“Love is that condition in which the happiness of another person is essential to your own.”
― Robert A. Heinlein, Stranger in a Strange Land--
Ara’s pov
“Anong problema niyo?”
Sambakol kasi ang mukha ng kambal sa sala. Parehong nanonood ng movie pero halata namang hindi nakatuon ang atensyon ditto. Nandito na pala kami sa dorm! Patayan ulit ang training after ng Christmas vacation. Na parang hindi naman ramdam!
Sumulyap sa akin si Cienne.”Wala si Kim, Carol at Mika. Hindi ka nag-aalala?”
Umiling naman ako.”matatanda na yung tatlong yun no. isipin niyo na lang bumibili sila ng suka sa kanto.”pagbibiro ko sa kanila. Walang epekto!
Tumayo si Camille saka lumapit sa akin.”Hindi porke birthday mo pwede kang magbiro ng ganyan!”
Napahawak ako sa noo ko! lintik! Pitikin ba naman ako! “Badtrip naman Camille!”
Tumakbo naman kasi siya! Hahabulin ko sana pero bukas na ang pinto saka siya nagtago sa likuran ni Carol.
“Pako oh…si Ara…”
Sumbongera naman si Camille. Hay naku! Hindi pa ako nakakabawi e!
“Saan sina Kim?”chineck ko pa kung kasunod niya na silang dalawa pero wala e. “Nambababae ba yung Moy ko ha?”
“baliw ka na.”palo ni carol sa braso ko. Inabutan niya ako ng isang papel.”puntahan mo daw yan sabi ni Mika.”saka naman siya bumaling kay Cienne.”ui cienneloo, pinatawag ni ate Rhyck si Kim kaya maagang umalis. Bawi na lang daw siya next time.”
Nagmadali akong pumunta sa kwarto para magbihis. Ano na naman kayang pakulo ni Mika ngayon? Habang nagsusuklat ako ay bumukas naman ang pinto.
“Galang isuot mo daw to.”
Pagkalingon ko ay natakpan ang mukha ko ng tshirt na binato ni Carol.
“Ihahatid ka namin. Inaatake na naman ang tantrums si Cienne e.”
So hayun! Madalas nga palang magtantrums si Cienne dahil sa kakaselos niya. Nakakasakal kung tutuusin pero parang kaya namang ihandle ni Kim.
Baliw rin talaga si Moy! Mika’s property ang nakalagay sa tshirt e. tas yung number 8 na nahati vertically para makita yung ga jersey numbers naming.
Nagpalit nga muna ako para hindi siya magtampo. Titiisin ko ang bagong amoy nito para sa kanya.haha. angkorni!
Paglabas ko ng kwarto handing-handa na rin ang tatlo. “angtagal mo Ara! E wala namang pinagbago.”
Pagbigyan ang nagtatantrums na cienne sa pang-aasar. Ihahatid daw ako? E pare-pareho lang kaming magcocommute! Naku naman oh.
“uhm guys, kung ako na lang kaya mag-isa ang pumunta no?”
“sigurado ka ba?”tanong ni Carol.”baka kasi magalit si Mika e.”
Tumango naman ako.”ako ang bahala sa kanya.”
Ibang bus ang sinakyan ko. umiiwas lang ako kay Cienne. Panigurado kasing sa akin ibubunton ang inis nun kapag sweet-sweetan sina Carol ang Camille e.
Happy birthday to me! At makakasama ko si Mika today! Sinurprise na niya ako kanina paggising pero nagpaalam rin naman agad kasi kailangan niyang tapusin yung ilang modules niya.
Pagkababa ko ng terminal ay dumaan muna ako sa isang flower shop. Bibilhan ko ng bulaklak si tita Alice! Papalakas ako ng points no? Huwag na si Mika. Tumitingin ako ng mga arrangements nila nang may umakbay sa akin.
![](https://img.wattpad.com/cover/11144766-288-k468318.jpg)
BINABASA MO ANG
UNCONDITIONALLY (Spiker Series: season 3)
FanficSeason 3 of SPIKERS SERIES. KARA fanfic with some KIMCIENNE and CAMVEZa #COMPLETED AS OF MAY 14, 2016