Mika’s POV
“That would be all.”
My secretary turned the lights on as I sit close my presentation to the investors. Kinakabahan ako sa paglalahad ko ng mga proposals sa kanila.
“I hope you will consider my proposal this time.”
Isang malaking sampal sa pride ko ang pagturn down nila sa una kong proposal. Although sinuportahan pa rin ako ni papa alam kong nadispoint ko siya.
Mas marami na ngayong positive feedbacks kaysa nang nakaraan. Mas nakakahinga na ako nang maayos ngayon.
Nagpaiwan ako sa conference room. Hindi pa rin 100% ang kasiguraduhan na pananatilihin nila ang kanilang investment sa kompanya.
Eksaktong isang buwan at kalahati na ako dito. Isang buwan at kalahating namumuhay na parang robot. Pinagsasabay ko ang pag-asikaso sa kompanya at ang pag-aaral. Tuloy-tuloy pa rin ang modular instructions para sa course ko kaya kahit papano ay nairaraos ko ang units na kailangan ko.
Upon resting my head on the table my phone vibrates. Hinintay ko munang magring ito ng hanggang limang beses bago ko sinagot.
>>>Mika Reyes speaking...
(Alwyn to. May I remind you bout our meeting this afternoon. Don’t be late.)
>>>ok. Bye.
I drop the call and went to my office. Bago ako pumasok ay nagbilin muna ako sa secretary ko na hindi ako tatanggap ng kahit sinong bisita except for business purposes only. One good thing in having a secretary is not stressing yourself with unwanted calls. Sila ang bahalang makipag-usap at mag-isip ng excuses.
Tinanggal ko ang salamin ko at ipinikit ang mga mata ko. Hindi ako gaanong nakakatulog nitong mga nakaraang gabi.
Two hours more and i will be meeting him again. Alwyn is such a pain in the ass! My number 1 rival here in the car business. Lahat na lang nagagawan niya ng paraang sulutin ang mga prospect investors ko.
--
3:15. Nasa tapat na ako ng isangFilipino restaurant kung saan kami magkikita ni Alwyn. Fifteen minutes earlier nang wala naman siyang masasabi.
“Reservation for Alwyn Hernandez...”
“This way maam...”
Tumayo agad si Alwyn nang makita niya ako.
“Five minutes early. That’s new.”
He really sounds insulting. Hindi naman siya ganito noon. Nagbago lang nang hindi niya matanggap na mas pinili ko si Ara kaysa sa kanya. Maging si Syd na kababata namin ay itinuring na rin niyang kaaway.
“Business will comes first.”sagot ko naman.
“Okay then. Mag-order ka muna bago natin pag-usapan ang proposal ko.”
“No thanks.”tanggi ko agad.”busog pa ako. So what is it? Sana makabuluhan yan.”
Naglabas siya ng folder at iniabot sa akin. “We both know that you are not doing well in handling the business. And that shows that your investors lost confidence with you. Nasabi ko na bang interesado silang ibenta ang shares nila sa akin?”
I was really disapointed with all these documents. So kung ganun ay desidido na ang mga ka-meeting ko kanina na ibenta ang shares nila. Damn it!
“Magaling ka pala talagang mang-ahas no?” sinara ko ang folder at nilapag sa mesa.”Sa tingin mo masisindak ako sa mga to?”
“Hindi kita sinisindak. What I am trying to say is. You are a failure to your family.”
“asan ang proposal dito? Did you just invite me to insult me? Shame on you.”
BINABASA MO ANG
UNCONDITIONALLY (Spiker Series: season 3)
FanfictionSeason 3 of SPIKERS SERIES. KARA fanfic with some KIMCIENNE and CAMVEZa #COMPLETED AS OF MAY 14, 2016
