." Pilyong sabi ni Diego sa asawa.
"Hoy magtigil ka nga." Sinabunutan na ni Kirsch ang asawa at pilit binabalik sa pwesto nya sa kama.
"Ikaw talaga puro ka kalokohan. Pinagbigyan na kita kaya halika na bumangon na tayo at first day of work sa bagong building. Di maganda na nalalate tayo." Biglang seryosong sabi ni Kirsch pero namumula pa din ang mga mukha nito.

BINABASA MO ANG
Never Ever Love You
ФанфикCollege buddies turned couples.. Matapos marinig ni Diego na sinabi ni Kirsch na never ever sya magkakagusto sa binata ay binago nya ang sarili nya..ngayon na nag iba na sya.. si Diego na ba ang magsasabi kay Kirsch na never ever syang maiin love di...