Fruitcake

1.6K 75 9
                                    


KIM's POV

Umawat lang ako tapos ako ang nasa hospital?! Masakit ha! Nasubsob ako. Minalas ang noo ko na tumama sa bitak ng semento. Nakausli e!

Boses ni Denise yung huli kong narinig bago ako nawalay ng malay, tapos heto sa hospital na ako nagising.

Kung umiyak naman si Mamang parang namatayan na.

Si papang? Galit siyempre.

"Sa susunod huwag ka nang umawat anak. Away lalaki yon. Tingnan mong nangyari sayo."

"Pang, okay lang ako."

"Magsasampa tayo ng kaso. Physical injury!" Eksaherada si mamang. "Ipatawag mo nga ang magaling mong abogado Raychel. Ayokong inaapi-api tong anak ko."

"Buhay pa ako Mamang. Kumalma ka nga baka ikaw ang maiconfine dito e."

Sila-silang mga nakatatanda ang nag-usap sa labas ng kwarto. Kumikirot tong sugat ko. Naman! Baka mamiss ko pa ang ilang laro dahil dito.

Malayo naman to sa bituka. Gusto ko nang lumabas.

Pumasok si Papang kasama si Ate Rhyck.

"Magsasampa kami ng kaso."seryoso sabi niya.

"Kayo po ang bahala."sagot ko na lang. "Kung ako lang, ayoko nang humaba pa ang bagay na to. Aksidente yung nangyari."

"Hindi pwedeng ipagsawalang bahala to."Si papang yan. "Si Mamang mo muna ang magbabantay sayo. May aasikasuhin kami ni Rhyck."

Sandaling nagpaiwan si Ate Rhyck.

"You got them so worried last night. Sabi ng doctor, pwede ka nang lumabas mamaya. Sa bahay ko muna kayo tumuloy, unless you want them to know about your new place?"

"Sa inyo na lang."

Bawing bawi na ako sa tulog. Hapon na! Inip na inip na rin ako dito. Gusto ko nang umuwi! Nakakatulala dito!

Pumasok ang nurse.

"Miss, pwede na ba akong umuwi? Okay naman na ako."

"Kausap na ng doctor ang parents niyo maam. Baka po madischarge na kayo mamaya."

Good! Mas makakapagpahinga ako sa bahay kaysa dito. Pakiramdam ko mas magkakasakit ako.

May hindi inaasahang bisitang dumating! Si Alysa!

"Hi..."

"Hello."tugon ko. nag-aalangan naman ako. Hindi naman kami kasi friends. Bakit siya nandito?

"Ah kuwan. Nakaconfine din dito ang kapatid ko. I heard what happened kaya dumaan na ako. How are you?"

"I'm good. Thanks."

Awkward silence! Come on Aly! Hindi lang yan ang pinunta mo sigurado ako!

"Hmm, would you mind if I ask something personal?"

"Ok lang."

"Si Denise. Are you two dating?"

Hindi siya makatingin sa akin. Tensionado si Aly.

"Wala naman. Why?"

"ah wala. Natanong lang. Concern lang ako kasi baka makagalitan siya ni coach. Hindi kasi allowed sa team ang magkaroon ng lovelife."

"oh okay. Yun lang ba?"

She nodded.

"But if ever magkagusto ako sa kanya, don't worry ipagpapaalam ko siya mismo sa coach ninyo or hintaying kong matapos ang playing year niya sa Mamuru para wala nang hassle."

UNCONDITIONALLY (Spiker Series: season 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon