Stage girlfriend

7.2K 156 9
  • Dedicated kay Tiffany Dela Peña
                                    

MiKA’S POV

Feel na feel ko ang pagiging stage girlfriend! Hindi pa nga kasi ako pwedeng maglaro dahil sa braso ko. Kung hindi dahil sa demonyong Levi Anderson na yon sana ma-eenjoy ko ang laro mamaya. Kaming dalawa ng kapatid ko sana ang unbeatable sisters ng Mhei Zhou. Flips hair!

Nandito na pala kami sa dorm. Nagmamadali ngang magsikilos ang team dahil tinatangtanga na rin ni ate aby ang malaking kaldero! Ganyang manggising ang isang kapitana! Relax na relax ako dito sa kama ni Ara samantalang siya parang hilong-talilong na sa kakahanap ng mga gamit niya.

“saan na ba yung sapatos ko?!”

“Kung gamitin mo kaya ang mga mata mo?”pangangaral ko naman.

Tiningnan niya ako nang masama.”Kung wala kang maitutulong pwedeng manahimik na muna?”

Luh? Ang alam ko si ate Aby ang BEAST Mode don’t care pero bakit parang nahawa na rin si Ara my love?

“sorry…”bawi naman niya agad.”Natutuliro kasi ako. Galling kasi ng PPU. Tapos nandun pa yung first love mo.”

First love daw? Tinutukoy niya si Jess. Yung patpatin na classmate ko noon. Angcute magselos ni Moy. Sarap kurutin sa pisngi.

Sunod na sunod ang pagkatok sa pinto. Ako na ang nag-offer na magbukas. Sambakol ang mukha ni Cienne na pumasok kasunod si Kim.

“yam! Hindi ko naman ideya yun!”

Nilingon siya ni CIenne. Isa pa tong malahalimaw na aura! “Hindi mo idea? Pero super like mo na magkakatrabaho kami ni Mela? Mukha mo kim!”

Parang wala silang nakitang magandang higante a! tuloy lang sa bangayan. Ara was even stunned by the scene.

“Ang tito mo na mismo ang nagsabi diba? Kailangan mo ring matutong makihalubelo sa iba. Hindi lang puro sa akin ang oras mo. We need to grow as a person at hindi maging dependent lagi sa isa’t-isa.”

“Bahala kayo! Ayoko!”

Then she dragged Kim outside our room. Kakausapin ko sana siya pero umaariba ang black aura niya kaya huwag na muna.ayokong madagdagan ang injury ko! Kahit libero si Cienne ay tinatagong lakas ng spike rin yan.

Sinenyasan ko si Ara na lalabas muna ako. Susundan ko lang si Kim sa kabilang kwarto. Papasok pa lang sana ako e nang makasalubong ko siya.

“ok ka lang?”tanong ko agad.

“oo naman. Ngayon lang yan. Mamaya kakausapin rin niya ako.”pi-nat niya ako sa balikat.”hindi pwedeng mawala sa focus. Defend the title.”

Fighting spirit! Nakakasikip ako dito sa dorm kaya sa Shuttle ng MZU na lang ako naghintay. Nagsasounds na lang ako habang wala pa sila.

Nakapikit pa nga ko while my shades is on. Puapadyak-padyak pa nga ako kasabay ng music e. natigil lang nang marinig ko sina Carol at Camille na nakasakay na pala sa shuttle. Nagkunware akong tulog. Hoho.

“anong pinag-usapan niyo ni tito?”

“secret!”nang-aasar na sagot ni Carol.

“angsama mo naman! Bakit ba kampi-kampi kayo ni tito?”

“pako? Diba nga nakwento ko na sayo na siya ang master ko sa archery? E parang tatay na rin ang turing ko sa kanya.”

“Kahit na! dapat alam ko ang pinag-usapan niyo.”reklamo ni Camille.

Pinipigilan ko lang ang tawa ko. Hindi na nagkakalayo ang pag-iinarte ng kambal sa isa’t-isa! Hindi rin nagtagal ay nagsidatingan na ang ibang teammates naming kaya nagsimula na ring umingay sa loob ng shuttle. Inoff ko na rin ang player at umayos ng upo.

UNCONDITIONALLY (Spiker Series: season 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon