YURI for the win

1.7K 66 12
                                    

AN: Same day ng KARA FAMKULIT din to.

CIENNE's POV

Nagbababad ako dito sa higaan. Wala naman akong girlfriend o boyfriend na kailangang bigyan ng oras. Iniligpit ko na rin lahat ng couple items namin ni Kim. Anglaki ng disappointment na naibigay ko sa kanya at sa pamilya niya.Wala na akong mukhang maihaharap.

Nakakainis din tong si Alfher. Angkulit-kulit. Sinabi ko nang ayaw kong makipagkita sa kanya.

"Cienneeeeeee!!!"

Napabangon ako pagkarinig ko ng boses ni Yuri.

"Ciennnneeeeeeee!!!"

Para naman siyang naliligaw. Pinagbuksan ko siya ng pinto.

"Hi..."ngumiti siya. "Sorry to disturb you. Tumawag kasi si sir Brandon. Ipasyal daw kita dahil nababaliw ka na dito."

Tuluyan ko nang binuksan ang pinto. "Wala akong gana." Inatupag ko ulit ang phone ko.

"Bakit wala? Tara na. aalis lang tayo e. Kakain. Mag-aarcade. Kakain ulit."

Tiningnan ko siya nang masama. "Kung wala akong gana huwag mo na akong pilitin. Pwede?"

Wala naman siyang magagawa kung ayaw kong lumabas. Si tito naman kasi sabi nang huwag na akong alalahanin e.

"Okay. Dito lang ako hanggat sipagin ka."

Nagtatambay ako sa twitter. Nakakabueset na nakadeactivate pa din sina Kim at Dennise. Bakit kailangang sabay? Bakit kailangang sweet pa sa mga tweets? Bueset talaga! Nananadya na yata.

Marami akong notifs. May mga nangangamusta. May nambabash. May nagsasabing sana magbalikan kami ni Kim.

@Ceinneloo ME TIME.

Again, kaybilis ng notifs. Nakakainis tong mga tinatag sa akin na stolen pics nina Kim at Dennise! Oo na! Nasasaktan ako! Kailangan pa nilang isampal sa akin ang mga to?

@Cienneloo TOO DAMN TIRED OF LIFE. #LEAVING

"Hindi ka ba nagsisisi Cienne?"tanong ni Yuri habang tutok din sa phone niya. "Obvious naman na mahal mo pa si Kim."

"Ayokong pag-usapan."

"Ayaw mong pag-usapan kasi naguiguilty ka? Kasi nasaktan mo yung taong mahal na mahal ka?"

"Tumigil ka na please. Alam ko naman yon. Kaya kung pwede huwag mo nang ulit-ulitin? Makakamove on din kami dito. Makakamove on tayong lahat."

"Sabi mo e."

"Gusto ko ng steet foods. Maghanap tayo."

"Sa wakas!" tumayo siya agad. "tara na bago pa magbago ang isip mo."

Magcocommute kami. Bus. Jeep. LRT.

"Marami na tayong nadaaanan street foods. Hindi ka pa din nakapagdecide kung ano ang gusto mo?"

"Nagrereklamo ka? Pwede ka nang umuwi. Ako na lang mag-isa."

"Hindi. Malalagot ako kay Sir kapag hinayaan kita dito. Sige lang. Kahit saan pa yan."

Sa dami ng pinuntahan namin napadpad kami sa isang kalye malapit sa JMR mall. Nakahilera ang mga bentahan ng street foods!

"Ito oh." Aya sa akin ni Yuri sa ikalawang pwesto. "Isaw, adidas, may dugo pa. Anong gusto mo?"

"Tingin muna tayo sa iba."

Parang hindi masarap naman. Nakarating na kami sa dulo. Nakakaumay tingnan tong mga iniihaw nila.

"Magkano dito manang?" yung isaw na may arina. Mukhang nakakatakam din.

"Sampu ineng."

"So bibili na tayo?" tanong ni Yuri.

UNCONDITIONALLY (Spiker Series: season 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon