friendly match

1.8K 80 6
                                        


CAROL's POV

WHOOOAAHHHHH! This is for real!!! Nasa harapan ko na si Camille my love so sweet ko! Huwag oa Carol. Kalma lang kalma lang.

"Uy..."bati ko lang sa kanya. Kunwari hindi ako atat na atat. "Long time no see..."

"Yun lang yun?" ah! Angcute niya.

EEEH! Nahihiya ako. nandito sina tito e. ha ha!

Saka na yung yakap. Haha. Walang humpay ang kwentuhan! Si ate Cha lang naman ang maraming tanong e. kumbaga story telling ng relasyon namin ni Camille. Hindi na yata kami matutulog. Ha ha!

Akala ko talaga for good na dito sila e. Ngayong bakasyon lang daw pala. Im so sad.

"Christmas break na next week. Uuwi ka ba?"tanong ni tito.

Tumango ako. "Nakaplan na din kasi si mama e."

"Ahy LDR pa din pala. Haha! Kawawa naman tong kapatid ko."

"Oh de sasama ako sa kanya."natatawang sabi ni Camille. "Pwede naman diba tito? Diba?"

"Christmas Eve dun ka. Pero sa new year's eve dapat nandito ka na."

Ayos! Aprubado ni tito!

"Ikaw Cienne? Wala kang balak na puntahan?" yay! Si ate Cha naman oh. Nanadya na naman.

Umiling si Cienne. "Dito lang siguro."

"Tito, pwede kong iinvite si Gabby? Dito na lang siya mag-christmas at new year." Paalam ni Denise.

"Boyfriend mo ba yan?"

"Hindi po. Pero kasi parang kuya ko na siya. and wala na din siyang mga magulang."

Binack-upan ko naman si Denise kaya pumayag din si tito.

--

SA GARDEN.

"Okay na ba yung mga binti mo?"

Tumango siya. "Better! Nakakapaglaro na na kami ni Cienne dun e."

"E baka mastress yan ha. ingat-ingat naman."

"Oo na. So hindi mo ba ako yayakapin ha?"

Oh yakap na! mahigpit ang yakap ko sa kanya. Yakap na inipon ko nang matagal na panahon. Ha ha! Tinapik-tapik niya ang balikat ko.

"Namiss mo nga ako."

KUmalas na ako. "Grabe. Oo naman no. Buti mayaman kayo no? Pwede magbalik-balikan sa Pinas. Ha ha!'

Isinandal niya ang ulo niya sa balikat ko. "Nakakapagod lang pero kung ganito naman ang daratnan ko sulit ang pagod."

"Kinukulit ka pa ni Melton?"

Umiling ako. "Pero nakikita ko pa din siyang umaaligid sa dorm. Don't worry. Kaya ko naman siyang pilayan kung kailangan e. "

Tahimik na kami ulit.

"Kumusta na si Cienne pala? Si kim para mukhang okay na. Maraming manliligaw kakaloka! Kanina nga may nagpadala ng biko! Ha ha! Biko pa more!"

"Haba ng hair? Ha ha! Okay lang siya. Nakatulong yung pag-alis niya para marealize niya kung gaano siya kaselfish. "

"Ah, pero sa tingin mo? Babalikan pa niya si Kim?"

Nagkibit balikat si Camille. "Huwag mo na ngang isipin yun. Ang mahalaga okay silang dalawa."

---

KIM's POV

Good morning world! Good nga ba? Hay. Home alone as always na naman.

UNCONDITIONALLY (Spiker Series: season 3)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon