Observations

1.5K 67 7
                                    

CAROL'S POV

Training.

Aral.

Lunch.

Afternoon training.

PAGOD!

Napahiga ako sa court! Sa wakas makakapagpahinga na kami!

"Grabe!" napahawak ako sa noo ko. "Kailangan ko ng full body massage!"

"Ako na lang magmamasahe pako."

Para akong narecharge sa narinig ko!

"Talaga?"

Binato ako ni Kim ng tuwalya. "Hoy namumuo ang kaberdehan sa utak mo!"

Hindi naman! grabe ang mga to ha!

"Hiramin ko muna si CIenne ha?"

Ang epal. Ang dakilang epal na si Elpidio.

"hindi pwedeng lumabas ang mga players. May curfew na sila mula ngayon. no VIP treatments."

Umalma kaming lahat except Kim.

"Kahit ngayon lang coach."apela ni Alfher."Please..."

"No. Magsiuwi na kayo."

Ang ending? Makikisabay daw sa pag-uwi si Elpidio para maihatid si Cienne. Oportunista tong lalaking to. hindi alam ang 3 months rule! Kakabreak lang nina Kim at Cienne ,eeksena na.

Palabas na kami ng dug out.

"Uy Ayumi! Anong ginagawa mo dito? At bakit nakauniform ka?"

Suot niya yung uniform niya sa dating school niya.

"Kim called. Extra training."

Nagpalit lang si Kim nang shirt.

"Hindi ako uuwi sa dorm ha. Baka kena Ayumi muna. Kita na lang tayo bukas." Sabi ni Kim.

Walang kokontra sa taong broken hearted! Ha ha!

"Ayumi, huwag masyadong hard kay Kim ha?"Paalala ni Camille. "Hindi pwedeng mainjured yan."

"No worries."sagot ni Ayumi saka binalingan si Cienne."Hi Cienne. You look pale. Are you okay?"

Tumango si Cienne. "Ok lang."

Gusto kong sipain tong si Alfher o kaya ay pektusan si Cienne e. Insensitive tong dalawang to! Kung hindi umepal si Alfher baka pwede pang maayos yung relasyon nina Kim at Cienne.

Ready na ang dinner!

"Tapos na ang oras ng pagbisita Alfher."Sabi ni Camille."Kailangang magpahinga ni Cienne."

Strikto ng girlfriend ko! ha ha! Walang expression si Cienne. Pagkaalis ni Alfher ay pumanhik na siya sa kwarto. Kinatok siya ni Camille.

"Kambal magdinner ka muna."

Hindi sumagot.

Hindi na din siya pinilit ni Camille.

"May napikon sa kapatid."pangangantiyaw sa kanya.

"Sino ba ang nagmomove on? Si Kim o si Cienne? Parang mas affected si Cienne e." dagdag ni Dawn. "Pansin niyo?"

"Huwag na lang tayong mag-assume."sabi ni Des."Magcelebrate na lang tayo kapag nagkabalikan sila."

Matapos ang nakakapagod na araw ay ito ang pinakamasarap na pakiramdam sa lahat! Ang makatabi ang taong mahal mo bago matulog. Sa sala daw ulit matutulog si Cienne kaya solo namin ang kwarto.

UNCONDITIONALLY (Spiker Series: season 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon