Makulit si Camille

1.6K 65 5
                                    


CAMILLE'S POV

Nag-usap kami ni Cienne. Hindi na namin itutuloy ang despedida. Idodonate na lang namin ang perang magagastos sa New Hopes.

"Kambal, ilang araw na lang tayo dito. Makipag-ayos ka na kay Denise."

"Para saan? Huwag mo nang ipilit kambal."

"Bahala ka nga. Kapatid pa din natin siya."

Hindi siya umimik. Wala na nga yatang pag-asang magkasundo ang dalawa. Alis na muna ako. Pupunta akong Mhei Zhou. Pasyal-pasyal lang naman.

Kakalabas lang din ni Denise ng room niya.

"Wala kang klase?"

Tumango siya. "Magpapahangin na muna ako. Saan ka pala pupunta?"

"Sa Mhei Zhou."

"Ah Sabay na lang tayo. May dadalawin din ako dun."

"Si Kim?"

Umiling siya. "Hindi no."

Siya ang driver of the day! Napakwento siya ng mga ganap kay Kim. Parang siya talaga ang naging shoulder to cry on ni Kimmah.

"Laging sinasabi ni Kim. Bata pa siya. Marami pang darating na babae sa buhay niya."Natatawang kwento niya. "Tapos maya-maya iiyak! Ha ha! Alam mo yong maubusan na ako ng iaadvice sa kanya?"

"Hindi ka naman naririndi?"

"Hindi pa naman. Kung hindi ko siya pagtitiyagaan sino pang magtitiyaga sa kanya? Busy ang mga teammates ninyo e. Feeling tough lang yun si Kim pero sa loob loob niya pagod na pagod na siya."

"You know her that well..."

"Getting to know her actually..."

May something! May hugot? O ganito lang talaga siya ka-out spoken?

Nagriring ang phone niya. Image caller ni Alyssa ang nag-aapear.

"Hindi mo sasagutin?"

"Hayaan mo na. Ito kasing si Carol, inihabilin ba naman ako kay Aly. Kaya ko namang alagaan ang sarili ko."

"Ah Denise, pwedeng humingi ng pabor?"

"Game."

"Huwag mong iwan si Kim ha?"

Puzzled yung tingin niya sa akin.

"Ah I mean moving on si Kim. Kailangan niya ng makakausap. Sana pagtiyagaan mo pa siya."

Natawa na lang siya. "Kahit hindi mo sabihin naman e. Don't worry. Ako ang bahala kay Kim at kay Hipag na makulit. Ha ha! Hindi ko siya palalapitan sa kahit sino."

"Adik..."

"Asus! Kunwari ka pa!"

Hindi na nga ako umimik. Heto na! Parking space pa lang parang ayaw na niyang bumaba.

"Bigla akong kinabahan. Ha ha! Hindi naman ako kukuyugin ng mga schoolmates mo no?"

"Akala ko ba matapang ka?Naisyu na nga kayo ni Kim ngayon ka paatras. Baba na."

So bumaba na ako. May sapi din tong si Denise e. Inhale exhale pa talaga. Nagring ang phone niya.

"Oo nandito na.

OA mo.

Kasama ko naman si Camille e. ha ha!

Oo nga! Hindi ka na naman pumasok! Sige sige. Bye."

"Saan mo imemeet yung friend mo?"

"Sa soccer field. Saan ka pupunta? Sama muna ako sayo."

Naglakad-lakad lang kami. Mamimiss ko talaga tong Mhei Zhou. Wala din kasing kasiguraduhan kung babalik pa kami.

UNCONDITIONALLY (Spiker Series: season 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon