Chapter 36: Pre Wedding Issues

896 43 5
                                    


Maagang nagising si Kirsch at tinignan ang orasan. Alas 5 ng madaling araw. Malamang nasa airport na si Diego alas 6 ang flight nya. Kinuha nya ang phone nya at may message na nga ang binata na nasa airport na sya. Dali dali nyang dinial ang number ni Diego para tawagan ito. Agad agad naman itong sinagot ni Diego.

"Good Morning Babe, did you sleep well?" Malambing na tanong ni Diego kay Kirsch.

"Yes, pero namiss kita at mamimiss kita." May paglalambing sa boses ni Kirsch.

"Bukas magkikita naman tayo agad. Tapos lagi na tayo magkasama. Promise." Pagsuyo naman ni Diego sa future wife nya.

"Ingat ka sa byahe at tsaka 'wag ka titingin sa ibang chicks." Tila pagbabanta pa ni Kirsch.

"Babe, ikaw lang ang gusto ko makita at titigan. Gusto mo ba blindfolded ako pumunta sa Manila just to prove na ikaw lang gusto ko titigan." Natatawa pa si Diego sa sariling biro nya.

"Di mo na kailangan mag blind fold basta maging honest ka lang sa akin ok." Seryoso pa ding paalala ni Kirsch.

Tila tinamaan si Diego sa "honest" na paalala ni Kirsch dahil di nya kayang sabihin na magkikita sila ni Kia.

"Babe, ikaw lang talaga. Kung may makakausap ako dito sa Manila na babae pwedeng sa business o kakilala ko lang ikaw lang talaga. Kung gusto mo sumunod ka dito sumama ka nalang sa akin." Pag aya ni Diego.

"Di naman sa wala akong tiwala sa'yo. Pinapaalala ko lang para di mo makalimutan. Ingat ka ok 'wag mo kalimutan kumain at uminom ng tubig. And message me pag may time ka. I love you." Malambing na sabi ni Kirsch.

"I will, Babe. I love you so much more." Buong pagmamahal na sabi ni Diego.

Kasabay non ay tinawag na ang mga pasahero for boarding na sa flight kaya mabilis na sila nagpaalamanan at nangakong iuupdate nila ang isa't isa.

-----

Bumangon na si Kirsch at nag ayos ng sarili. Inihanda nya ang sarili na mabusy para di maisip at di mamiss masyado ang kanyang future husband.

Dadaan sila ngayon ni Kelly sa printing ng invitation para o check ang first printing para makapag umpisa na sila mag distribute within this week. Na email na ni Kelly sa printing ang location Simbahan at reception para mafinalize na at ang complete list ng entourage. Sinabihan nila na iprint na muna ang first 20 invitations para macheck ang mga names at kung may error para mapalitan agad kung may mali. At pagkatapos macheck ay pwede na iprint ang 200 copies na original plan.

Pagbaba ni Kirsch sa may dining ay nagbabasa na ng dyaryo si Daddy Bert kaya binati nya ito at humalik sa ama.

"Nakaalis na ba si Diego? Akalain mo na nasanay ata ako na lagi ko sya kasabay mag almusal at hinahanap hanap ko na sya." Nagbibirong sabi ni Mang Bert.

"Di na po sya pumasok kagabi Dad, medyo ginabi kami at may mga bisita pala si Mommy Cecille tapos ng malaman ng mga pinsan nila na dumayo mga pinsan nila mula maynila at ibang lugar ayon nagsidatingan din sa bahay nila naging mini reunion na nila magpipinsan." Masiglang pagkwekwento ni Kirsch sa ama.

"Okay naman ba anak? Tanggap ka naman nila?" Nababahalang tanong ni Daddy Bert.

"Oo naman Dad, mababait po sila tinuring na nila agad ako parte ng pamilya. Kung ano po si Daddy Anton at Mommy Cecille sa akin, sa atin po, ang mga kamag anak po nila ay ganoon din. Masaya lang po sila na nagsama sama sila at ayon nga kasama na ako sa kanila." Dagdag pang kwento ni Kirsch.

"Masaya ako para sa iyo anak. Importante kasi sa pagsasama nyo na tanggap kayo ng pamilya ng isa't isa. Ngayon mas lalo ako panatag sa pagpapakasal nyo." Nakangiti namamg sabi ni Daddy Bert.

Never Ever Love You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon