KIM's POV
Nasa akin ang spotlight! Iniinterrogate ako nina maam Xerelyn at maam Xenia tungkol sa sitwasyon namin ni Cienne.
"Big deal ba na naghiwalay kami? Bakit parang lahat na lang kayo gusto akong kausapin tungkol dito?"
"Nag-aalala lang kami."sagot ni Maam Xenia. "Nadadrag din si Denise Michele sa isyu. Nagkakaroon ng fan wars. Aren't you aware of that?"
"Sobrang aware ako dahil sabog ang notifs ko araw-araw."
"yun naman pala." Inis na sabi ni Maam Xere. "Bakit kayo nagpapasaway ni Denise?"
"Dahil mga teenagers lang kami na gustong magsaya?"
"Sorry po. May inayos lang."Si cienne yan.
"Maupo ka."utos ni maam Xenia.
Kaya heto kami magkatabi at naghihintay kung ano ang pangaral na maririnig namin.
"Your families were alarmed with what is going on social media. So what is your stand with these?"
"Hindi naman naapektuhan ang negosyo. Bakit sila worried?"
"Wala naman akong ginagawang masama."depensa ni Cienne. "Sino bang nagpuput up ng show sa public? Ako ba?"
Hindi ako umimik. Medyo guilty kasi ako.
"Kim?"
"Sorry. Pero ano bang big deal nga dun? Huhupa din naman ang mga yan. Makakalimutan din ng mga tao. Pwede bang i-enjoy namin ang pagiging teenagers namin?"
"You mean pagiging malandi." Pagsusungit ni Cienne.
Kung hindi lang nakakahiya kay Maam Xere at maam Xenia at nagwalk out na ako.
"Cienne..." saway ni Mam Xerelyn sa kanya.
"Totoo naman maam. Naglalandian silang dalawa."
Hindi na ako umiimik. Paano ko pa idedepensa ang sarili ko kung sarado na ang isip niya?
"Kim, hindi lang kayo basta teenagers. You are considered public figures. Anything you do ay nagiging big deal."
"Hindi niya yan maiintindihan kasi slow yan." Pambubuyo pa ni Cienne.
"Public figure. Dapat almost perfect? Kaya gusto mo ng boyfriend kaysa girlfriend? Tama?"
Isinukbit ko ang bag ko at lumabas ng opisina.
Give me patience please! May klase pa ako, magpapasa lang ako ng term paper.
Malandi. Sa dami ng iaakusa niya sa akin, yun pa. Tsk. Walang magbabago. Kalma na nga lang muna Kim. Huwag patatalo sa problema ng puso.
"Uy Kim!" mga baseball players.
Nakipag-high five ako sa kanila.
"Goodluck sa mga games natin bukas!" pahabol kong sabi sa kanila.
--
Lunch break sa roof top ng Resource building. Tahimik. May peace of mind.
Magkausap kami ni Denise sa Viber.
>>>Sorry talaga. nadadamay ka. Napagalitan ka ba sa team?
(Hindi. Hayaan mo na. Wala naman tayong ginagawang masama e. Okay? Parang masyado kang nag-aalala?)
>>>ayoko lang na may nadadamay sa problema ko. Pramis hindi na mauulit.
(Baka mabaliw ka niyan! Ha ha! Sige na. Nakaw call lang to e.)
BINABASA MO ANG
UNCONDITIONALLY (Spiker Series: season 3)
FanfictionSeason 3 of SPIKERS SERIES. KARA fanfic with some KIMCIENNE and CAMVEZa #COMPLETED AS OF MAY 14, 2016