CIENNE'S POV
Secretly, nakipagkita ako kay Alfher. Kinasuhan siya ng mga parents ni Kim pero nakapagpiyansa siya.
"Sorry, tumakas lang din ako sa boarding house."hingi niya ng tawad pagdating. "Kumusta ka na? Galit pa din ba ang tito mo sa akin?"
Tumango ako. "Oo. "
"Pupunta ako sa inyo bukas. Hihingi na rin ako ng tawad kay Kim. Hindi ko lang talaga nakontrol ang galit ko nung araw na yon."
"Bahala ka."
"May problema ba Cienne?"
Umiling ako. "Pagod lang siguro. Tapos natalo pa kami kanina."
"Bawi na lang kayo sa susunod."
Nakapila si Alfher para umorder ng makakain namin. May notification alert ang twitter ko. Lalaki na nga ang kasama ko may issue pa din?
Bukod pa dito ay ang comparison sa amin ni Denise. Nakakairita na!
"Here's your order Miss. May gusto ka pang idagdag?" nakangiting tanong ni Alfher. "Anything that will make you smile?"
Umiling ako. "Sakto na to."
Walang namamagitan sa amin. Pero aminado naman siyang may gusto siya sa akin. Good conversationalist si Alfher. Wala ring dull moment kapag kasama siya.
Pwede ko siyang iwasan pero hindi ko ginawa.
Kapag kasama ko siya masaya ako. Ganun din ang pakiramdam ko kapag kasama ko si Kim. Ako talaga ang may problema!
"Cienne?" kinaway-kaway niya ang kanang kamay niya sa harapan ko. "Kumain ka muna. Hindi mo pa nagagalaw ang pagkain mo."
"Parang busog na kasi ako."
"Akala mo lang yan. Exhausted ka kasi sa game. Saan ka uuwi ngayon?"
"Sa dorm. Pinayagan kami ni tito na mag-sleep over."
"Ubusin mo lang yan then ihahatid na kita."
"Bawal ka dun."
"Hindi naman ako papasok sa dorm. Hindi naman kita hahayaan umuwi mag-isa."
Ayaw ko pang umuwi. Bahala na kung mapagalitan ako. Lumipat lang kami sa isang coffee shop.
"Sensya ka na ha? Baka mapagalitan ka na sa boarding house."
"Okay lang."sagot naman niya. "Basta ikaw."
Nasabi ko na sa kanya ang pag-alis namin. Siyempre disappointed siya.
"Kailan ang alis niyo?"
"Siguro next month."
"Angbilis naman."
"Oo nga e. Siguro mabuti na rin to para sa lahat. Lalayo muna ako para mapayapa ang mga buhay niyo."Sumimsim ako ng kape. "Kinausap mo na ba si Kim?"
"Hindi pa. Sana mapakiusapan ko siyang iurong na ang kaso."
"Subukan mong kausapin si Ate Raychel o magulang niya."
Alangan namang ako ang makiusap kay Kim? Baka iba ang maging dating sa kanya.
--
"Buti umuwi ka na." Bungad ni kambal.
Hinintay nila ako ni Carol sa labas.
"Shot?" alok ni Carol. "Para sa frustrations sa game kanina."
Hindi na ako tumanggi.
"Tumawag si tito. May mga pictures kayo ni Alfher na kumakalat sa twitter."
BINABASA MO ANG
UNCONDITIONALLY (Spiker Series: season 3)
FanfictionSeason 3 of SPIKERS SERIES. KARA fanfic with some KIMCIENNE and CAMVEZa #COMPLETED AS OF MAY 14, 2016
