Para sa lahat ng nagmamahal sa series na ito ang chapter na to.
--
CAMILLE”s POV
Here we are... It’s not a perfect world… la la la la.
Tulad ng hindi ko alam kung paano ang mga susunod na kabanata ng buhay naming kasama si Dennise. Kababalik lang naming ng Manila. Balik sa kumplikadong buhay.
“Tito, pwedeng balik dorm na ako?”
“Hindi. Pwede ka namang ihatid at sunduin ng mga bodyguard. Hindi pa magaling ang tuhod mo.”
“Pero kaya ko na.”
Hindi na ako nasagot ni Tito dahil dumating na si Dennise galing school.
“Good evening po.”
Tumingin sa relo niya si Tito. “Katatapos lang ba ng training niyo? 9:00 na.”
“Opo.”
“Maupo ka na at kakain na tayo.”
Tahimik. Akward. Ganito madalas kapag sabay-sabay kaming kumakain. Buti pa si Cienne hindi niya nae-experience ang ganito e. Parang gusto ko na ulit bumalik kay mama.
“Hindi ba kayo magkukwentuhan?”biglang sabi ni Tito.
Hindi ako umimik. Ne hindi ko tiningnan si Dennise o si tito.
“Camille…”
“Po?”
He gave me this look na parang sinasabing ako ang unang gumawa ng move. But I can’t! Hindi ko talaga kaya.
“Camille…”
Napatingin ako kay Dennise.
“Pwede ba akong matulog sa kwarto mo?”
“huh. Ok.”
Alangan sabihin kong ayoko. Mapapagalitan ako ni tito.
--
Patapos na ako sa assignments ko nang kumatok si Dennise. Yakap-yakap niya ang unan at kumot niya.
“Pasok ka…”
Igiliid ko lang ang mga gamit ko sa study table.
“May mga assignments ka ba?”
“Tapos ko na. “sagot niya.
“Okay.” Naupo lang ulit ako. “Matulog ka na diyan kung inaantok ka na. Marami pa akong ginagawa e.”
Nahahagip ng paningin ko na nakaupo lang siya at pinapanood ang ginagawa ko.
“Pwedeng magtanong?”
“Ano?” Sagot ko habang nagsusulat.
“Hindi ba nagalit si Tito nang naging kayo ni Carol?”
Napatigil ako sa pagsusulat. “Bakit?” Baling ko sa kanya.
Umiling siya. “Curious? Hindi ba nagalit?”
Umiling lang ako.
“Camille…”
“What?” as usual sa assignment pa din ako nakatutok.
“Galit ka ba sa akin?”
“Hindi. Hindi na. Huwag ka na ngang magtanong. Matulog ka na lang diyan. Siguradong maaga ang training niyo.”
Katahimikan na naman.
“Camille…”
“Ano?!” irritable na ako sa kakulitan kasi niya. Hindi na naubusan ng tanong? Unlimited lang?
BINABASA MO ANG
UNCONDITIONALLY (Spiker Series: season 3)
Hayran KurguSeason 3 of SPIKERS SERIES. KARA fanfic with some KIMCIENNE and CAMVEZa #COMPLETED AS OF MAY 14, 2016
