revelations

2.5K 95 6
                                    

AN: this is #PAKO update. Good night. please give some reactions. :)

--

Camille’s POV

Pagkatapos na pagkatapos ng therapy ko ay pinauwi ako agad ni kami agad ni Tito.

“Bakit angtahimik mo?”tanong ni Carol. “Masama ba ang pakiramdam mo?”

Umiling ako. Pero ang totoo ay may masama akong navavibes.

“Sigurado ka?”

I nodded. “Napanaginipan ko si papa kagabi.”

“At?”

“Ewan. Nakangiti lang siya tapos ang sabi niya Kahit anong mangyari mahal daw niya kaming magkakapatid.”

Tumango-tango lang siya Carol.

“Pero weird kasi parang may gusto pa siyang sabihin pero nagising na ako…”

“Panaginip lang yon huwag mo nang masyadong isipin…”

May ibang sasakyan pagdating namin.

“May bisita yata si tito…”

“Baka business partner…” komento naman ni Carol. “wait lang.”

Pinagbuksan niya ako ng pinto at isinukbit ang bag ko. Magkahawak kami ng kamay na pumasok ng bahay.

“Hi Tito… Traffic sorry natagalan…” Napunta ang pansin ko sa matandang lalaki na kausap ni Tito. “Good morning po…”

“Good morning…”

Dumating din si Cienne. Ano kaya ang mahalagang pag-uusapan namin? Magkatabi kami ni kambal. Si Carol naman nasa kanan ko.

“Tito bakit mo kami pinatawag? May date pa man din kami ni Kim…” reklamo ni Cienne.

“Oh asan siya?” tanong ni tito.

“Sa shop. Tinutulungan si Mela,” sagot niya. Mahina ang pagkakasabi ni Cienne. Hindi siguro niya napilit si Kim na sumama dito.

“Parating na din siya.” Ibinaba ng lalaki ang kanyang phone. Atty. Grande ang pagpapakilala niya sa amin.

Bakit pakiramdam ko tense ang paligid? Ilang minuto lang ay pumasok ang isa sa mga body guards ni tito kasama si Denise? Anong ginagawa ng isang Mamuru student dito?

“Maupo ka…” utos ni Tito sa kanya. Naupo siya sa tabi ni Attorney.

Halata naman sa kanya na nininerbyos siya. Gusto kong hawiin ang hindi magandang tumatakbo sa isip ko. What if tama ang hinala ko?

“Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa…” pag-uumpisa ni tito. “Dennise Michelle  your sister…”

Tahimik lang kami ni Cienne.

“Kamamatay lang ng mama niya at accoding sa will and testament ng papa ninyo ay may iniwan din siyang mana para kay Denise.”

Hindi ulit kami umimik. Ako personally, gusto kong pakinggang ang lahat ng sasabihin ni attorney.

“May mga properties na nabili si Brandon na nakapangalan kay Denise.”dagadag ni Tito.”May pera din na naka-time deposit para sa kanya. She is of legal age now and it is about time that you meet her. Dito na rin siya titira mula ngayon.”

“Yun lang ba?” sabat ni  Cienne. “Tinext niyo na lang sa ako.”

“Cienne!” sigaw ni tito.

Wrong timing talaga tong kambal ko.

“ Okay naman na diba?” bumaling siya kay Denise. “Welcome to the family. Enjoy your stay. Bye.”

UNCONDITIONALLY (Spiker Series: season 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon