mini concert

5.3K 131 13
                                        

Cienne’s POV

“Yes!”niyakap ko ang teammates ko. Panalo ulit e! Magpakapasa-pasa man ako sa pag-dig ng bola ay okay lang basta nakakatulong sa team.

“ok ka lang?”hablot ni Kim sa braso ko.

“Oo naman!”nag-okay sign pa ako sa kanya.

Luminya kami sa court para makaipagkamay sa kabilang team. Sportsmanship pagkatapos ng three sets ng matinding labanan sa court. Hiyawan ang mga tagahanga ng team habang pabalik na kami sa dug out para sa ilang bilin ni Coach. Miss na namin si Coach Cassidy pero kailangan pa daw niya ng mahabang panahon para tuluyang gumaling.

Panay ang tingin ko sa time ng cellphone ko. Bakit ganito? Angbagal-bagal-bagal ng oras at parang slow motion ang mga sinasabi ni coach.

Siniko ako ni Ara. “Chill ka lang…”

“Angtagal kasi.”bulong ko sa kanya.

As if ako lang ang ganito! Si Carol nga halos ayaw nang pumunta dito e. Tulad ko ay panay ang check rin niya sa cellphone niya.

Sa wakas! Tapos na ang maikling conference! Habang ang ibang players ay naghihintayan upang makapagbihis nagyayang umalis agad si Carol.

“Bihis muna kaya.”saway ni Ara sa kanya.”Excited naman masyado.”

Pero matigas pa rin ang ulo ni Carol. Binalingan niya ako ng tingin.”Ano Cienneloo? Sasabay ka bas a akin o kay Kim?”

“Sabay-sabay na lang kasi tayo. Huwag kang atat hindi ‘yon makakatakbo.”biro ko sa kanya.

Ngayon na kasi uuwi si Kambal. Limang araw rin siya sa hospital. Urat na urat na nga daw siya pero wala siyang magagawa dahil kalaban niya ang buong universe sa pagpipilit niyang umuwi ng dorm! Sa bahay pa ni tito Brandon siya titira. Hmpf parang gusto ko na rin dun mag-uwian! Magpapasundo na lang yata ako sa mga gwapong bodyguards. Evil laugh!

Walang laban si Cerveza! Panay nga ang kibitz niya sa phone niya oh. Nakakatawa siyang tingnan. Tinext ko kasi si Kambal na may isang kaluluwang hindi mapakali dito kaya hayun umiral ang pagiging bully niya. Hindi daw muna niya itetext si Carol.

Nag-aalalang lumapit si Carol. “Cienne, patawag naman oh. Deadbatt na ang phone ko e.”

“dedz rin phone ko hipag. Shorry.”

Sinungaling! Haha. Nakakatuwa lang kasi siya oh. Kunot noo naman. I so love my hipag. Haha. Pinisil-pisil ko ang pisngi niya na pinagtaka naman niya.

“Problema mo?”palo niya sa kamay ko.

“Yam! Ano yan ha?”Ready na si Yam ko oh! Inabot niya sa akin ang Cap na partner ng suot niyang black batman cap.”Sinapian ka ba ni Camille at pinanggigilan mo si Carol?”

UNCONDITIONALLY (Spiker Series: season 3)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon