Sana

1.5K 72 6
                                        


ARA's POV

"Sabi naman sayo napagod lang ako."

Nag-aalala na naman ang mukha ni Mika. Parang gustong mag-cr na naman.

"Hindi ba siya icoconfince doc?"

"No need."sagot ni doc."Naoverwork lang ang mga binti niya."

"Sabi sayo. Umuwi na tayo."

"Saglit lang. Let's wait for the wheelchair."

Nakakainis naman. Hindi ako lumpo. Pinilit kong tumayo. "Kaya ko. Hindi ako lumpo."

Pwede naman ako sa saklay. Kayang-kaya ko naman to.

"Mama Mika, strong naman si mommy. Huwag mo na pong alalayan."sabi ni Ashley.

De wala siyang nagawa? Kinindatan ko si Ashley.

Ano na yung natutunan ko sa napanood kong movie. INDEPENDENCE. Hindi ako dapat umasa sa kanya palagi.

Sa bahay ni Kuya ako nagpahatid.

"Pwede ka naman sa bahay namin."

"Mas gusto ko sana dito."

"Wala kang kasama dito oh."

NAgtaas ng kamay si Ashley. "Dito muna po ako. Babantayan ko si Mommy."Itinaas niya ang kanang kamay niya. "Promise po."

"Dito na din muna ako." sabat ni Carol. "Maggagabi na din Mika. Mas mabuting umuwi na muna kayo ng mga bata."

Bumaling sa akin si Mika. "Tatawag ako kauwi. Huwag mong iignore ha?"

Tumango ako. "Sige na. Ingat kayo."

Hinalikan ako sa pisngi pati ng mga bata.

"Huwag kang makulit dito AA ha?"

Ngumiti naman si AA.

--

Nagluluto ng para sa hapunan si Carol.

"Gusto mong subukan?" alok niya sa akin.

Siyempre gusto ko! Itlog na maraming patatas. Request ni Ashley.

"Kaunting paminta lang ang ilagay mo."

Mukhang masarap to.

"Mag-ingat ka. Baka mapaso ka."

"Kaya ko. Hawakan mo yung kawali"

Medyo mahirap kasi nakasaklay ako kaya kailangan ko pa ng assistance.

"Anggaling ni mommy!" napapalakpak pa si Ashley. "Mommy! Gusto ko po ng ice cream."

"Gabi na. walang bibili."

Nagvolunteer si Carol. Nang makaalis siya ay agad na umupo sa may mesa si AA.

"Mommy! Galit ka po kay mama?"

"Hindi naman. Bakit?"

Kumunot ang noo niya. "Kasi parang galit ka. Ah! Mommy, hindi pa tumatawag si mama Mika."

Oo nga pala. Yung phone ko naiwan sa kwarto.

"Kunin mo yung phone ko sa kwarto. Baka nakasilent."

Tumakbo naman siya. Pagbalik ay kausap na si Mika.

"Yes mama! Nagluluto po. Don't worry po. Tinulungan siya ni tita Carol. Yes po."

Iniabot niya sa akin ang phone.

>>>Sorry. Naiwan sa room.

(Ara naman...)

>>>oh? Kalma naman.

UNCONDITIONALLY (Spiker Series: season 3)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon