CIenne’s pov
Gusto kong kunyatan si Carol! Sabi niya mag-c-cr lang siya tapos magtetext na ako na ang bahala ditto sa kaibigan niyang hindi ko ma-explain kung anong pinagdadaanan sa buhay!
Ano na nga ba ang pangalan nito? Hindi kasi ako nakikinig kanina.
“Ano na yung pangalan mo ulit?”
“Melton Sixto…”
Please stop me! Uminom na lang ako ng coke para maiiwas ang tawa ko no! Angmodern kasi ng pangalan niya! Hindi na ba naawa ang mga magulang niya para bigyan siya ng ganoon katandang pangalan?
“I know what you’re thinking.”
“wow! Mind reader!” pang-aasar ko. siyempre no! Alangan namang magpa-buko ako sa kanya.”sige nga? Anong iniisip ko?”
Tiningnan ko siya na parang naghahamon ng patalinuhan.
Bumuntong hininga siya at tiningnan ako sa mga mata.”you are laughing at my name silently.”
Tumpak! Sabi ko sabay palakpak sa isip ko.
“Hindi no!”pagdedeny ko rin.”Iniisip ko kasi kung anong ginagawa ng magaling kong girlfriend ngayon.”
“You have a girlfriend? Sa ganda mong yan? Sayang ka.”
Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. pang-ilang tao na rin ba siyang nagsabi na sayang ang beauty ko dahil nagmahal ako ng babae rin.
“Sorry…”hingi naman niya ng paumanhin.
“Alam mo? Nakakapagtaka ka e. halata naman ayaw mong nakakakita ng mga babaeng magkarelasyon pero you are friends with Carol.”
“bakit masama ba?”
Ayoko ng tono ng pananalita niya. kung kanina ay parang angbait-bait niya ngayon naman para siyang isang tahimik na bulkan na nagbabadyang mag-errupt.
“Oo. masama.”tipid kong sagot saka itinuloy ang pagkain ko.
Nakakawalang ganang kausap itong kaharap ko e. There is something weird about him. Napapaenglish na naman ako e!
“I think, I need to go.”paalam niya.
“ok.”
Tumayo naman siya saka mabilis na umalis. Wala akong pakialam no? kahit mag-isa ko ditto huwag lang isang tulad niyang allergic ang kasama ko.
Kumakain na nga lang may iistorbo pa!
“May nakaupo ba dito?”
Iniangat ko ang tingin ko. Ngumiti naman siya sa akin. Stranger siyempre! Pero mukha naman siyang pamilyar.
“hello?” kinaway niya ang kanang kamay niya sa tapat ng mukha ko. gusto kong paluin e kaso kasalanan ko rin naman. “e wala na kasing bakanteng upuan. If pwedeng makishare?”
“Sige. Wala rin akong kasama e.”
TInawag ko ang isang crew saka pinagtanggal ang ilang pinagkainan namin nina Camille.
“I hope you don’t mind? May isa pa akong kasama e. Nag-oorder na siya ng food.”
Kukuyugin na yata ako ng mga to e! e kung umalis na kaya ako? Pero hindi pa ako tapos saka diyahe naman rin kaya tumango na lang ako.
Hindi rin naman nagtagal ay dumating na yung kasama niya.
“Cienne?”
Small world! Ex ko yan! Di, joke lang. Pero nakakatawa yung itsura niya nung makita niya ako.
BINABASA MO ANG
UNCONDITIONALLY (Spiker Series: season 3)
FanfictionSeason 3 of SPIKERS SERIES. KARA fanfic with some KIMCIENNE and CAMVEZa #COMPLETED AS OF MAY 14, 2016
