Carol's POV
"May problema ba sina Kim at Cienne?"
Nabaling sa akin ang tingin ni Camille. "Wala naman. Bakit?"
"Sure ka?"
Tumango siya. Pero ramdam ko na may tinatago siya. Ilang araw na na ding napapansin na iba ang kinikilos ni Kim. Kapag nandiyan si Cienne todo asikaso pero kapag wala parang wala din siya sa sarili niya.
"Gaano ka kasigurado?"
Sumeryoso ang tingin niya. "Bakit mo ba natanong?"
Ni-lock ko ang pinto ng kwarto baka biglang pumasok ang mga teammates namin. Ikinwento ko sa kanya ang mga napansin ko kay Kim.
"Mas madalas kong kasama si Kim kaya ramdam ko. Baka may problema sila. Biniro ko pa ngang mambabae na lang siya e."
"O anong sagot?"
"Next time daw baka subukan niya."
Napabuntong hininga si Camille. "Hayaan mo silang dalawa. Tutal mga bata pa naman sila."
Sunod-sunod ang katok sa pinto kaya tumayo na din ako. Rinig ko na din ang ingay ni Cienne.
"Bakit ka sumisigaw?"
Kunot noo na naman siya. "Yung Kim na yon! Parang balewala na ako sa kanya. Hindi nagrereply. Asan ba siya?"
"Baka kasama si Mela? Baka nagsawa na sa kakaselos mo? Baka nagsawa na sayo?" si Camille yan.
Naupo lang si Cienne at niyakap ang unan. "Bahala nga siya. Sabi niya mahal niya ako tapos babalewalain niya ako? Uunahin pa niya ang ex niya. tsk."
Maingay na ulit sa dorm. Nag-volunteer akong magluto dahil hindi ko magets ang mood sa kwarto. HIndi ko rin makontak si Kim. Imposible namang kasama niya si Mela dahil kasalukuyan siyang nagtitraining.
Nagvibrate ang phone ko. SI Denise ang nagtext. Wala daw makausap. Siya namang paglabas ni Camille kaya inabot ko sa kanya ang phone ko.
"Naghahanap ng kausap si Denise. Kausapin mo baka mabaliw."
"Na-stress na ako kay Cienne tapos i-stressin na naman ako ni Denise. Pass naman muna Pako. Ikaw kumausap diyan."
"Ipakausap ko na lang kay Aly!" natatawa kong sagot sa kanya at saka ida-dial ang number sana pero hinablot niya ang phone.
"Huwag na huwag mong paglalapitin ang dalawang yon."
"Bakit ba? Friends naman sila. Mabait naman yung isa."
Angsama ng tingin ni Pako. "Basta hindi pwedeng maging close."
Dinner na. Wala pa din si Kim. Hindi naman lumalabas ng kwarto si Cienne. Kanya-kanya nang tasks sa paghahain ng dinner at walang naglakas ng loob na tawagin siya.
"Hindi ba kakain ang kakambal mo?"
Nagkibit balikat si Camille.
Ako na nga ang tatawag sa kanya. Nakaawang ang pinto kaya rinig kong may kausap siya.
"Siguro.
Hindi ko din masasabi.
Aware ka naman na may girlfriend ko diba? Bakit ka pa din manliligaw?
Bahala ka nga..."
Kumatok na ako. "Cienne kakain na..."
"Hindi ako kakain. Pagtirhan niyo na lang ako."
"Walang matitira! Beast mode ang mga rookies. Lumabas ka na diyan parating na si Kim."
Bumalik na ako sa dining area sa pag-aakalang susunod siya agad. Napansin ni Camille ang mood ko habang kumakain.
BINABASA MO ANG
UNCONDITIONALLY (Spiker Series: season 3)
FanfikceSeason 3 of SPIKERS SERIES. KARA fanfic with some KIMCIENNE and CAMVEZa #COMPLETED AS OF MAY 14, 2016
