KIM's POV
Full support ang team kay Nathan. Parang nakahanap kasi sila ng Ken na pwedeng pwede nilang gawing Barbie Look.
Habang may klase yung iba, heto sina Majoy, Cyd at Carol na pinagtitripan siya.
"So ano ang talent mo?"tanong ni Cyd. "HIndi pwedeng good looks lang dun."
Nagkibit balikat si Nathan. "Kailangan pa ba yon?"
Binuklat ko yung criterina ng pageant.
"Kasama dito ang talent oh. 30%"
Napabuntong hininga siya. "Wala akong talent."
"Maglipsync ka na lang." Si Gabby! Kasama si Denise. At may dala silang isang supot ng lollipop. "Oh lollipop para makapag-isip kayo."
"Wala kang klase?" usisa k okay Denise.
"Free cut. Sinundo ako nitong komag e. Miss na daw ako."
"Tamang-tama."sabi ni Majoy."Tulungan mo nga kami ate sa talent portion ni MR. Beautiful."
"Shocks! Angganda mo!"
Nathans brushes his hair with his fingers in a manly manner. "Should I be offended with that?"
Natawa si Gabby. "Kailangan mong maging feminine nang kaunti para manalo. Sayang yung pera NJ."
Pera-pera talaga iniisip nitong mokong na to e!
Sila na ang busy. HIndi ako makarelate kaya lumabas na muna ako. Magpapahangin lang.
"Bossing, gusto mo ng fruitcake?" Mangungulit lang ulit tong si Gabby e. palusot pa ng fruitcake. "Ginawa ni Den. Ubusin mo. Sayang ang effort."
Busy din siya sa kakadutdot ng phone niya. Naglalaro ng real drums.
"Bossing..."
"Bakit?"sagot ko na hindi tinatanggal ang pansin sa binabasa ko.
"Kumusta ang moving on?"nakakaloko talaga ang lalaking to e. Palunukin ko kaya to ng isang dosenang lollipop?
"Okay lang. Okay na okay. At huwag na nating pag-usapan please."
Wala na ulit nagsalita sa amin. Tutok na siya sa phone. Ako naman ay balik sa binabasa kong magazines. Pogi ni Mika dito ha ha! Si ate Rhyck gusto akong isama sa mga ganito ng pamilya e kaso ayoko nga. Nakakasakit ng ulo tong super sikat.
Pag buklat ko ng next page ay sina Camille at Cienne ang nafeature sa isang article.
Isinara ko na nga. Iwas-iwasan ko na ang mga articles na ganun.
"Guys!" si Majoy na parang isang beautician ang itsura. "may surprise kami sa inyo."
Lumabas na din si Cyd. "presenting Nathasia Josephina Oligario!"
Shocking! Angganda ni Nathan. Ha ha! Tapos mahinhin pa talagang kumilos.
"Good eve, everyone! Nathasia Josephine, representing Nursing department! And I Believe that Love knows no gender. Thank you!"
Siyempre super palakpak naman ang apat niyang anghel!
"So Gabby? What do you think? Papasa na?" nakangiting sabi ni Denise. "Mananalo na?"
"Ha? ah oo. Pwede na. Congrats."
Ha ha! nagwink pa talaga si Nathan.
"Baliw." Natatawang sabi ni Gabby na binalik ang pansin sa phone. "galingan mo NJ, ayokong escortan ang talunan."
BINABASA MO ANG
UNCONDITIONALLY (Spiker Series: season 3)
Fiksi PenggemarSeason 3 of SPIKERS SERIES. KARA fanfic with some KIMCIENNE and CAMVEZa #COMPLETED AS OF MAY 14, 2016
