MIKA's POV
"Kulang pa yung ininom mo? Gusto mo pa?"
I know she's upset. I woke up so late. Sana nasa byahe na kami papuntang Bulacan pero heto alas dose na ay pabalik pa lang kami sa mansion para sunduin ang mga bata.
"Ang-init init na ng byahe."
"HIndi naman tayo maglalakad. Anong ikinaiinit ng ulo mo? Ginising mo sana ako kanina."
"Ginigising kita. Kung alam ko lang umuwi mag-isa. Iniwan na kita dun e. Iinom ng marami tapos hindi naman pala kaya."
Itinigil ko ang kotse. "Know what? Huwag na lang nating sunduin ang mga bata. Ihahatid na lang kita."
"Ihatid mo ako kay Kuya. Ayaw kitang kasamang umuwi na mainit ang ulo mo."
Fine. So we headed to Kuya Vincent's place. She went straight to her room while I am dead, or maybe I'll be dead after this talk with her brother.
"Anong problema niyong dalawa? Away-bata na naman?"
"Nakarami kasi ako ng alak kagabi. Late akong nagising. Galit na naman siya."
She let out a sigh. "You're losing your temper huh?"
"Ewan ko. Iwas away lang din."
Pinahatid ko na ang mga bata dito. Maya-maya ay nandito na ang mga yon.
"Pupunta lang ko sa bangko."Sabi ni Kuya."Mag-usap muna kayo. Fix things muna bago kamu umuwi kung pwede."
I just nodded. Nakaawang ang pinto ng kwarto. Nag-eempake pa siya. kaya siguro siya galit dahil hindi pa nakaayos ang mga gamit niya.
"Sorry..."I managed to say. "Hindi na ako iinom ng marami next time."
"Hayaan mo na. Tulungan mo na lang ako dito."
Parang lahat ng yata ng gamit niya iuuwi niya.
"Pinasundo ko ang mga bata."
HIndi siya umimik. Iniabot niya sa akin ang mga shirts. "Ayusin mo ha. Sayang ang space."
"Wala ka bang iiwan dito? Parang hindi ka na babalik ah."
"What if hindi na nga ako babalik?"
Nangunot ang noo ko. Pinagtitripan na naman ba niya ako?
"What if lang naman. Naalala mo yung kinwento mo tungkol kay ate JM at Liam?"
I nodded.
"What if ipapadala din ako sa ibang bansa? Tapos wala kang mababalitaan sa akin?"
"I have ways to find you."
"Mahahanap mo ba ang taong ayaw magpahanap?"
"Ara naman."
She smiled and threw something to me. Bracelet? Ito yung bracelet na niregalo ko sa kanya nung birthday niya. Pero number 8 yung naiwan sa bracelet.
"Desisyon ko tong umuwi muna. Gusto ko kasi magfocus ka sa pag-aaral mo. Kapag nandito ako nahahati ang oras mo. Isuot mo yan. Para maalala mong hindi naman kita iniwan. Nagpapalakas lang ako."
"Where's number 3?"
Nasa kwintas pala niya.
"Tanggalin mo kapag maglalaro ka. Baka mapatid o masugat ka."
"Ayoko nga. Hindi naman to nakakasugat."Sabi ko habang isinusuot ang bracelet. "Hindi ka naman pupunta sa ibang bansa diba?"
"Sa Bulacan lang ako pero bawal ka dun. Ipahuli kita sa mga pulis ka pag pumunta ka dun. Tandaan mong alam ko ang schedule ng trainings. Sunday lang ang pahinga. Hindi ka pwedeng mag-skip ng classes. Hindi kita kakausapin."
BINABASA MO ANG
UNCONDITIONALLY (Spiker Series: season 3)
FanfictionSeason 3 of SPIKERS SERIES. KARA fanfic with some KIMCIENNE and CAMVEZa #COMPLETED AS OF MAY 14, 2016
