KIM's POV
Sa isang resort gaganapin ang birthday ni Rain. Heto nagreready pa lang kami ni Amyra. Nagfefeeling maganda na naman ang kapatid ko.
"Ate, pupunta kaya si ex mo sa party?"
"Ewan ko. Bakit?"
"E dapat mas maganda ako sa kanya. Saka dapat hindi mo siya tingnan-tingnan mamaya."
"Kung anu-ano ang naiisip mo."
"E alam mo na. Baka makita mo lang e kiligin ka ulit tapos magmakaawa kang huwag siyang umalis. Grabe. Teleserye ito. Yun nga lang iiwan ka pa din niya."
Kinatok na kami ni Ate Raychel. "Bilisan niyo."
So heto na. Sama maging maayos tong araw na to.
--
Lord, parang wala naman akong nagawang masama sa kapwa ko. Bakit ganito mo na lang ako parusahan?
Nasa iisang table kami nina Cienne. Buti pa si Carol may Camille na kakulitan. Sina Mika naman kasi kasama ang family niya.
"Kim, okay ka lang? Kanina pa walang imik."pansin sa akin ni Carol.
"Oo. Hindi lang maganda ang gising ko siguro."
Lumapit sa amin si Jmay. "Tita, pinapatawag ka ni moddy. Bilisan mo daw."
Thank God! Makakaalis na din ako. Paglapit ko sa mag-asawa ay pinakarga nila sa akin si Rain.
"Para kang tanga dun. Oh ikaw na kumarga para hindi ka mabored."
Hindi naman iyakin si Rain. Angbait! So sa lahat ng pictures ay present ako! Ha ha! Halla! Kinakantyawan na tuloy ako. Pwede na daw mag-asawa. Si mamang lang ang kinakabahan dahil baka totohanin ko daw.
Lagi kong kasunod sina Jmay at Sandler. Official photogapher nga daw sila e.
"Tita..."tawag sa akin ni Sandler. "Dun naman sa mga friends mo."
Siniko siya ni Jmay. "E huwag na."
"Bakit ba?"
Ewan sa mga to. Bulungang pa nang bulungan.
"Tara na. Para makakain na din kayo."
Natuloy din naman ang picture taking. Pinagpasa-pasahan nila si Rain. Giliw na giliw naman ang baby. Parang hindi alintana ang pagod.
"Sayang no? Sana nandito din sina Ate Zairah."sabi ni Camille. "De sana inalagaan din natin si Zijey."
Nasa incubator pa kasi ang bunso nila, si Zijey. Premature kaya hayun. As much as possible ayaw nilang iwan sa hospital.
"Pwede ka nang mag-asawa Kimmy-kimmy."Kantyaw ni Mika. "Ano? Gusto mo na? ha ha ha!'
"Baliw. Wala pa akong ipapakain. Praktis muna. Ha ha!"
"Excuse me..." napatigil kami sa pagkukwentuhan nang may lumapit sa amin.
Ah si Mrs. Tolentino.
"Can i have a word with you Kim?"
Sounds serious.
"Bakit po maam?"
"I want to take this opportunity to ask you a favor. Pasensya ka na ha? Hindi ka daw kasi malapitan ng anak ko. Nahihiya."
Now i am blushing. Maganda kasi tong anak niya. Ha ha! Huwag dito! Nandito ang ex ko! ha ha. Just kidding.
"Ano po yon maam?"
BINABASA MO ANG
UNCONDITIONALLY (Spiker Series: season 3)
FanfictionSeason 3 of SPIKERS SERIES. KARA fanfic with some KIMCIENNE and CAMVEZa #COMPLETED AS OF MAY 14, 2016
