MIKA'S POV
Nakatulog sa pagod ang mga bata. Nandito nga pala kami sa bahay pa din ni Kuya Vincent.
"Do I really need to do this?"
"Oo."seryoso ang sagot ni Ara. "Mag-aral ka ulit sa Mhei Zhou. Maglaro ka ulit."
"Moy, sabi ko naman sabay tayong babalik diba?"
Umiling siya. "Okay na yang sugat mo diba? Pwede na ulit? Huwag mo na akong hintayin. Gusto kong magcheer para sayo."
Ano bang pinagsasabi niya? Kung ginawa ko yong mababawasan ang oras ko sa kanya.
"Hindi naman ako mawawala sayo."sabi niya ulit. "Magpapalakas din ako. Ayokong maging pabigat sayo."
"Hindi ka pabigat Moy."
"Pero yon ang nararamdaman ko!"
Shit. Ngayon lang ulit to. I can really see anger in her eyes.
"Moy..."I softly said. Sinubukan kong hawakan ang mga kamay niya. I need to convince her that I don't need to enroll.
"Kainis na e! Araw-araw kong nararamdaman pabigat lang ako sayo. Nakikita ko sa mga mata mo na gusto mo talagang maglaro pero natali ka sa pangako mo na sabay tayong babalik."
"Hindi ganun yon Moy..."
Hinawi niya ulit ang mga kamay ko. "Please Mika. Ayokong dumepende sayo."
"Hindi mo na ba ako mahal?"
She looks frustrated. Kanina lang okay kami tapos ngayon hindi na naman. Hindi ko na siya maintindihan. Epekto pa din ba to ng pagka-comatose niya or she is just making reasons for me to get mad?
"Mahal kita. Gusto ko lang mag-aral ka ulit."
"Nag-aaral naman ako ah. I'm doing my best naman."
"Sa school. Normal na schedule. Basta. Mag-aral ka. Pagod na ako! Tama na to!"
Tinalikuran niya ako. God! She really has the guts to do this to me! Dahil ba hindi ko siya papatulan? Dahil alam niyang hindi ko siya matitiis?
"Ara!"
Hinarap naman niya ako. Shit. Those stares. "Huwag kang pasaway Mika."
Then she entered the room. Napaupo ako sa sofa. I guess checkmate ako dito.
Kuya Vincent just arrived with our dinner.
"Saan yung apat?"
"Sa room."Matamlay kong sagot.
"What's with the mood?"
"Nothing. So what's for dinner?"
"Friend Chicken. Tumawag nga pala si Don Miguel. Hindi mo yata nasasagot ang phone mo."
Naiwan ko sa kotse yung phone ko nga pala.
"Anong sinabi? Galit ba?"
"Hindi naman. Tinatanong lang kung uuwi kayo dun ngayon. Mukhang miss agad ang mga bata."
Napabuntong hininga ako.
"May problema ba?"
"Wala naman. Gisingin ko na sila."
Gising si Ara nang pumasok ako sa ng kwarto. Busy sa phone.
"Magdidinner na."
"SUnod na kami."
Bumalik na ako sa kusina. HIndi man lang niya ako binigyan ng tingin. Alam mo yon? Yung nakatutok lang siya sa phone niya.
"Sunod na daw sila."
BINABASA MO ANG
UNCONDITIONALLY (Spiker Series: season 3)
FanfictionSeason 3 of SPIKERS SERIES. KARA fanfic with some KIMCIENNE and CAMVEZa #COMPLETED AS OF MAY 14, 2016
