Kim's POV
"Hindi ganito ang inaasahan ko." disappointed na Sir Brandon ang kaharap ko ngayon. "You gave upthat easily?"
"Sir, pinag-isipian ko na po itong mabuti. Gusto ko din pong maging Masaya si Cienne. Hindi ko po mabibigay ang pamilya na pangarap niya."
"And what is your plan? Paano ka?"
"Wala naman po. Mag-aaral na lang po mabuti. Ibabalik ko na din po ang capital na binigay niyo. Sorry Sir, we didn't succeed. Lugi e."
Tinanggap naman iyon ni tito. "Kung sakalaing magpuput up ka ulit ng negosyo don't hesitate to come to me Kim. You know, I still trust you."
Palabas na ako ng office niya sa mansion nang makakasalubong ko si Denise Michelle.
"Good morning captain!" ngiti niya sa akin.
Ako na ang nag-take over sa team pala dahil sa nangyari kay Ara.
"Goodmorning best libero." Balik compliment ko sa kanya.
"Good mood ba si tito?"
"50-50. Bakit?"
"Ay ganun. Next time na lang."
Siya namang paglabas ni Tito.
"Oh Michele, ,ay problema ba?"
"Ah wala po."
"Mukhang may sasabihin." Panlalaglag ko sa kanya. ha ha! "Baka may date? Magpapaalam yan tito. Haha!"
"Hindi. Bale, gusto ko pong pumunta sa puntod ni mama. Kung pwede po yung walang bodyguard."
Napakunot ang noo ni tito. "Denise?"
"Samahan ko na lang." pagvovolunteer ko. "Wala naman akong gagawin ngayon."
"Talaga? PWede?
"Yup."
"Sige sige. Gamitin niyo yung kotse ko."
Driver of all time ako ngayon!
"Hindi na kayo item ni Cienne?" biglang tanong niya.
"Oo. Wala na kami."
"Angbilis naman. Wala talaganag forever."
"Bitter mo. ha ha! May kailangan lang talagang igive up minsan para sa mahal mo."
"Sus! Hindi din. Ganito lang yon e kung mahal mo bakit mo hihiwalayan? Kung mahal mo bakit mo iiwan?"
"Kung mahal mo bakit hahayaan mong makulong sa sitwasyon na walang kasiguraduhan?"dugtong ko naman. "Madaling sabihin yan kapag babae at lalaki ang couple pero sa sitwasyon naming maraming hadlang."
"Pero nasa isip lang yung mga yon. At the end of the day, marerealize mo naman na LOVE IS MORE IMPORTANT than anything."
"Mukhang may hugot ah?"
"Sisihin mo si Carol. Ha ha! Buti pa sila ni Camille e going strong. E kayo? Yay! Angsweet sweet niyo sa mga tweets dati tas nganga na."
"Kung alam ko lang na ibubully mo ako ngayon hindi na kita sinamahan e."
Hayan nanahimik.
"Pasensya na. Nanghihinayang lang ako sa inyo."
--
Nasa puntod na kami ng mama niya.
"Ayaw sa akin ni Cienne."
"Ganun talaga. Pero magiging okay din ang lahat."
"Sana. Buti pa kayo hindi galit sa akin. Lalo na si Carol. Madalas nila akong puntahan ni Yuri noon. Parang laging may mangyayaring masama e. OA nila. ha ha!"
BINABASA MO ANG
UNCONDITIONALLY (Spiker Series: season 3)
FanfictionSeason 3 of SPIKERS SERIES. KARA fanfic with some KIMCIENNE and CAMVEZa #COMPLETED AS OF MAY 14, 2016