MIKA'S POV
Nandito na kami sa Bulacan. I really took the chance to talk to tatay when Ara and the kids.
"Tay, ilang araw lang po na dito ang mga bata. Pasensya na kayo."
"Ano bang pinoproblema mo hija? Malaki naman itong bahay. Kasyang-kasya tayong lahat dito."
"E kasi marami na kami po. Pero pramis tutulong po ako sa mga gastusin dito."
"Ikaw talagang bata ka. Mabuti na din yang mga mga bata dito. May kalaro si Bunso."
Yung bunsong kapatid ni Ara nga ang giliw na giliw sa tatlo. Parang walang kapaguran sa paglalaro kanina.
"Nga pala hija. Iyang si Ashley. Hindi siya normal na bata ano?"
"Ha? opo. Minsan ay nakakakita ng mga kaluluwa."
Humigop ng kape si Tatay. "sabi ko na nga ba. Kanina ay parang may kausap sa likod bahay. Alam mo bang si Ara ay ganyan din noong bata pa siya? Minsan ay wala sa bahay. Nandun na pala sa bukid. Sinundan daw ang lolo e."
Diyos ko Lord!
"Ho? Seryoso kayo tay?"
Natatawang tumango si tatay. "Ikaw ba ay natakot? Huwag kang mag-alala. Matagal na yon. Isinangguni namin siya sa isang manggagamot at ipinasara ang kanyang kakayahang makakita ng kaluluwa gawa ng muntik na siyang mamatay."
Pwede pala yon. What if ipagamot ko rin si Ashley? Nadidisturb talaga ako sa kanya. Lord! Gift mo sa kanya yung kakayahan niya diba? Pwede ba akong mag-interfere? If pwede lang? para normal normal din pag may time?
Dinner time!
"Kids, gulay ha. SInong hindi kumakain ng kangkong dito?"tanong ko.
Walang nagtaas ng kamay. Good!
Kumakain na kami ng biglang nagsalita si Ara.
"Naalala mo baks nung pinakain kita ng adobong palaka?"
"Talaga mama? Kumain ka nun? Masarap? "si Ashley yan. "Ah ah! Gusto ko yon!"
Good sign! May mga naalala si Ara. Mas okay to.
"HIndi mo sinabi. Kung sinabi mong palaka yung hindi ko kakainins."
"Maarte ka kasi. Mayaman e."
Ako na ang hotseat! Palagi naman. Okay lang. Okay lang talaga kasi nagiging mas okay si Ara. NAkikipagbiruan. Bigla bigla na lang may nababanggit tungkol sa past.
Nasa kubo na kami. Nagdodrawing siya.
"Napagod yata ang mga bata. Maagang natulog e."
"Buti na din yon. Nang magkaoras ka naman sa akin."sabi niya nang hindi tinatanggal ang pansin sa sketchpad.
"Bakit? Wala ba akong oras sayo?"
Tiningnag niya ako. Naamaze ako sa mga mata talaga niya. Napakaexpressive!
"Mas mahal mo na sila kasi."
Halla! Mas mahal agad? Inakbayan ko siya.
"Huwag kang mag-isip ng ganyan Moy. Pati bata pagseselosan. Mga anak natin sila. Maiintindihan mo din kapag sobrang okay ka na."
"Basta parang mas mahal mo sila."
Lord! Struggle is real! Kaya heto kahit malamok dito sa labas ay hindi ko siya inayang pumasok, baka isipin ulit niya wala akong oras para sa kanya.
Nagsindi na lang ako ng katol. Mukhang matatagalan tong drawing niya e.
"Moy, punta tayo sa despidida nina Camille ha?"

BINABASA MO ANG
UNCONDITIONALLY (Spiker Series: season 3)
FanficSeason 3 of SPIKERS SERIES. KARA fanfic with some KIMCIENNE and CAMVEZa #COMPLETED AS OF MAY 14, 2016