GOSH! BEHAVE!

1.7K 80 12
                                        


CAROL's POV

Nangako ako kay Denise na hindi na namin pag-uusapan ang nararamdaman niya kay Kim. Wala naman daw kasi sa isip niya na maging more than friends sila.

Minsan nakakatawa diba? Bakit hindi natin mapili kung sino ang mamahalin natin? Bakit dun pa sa taong may mahal nang iba. Hay.

"Anglalim ng iniisip mo." Siniko ako ni Kim. "Okay ka lang? May problema ba kayo ni Camille?"

"Wala. Ubos na kasi allowance ko. Pautang nga." Biro ko sa kanya.

"Magkano?"

Ay sineryoso. Ha ha!

"Joke lang. Iniisip ko lang kung saan ako mag-spend ng Christmas vacation. Ikaw? May naisip ka na?"

"Uuwi ako siyempre."sagot lang niya. "Uwi kami ng kapatid ko. Angtagal naman ni Mika."

Nasa gym na kami for morning training. Parang third consecutive day nang late si Mika. Yung mga kasama nga namin nagwawarm up na.

Sa wakas dumating na din siya! Hinihingal sila ni Nathan. Kinausap niya agad si Coach bago lumapit sa amin.

Palapit na sila sa amin. HIndi na talaga pinagsalita ni Kim si Mika.

"Bakit kasama mo siya? Araw-araw ba kayong magkasama? Bakit ka late?"

"Relax uy."natatawang sabi ni Mika. "Nagpapasama ako kay Nathan sa morning jog. Sige na bro. punta ka na sa field. Tinext ko na si Gab."

"Thanks." Bumaling si Nathan sa amin. "Sensya na. See you later."

"Pinagseselos mo ba si Ara ha? Style mo Ye. Baduy." Biro ko sa kanya. "LDR na nga kayo pinagseselos mo pa."

Naglalagay na siya ng knee pad. Parang walang paki to e. Okay lang kaya sila ni Ara?

"Alam mo bang ikaw ang affected pero yung girlfriend ko walang pakialam?" tumayo na siya. "Training na lang muna. Ayokong mag-isip ng nega. Naiinis lang ako."

"Iwasan mo ang mga quicks niya."natatawang sabi ni Kim. "Maamnesia ka kung matatamaan ka."

Nagpatuloy ang training namin. Nanadya yata si Kim dahil kay Mika niya lagi binibigay ang bola pag frontline siya.

Super focus si Mika ngayon! Sa sobrang focus parang gusto na din niyang mag-libero yata.

Pumito si Coach Cassidy.

"Mika! LUmabas ka muna ng court! You're not doing your role in the play."

Dinampot niya yung bola at gigil na inispike papuntang bench.

15 minutes break.

"Kausapin mo uy..." itinutulak ko si Kim.

"Ikaw kaya. Black belter yan si Mika uy. Baka bigwasan ako."

"So ako pwede bigwasan? Sa ganda kong to?"

"Oo! Kaya mo yan!"

Napalakas ang tulak niya kaya heto muntik ko pa talagang matumba sa kinauupuan ni Mika na seryoso lang na nakatingin sa kawalan.

"Uy Ye... Labas tayo mamaya after training?"

"Ayoko. Kayo na lang."

Katahimikan. Nakakabinging katahimikan.

"Reyes! Kung gusto mong mapasama pa sa line up umayos ka. Hindi ang team ang mag-aadjust para sayo."

Nakaipon na ako ng lakas ng loob para tanungin siya kung ano ang bumabagabag sa kanya e. Nandun na yong momentum e kung hindi lang sumingit si coach.

UNCONDITIONALLY (Spiker Series: season 3)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon