Hug is enough #camveza

3.2K 111 8
                                        

Carol’s pov

May tune up game ang Mamuru ngayon. Kabilang ako sa mga audience kasama si Vio at Den. Gusto ko ngang magsisi nang kaunti dahil pinagtitinginan ang dalawang gwapong babaeng to e!

“Sana pala hindi niyo na ako sinamahan.”naiinis kong sabi sa dalawa.

“Bakit? Gusto mong kuyugin ka ng mga haters niyo dito? Aba hindi lahat ng estudyante dito mababait no.”sagot ni Vio habang nakaway pa sa ilang kababaihan sa bandang kaliwa namin.”Nang hindi rin maisyu kay Cienne ang pagpunta-punta mo dito.”

Kahit nanahimik si Cienne nararamdaman ko sa mga tingin niya na may gusto siyang iconfirm. Umiiwas lang ako sa tuwing mako-corner na niya ako.

Nakikicheer na rin ako sa tuwing makakapuntos ang Mamuru.

“Excited na ako sa pagtatapat nina Cienne at Michelle.”komento na naman ni Den. Naiilang daw siya kapag tinatawag niyang DenDen si Michele kasi parang sarili lang niya ang tinatawag niya. “Diba? Cool yon.”

Yeah. Cool nga pero magiging cool pa kaya kapag nalaman ni Cienne na magkapatid sila? Naku naman! Anglaking problema nun! Ina-idolize niya ang kanyang ama tapos malalaman lang niya na may anak ito sa labas.

Nanalo ang Mamuru sa unang set. Nakatalukbong ng towel si DenDen. Siniko ako ni Vio.

“She isn’t in good shape.”

Pansin ko nga. Hindi tulad ng dati ang paglalaro niya. Hindi niya gaanong mahabol ang bola. Sa buong second set ay hindi siya pinaglaro ng coach nila. Nakikicheer man siya ay bakas sa mukha niya ang pagkabalisa.

Natapos na ang game. Nagkaroon pa ng picture taking kasama ang kanilang mga fans.

“Vio!” sigaw ni DenDen.

Kumaway naman si Vio sa kanya. Friends na sila dahil kailangan e. “Congrats Champ!”

May sinensyas si Vio na nag-okay naman si DenDen. Ilang minuto lang ang hinintay naming nang magsilabasan na ang mga fans nila.

“Tara na.”yaya sa amin ni Vio. “Sa parking space na lang tayo magkita-kita.”

Nakasandal ako sa bumper ng kotse ni Vio. Tamang panahon na siguro para makipagkaibigan ako kay DenDen. Nahihirapan din kasi akong sundan sundan siya nang palihim.

May fifteen minutes rin kaming naghintay.

“Uy! Sensya na ha? Maraming fans e.”

 “para sa isang magandang tulad mo? kahit isang oras pa kamahalan.”Yumuko pa ito na parang isang guwardya ng kastilyo.

Natatawa naman si Denden na sinapok ito sa ulo. “baliw. Makita ka pa na Amyra lagot na naman ako dun.” Nagawi ang tingin niya sa akin. “ikaw? Cerveza!”

“Hi.”kaway ko sa kanya. “Hindi ako spy sa game niyo ha? Sinamahan ko lang tong dalawa.”

Inilahad niya ang kamay niya sa akin. “long time no see. Hindi kita agad nakilala kanina. Sorry ha.”

“ok lang. “

“Tara? Hatid ka na namin.”Alok ni Den.”Baka dumugin pa tayo ng mga fans mo dito. Hindi namin kakayanin ang paghawi sa mga yon. para silang halimaw minsan.”

Nasa backseat kami ni Denden. She really looks so worried. Nakahalukipkip siya habang nakatingin lang sa labas.

“Huwag mo sanang masamain ha?”panimula ko.”Kanina ko pa napapansin na hindi ka okay. Off ang game mo. may problema ba?”

Umiling siya. “Pagod lang to.” Binaling niya ang pansin kay Vio. “Dre, Sa EterniCake mo ako ihatid ha? Baka tanggalin na naman ako sa trabaho kapag na-late ako e.”

UNCONDITIONALLY (Spiker Series: season 3)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon