Mika's POV
"Nay, ilalagay ko na ba tong ampalaya?"
Nagluluto ng pakbet ang nanay ni Ara. Nakikialam lang ako para naman matuto ako at sa susunod ako na ang magluluto para sa kanila.
"Oo. Pero huwag mong iiwan ha. Baka matunaw."
Five minutes lang! Siguro naman hindi matutunaw. O maluluto ba kung five minutes lang?
Tik tak tik tak! Angtagal naman oh.
"Ok ka lang?"tanong ni Ara.
"Oo naman! Ako pa? relax ka lang diyan Moy. Siguradong masarap to."
"Ganyan din sinabi mo nung nagluto ka ng adobo pero maalat."
Napasimangot tuloy ako. Nasobrahan ko yung toyo. Nilagyan ko ng maraming tubig para mabawasan yung alat pero nagmukhang tinola.
"Basta. Sure na masarap to."
Proud na proud ako sa pakbet! Pasado daw sabi ni tita e. Approval na lang ni Ara ang kulang.
Parang hindi pa siya sure kung kakainin niya ang inihain ko.
"Tikman mo na Moy! Masarap yan."
"Parang hindi."
Napakunot noo tuloy ako.
"Please? Pinaghirapan ko pa yan..."
"Sige na Ara. Masarap naman e."kumbinsi ni tita.
Sabaw lang talaga ang tinikman niya.
"Masarap ang sabaw?"
Umiling siya. Iniusog niya ang plato papalayo. "Ayoko niyan. Gusto ko nang matulog."
Inalalayan ko siya. Hindi pa kasi siya sanay sa saklay niya. Ilang therapies pa ang kailangan niyang pagdaanan para makapaglakad na siya ulit mag-isa.
"Kumain ka na dun."utos niya.
"Mamaya na lang. Samahan na lang kita dito."
"Bakit?"
"Wala. Baka mabored ka."
Bumuntong hininga siya. "Lagi mo na lang akong sinasamahan."
"Ayaw mo?"
Hindi siya umimik. Tumagilid na lang siya at nagkumot. Ano naman kaya ang iniisip niya. Nagsasawa na kaya siya sa akin?
"Sige Moy. Baka gusto mo munang mapag-isa. Tawagin mo lang ako kapag may kailangan ka ha?"
Hindi niya ako sinagot.
Bumalik na ako sa kusina.
"Hayaan mo na muna siya. Kumain ka na."sabi ni tita. "Masarap tong luto mo ha."
"Thank you po." I am still bothered with Ara. Hindi siya nakakakain nang maayos. "Hmmm tita, pwede ko bang ipasyal si Ara? O imbitahin yung mga kaibigan niya dito?"
"Ikaw bahala iha. Pero tanungin mo muna siya kung gusto niya."
Yun lang. What if ayaw niya ng bisita?
Lumabas muna ako sa garden para makipagvideo call kay mama. I really need her right now.
"Are you okay Aereen?"
Tumango ako.
"You don't look okay."
"Nagluto kasi ako. hindi niya nagustuhan. Nakakatampo tuloy."
"Patience baby. Maliit na bagay yan para magtampo ka. Consider her situation too."
"I know. Pagod lang siguro ako."
BINABASA MO ANG
UNCONDITIONALLY (Spiker Series: season 3)
FanfictionSeason 3 of SPIKERS SERIES. KARA fanfic with some KIMCIENNE and CAMVEZa #COMPLETED AS OF MAY 14, 2016