Chics

1.5K 79 7
                                        

MIKA'S POV

Kavideo call ko si Kim. Siya talaga ang nahype sa pagbalik ko sa team.

Kim: Hilain na natin ang mga araw! Excited na ako sa practice! Angtagal din no.

Me: Anghyper mo. Nabobored ka lang diyan e. ha ha!

Kim: Hindi naman sa ganun. Iba pa rin kasi kapag tayong tatlo ang nasa court. Nanibago ako ngayon. Iba ang rhythm. Basta.

Me: arte nito. Yan napapala mo sa kakanood ng anime. Ha ha! Yun nga lang hindi pa kasama si Ara. Pagtiyagaan mo muna ako.

Kim: Oo nga e. Pero di bale malay mo sa proleague magkakasama ulit tayo. Sabihan mo nga si ate Jm na magtayo ng team. Ha ha!

Me: Baliw! Pero siguro kung nagkataon we will start from the scratch. Knowing ate JM paghihirapan natin kung ano ang gusto natin. Small leagues. Alam mo na hindi pa pangnational telecast.

Kim: Okay lang. basta makalaro tayo! Okay lang kahit saan yan!

Nagpaalam na din ako nang dumating na si papa. Hindi ko siya naabutan sa office kanina. Pati nga mga bata ako na ang sumundo.

"Where have you been?"

"I had a meeting with an old friend. Bakit ka pala nanggaling sa office? May problema ba?"

"Nothing. Naisip ko lang baka gusto mong ilibre ang kaisa-isang dalaga mo dahil naipasa ko lahat ng modules kay ate Ysa and pwede na akong mag-enroll."

His smiled widens while he is opening the envelope.

"I know you can do this easily princess. So what do you like? Gadgets? Car? Anything."

"How about a team in Volleybal proleague?"

He gives me a confusing look.

"Hindi ako nagbibiro. Can you imagine papa? Me, ara and Kim in your team. Then pwede nating irecruit ang Mhei Zhou players. Powerhouse yon."

"Hindi ganun kadali ang gusto mong sabihin. And you can't be sure that Mhei Zhou players would like to pursue proleague with the same teammates."

"Bakit hindi? If we have a strong foundation in Mhei Zhou we can have a much stronger team in proleague. Right?"

Binalik niya ang envelope sa akin. "Too early to think about those things Princess. Just enjoy college volleyball. You'll understand someday."

Time to bond with the kids. Nasa study room sila. akala ko nag-aaral. Nagdodrawing lang pala.

"Hey, pwede akong sumali?"

"hindi naman to game mama. Nagdodrawing lang kami."sagot ni AA.

"Bakit wala si mommy dito?"tanong ni Sanctus."hindi pa din kayo friends?"

"Kasi hindi pa sila mag-asawa."

Nagulat ako sa sagot ni Ashley. Bumaling siya sa akin. "Diba mama? Kaya hindi pa kayo magkasama sa iisang bahay."

"Where did you learn that?"

"Lolo."

God! Si papa talaga! I help them color their drawings. Si Ashley lang ang ayaw magpatulong kasi old enough na daw siya na hindi na lalampas sa lines ang mga crayon niya.

"Oh tapos na. Matulog na kayo para tumangkad pa."

Tumulong naman sila sa pagliligpit. Sa pagod din yata ay nakatulog na sina Sanctus at Rae. Itong si Ashley naman ay nagpatuloy sa pagdodrawing.

"Mama..."

"hmmm."

"Hindi kayo nag-away ni Mommy diba?"

UNCONDITIONALLY (Spiker Series: season 3)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon