MIKA's POV
We are supposed to go back to Bulacan but Atty. Delos Reyes called. Nagmadali akong pumunta sa St. Matthew Hospital kung saan nakaconfine si Miss Elise.
I thought she has an illness pero sabi ng doctor wala naman. It must be because of her age.
"Thank God you're here." She smiled weakly. "Praise Him."
Ngiti lang din ang naging tugon ko sa kanya. Hawak-hawak ko lang ang kamay ni Miss.
"Ipinatawag ka niya para sa isang kahilingan."Sabi ni Atty.
"What is it?"
"Gusto niyang ihabilin sa iyo ang mga bata."
"Miss Elise..."
Humigpit ang hawak niya sa kamay ko. "Please Mika. Alam kong maalagaan mo silang mabuti."
Paano? Bata pa ako? How can I take the responsibility at my age?
"Makakatanggap ang mga bata ng allowance monthly. May mamanahin din sila pero makukuha lang nila ang mga iyong kapag nasa legal age na sila. Ang ikinakatakot ni Miss Elise ay kamkamin ng mga pamangkin niya ang nararapat para sa mga bata kaya ka niya pinahanap sa akin."
Anong pangyayari ito? Anong kaganapan na naman po ba ito?
Bigla akong na-stress! Gusto kong magkaroon kami ng anak ni Ara. Kung tutuusin biyaya ang ganito pero ang-aga pa Lord.
"Please Mika. Sayo lang naging palagay ang loob ni Ashley." Pakiusap ni Miss Elise.
"Ikoconsult ko muna kay Papa."
Ngumiti si Miss. "Thank you. It means a lot to the kids."
May mga dumating na bisita. Siguro ay mga kamag-anak ni Miss ang mga ito. I don't like the way they look at me! Nakakairita bigla dito!
Kasunod ko lang si Atty.
"Nasaan ang mga bata ngayon Attorney?"
"Nasa bahay ko sila sa ngayon. Hindi pa alam ng mga kaanak ni Miss Elise ang tungkol sa last will and testament niya pero nung mga nakaraan buwan ay kinausap na nila ako at gustong ilipat sa pangalan niya ang mga ari-arian ni Miss Elise."
"God! What will I do?! Panibagong gusot na naman tong papasukin ko kung sakali."
I went immediately to my father's office. I badly need his advice.
"Ikaw ba Mika? Do you want to adopt the kids?"
Tumango ako. "Pero parang ang-aga diba? Bata pa ako. Bata pa kami ni Ara para dun."
"Pwede namang pagtulungan yan. Pwede ring sa puder muna namin ang mga bata habang nag-aaral pa kayo ni Ara."
"Are you serious?"
He nodded. "Nababahala kasi ako anak. Ang kapatid ni Elise ay kasosyo ng Tito Jan mo. At minsan na nitong nabanggit na sigurado siyang malaking parte ng kayamanan ni Elise ay mapupunta sa kanya dahil wala naman itong pamilya."
"Foster parent lang si Miss Elise ng mga bata. Walang legal adoption sabi ni attorney. Madali niyang makukuha ang gusto niya, diba?"
"Pero kung nakalagay sa last will and testament, wala na silang magagawa."
"Meron." I seriously said. "Pero pwedeng ikapahamak ng mga bata."
"Hindi naman siguro aabot sa ganun."
Siguro nga paranoid ako gawa ng mga pinagdaanan namin dahil sa pagiging gahaman ng mga kaalitan ng pamilya namin kaya ganito ako mag-isip.
--
BINABASA MO ANG
UNCONDITIONALLY (Spiker Series: season 3)
ФанфикSeason 3 of SPIKERS SERIES. KARA fanfic with some KIMCIENNE and CAMVEZa #COMPLETED AS OF MAY 14, 2016