are you drunk?

7.8K 154 9
                                    

Camille’s pov

Sa mall ang naging destination naming tatlo! Nangunguna si Cienne sa pagshoshopping! May dala na nga siyang dalawang bag pero tumitingin pa ulit ng pants. Nakaupo lang kami ni carol habang pabalik-balik siya sa fitting room.

“Hindi ka ba bibili?”tanong niya sa akin.

Umiling ako.”Hindi pa naman ako stress pako. Moment ni Cienne to.”

Humalukipkip siya habang pinagmamasdan ang isang costumer na nagtitingin ng tshirts.

“Mahina ang security sa mall na to.”

“Huh?”

“wala po.”ngiti niya sabay hawak sa kamay ko. saka niya ipinikit ang mga mata niya.”gisingin mo ako pag tapos na si Cienne ha?”

Naging antukin naman tong si Carol. Anglaki naman ng eyebags. Isinandal niya ang noo niya sa balikat ko. May mangilan-ngilang costumers na napapatingin sa amin. At mga nag-aatempt na kumuha ng pictures. Patay malisya lang akong nagbabrowse sa cellphone ko. Sanayan lang naman yan e. wala naman kaming ginagawang malaswa ditto.

Naisipan kong maglog-in sa Twitter ko. maraming interactions as usual pero isang tweet ang nakakuha ng atensyon ko. may kalakip itong picture na ngayon-ngayon lang ang pagkakahua.

@herlove sweet but carol will be mine. #bitch

Agad kong tiningnan ang profile niya. bagong account lang ito at sa tingin ko ay wala akong dapat ikabahala. Baka isa lang siya sa mga poser accounts at nagpapowertripping sa twitter.

Pagkabalik ko sa profile ko naman ay may notif na isang DM. napakunot ang noo ko nang galing kay @herlove ang message. Kung makapagtago pa ito ng pangalan isang napakalaking duwag!

Her Love  

U r so sweet. Too good to be true. but sooner she’ll realized dat it’s me she needs.

Hindi ko na pinatulan. Hahaba lang ang argumento at wala rin akong mapapala kung makikipag-away ako sa isang taong duwag ipakilala ang sarili.

Nang nakapila na sa counter si Cienne ay ginising ko na si Carol.

“Tapos na ba?”hihikab-hikab pa siyang inilibot ang tingin sa paligid.

“Yup. Puntahan na natin siya.”

Tumayo siya saka inilhad ang kamay sa akin.”huwag kang bibitaw nga sa kamay ko.”simangot pa niya.

Bagong gising lang naging clingy na? Tatanggihan ko pa ba? magkahawak kami ng kamay nang marating naming ang counter. Tinaasan pa kami ng kilay ni Cienne nang mapansin ang mga kamay namin. Natatawa pa si Carol na pinagyabang ito.

Sa KFC naman ang next destination namin. Bakit ba pakiramdam ko may nagmamasid sa amin? Hindi ako mapalagay habang nakapila si Carol.

“Problema mo?”

“Wala.”

Hinawakan niya ako sa kaliwang braso.”yung totoo? Nararamdaman mo rin ba ang nararamdaman ko?”

Tumango ako.

“Gosh! Sabi ko na nga ba!”napapalo pa siya sa mesa.”may ginagawang kabulastugan si Kim e!”

Ano daw?! Anong pinagsasabi nitong kabulastugan.

“Mapapasama sa akin mamaya yun.”may halong pagbabanta pa ang boses niya.

“Adik k aba?!”saway ko sa kanya.”huwag mo ngang pag-isipan ng masama si Kim. Paranoid ka masyado.”

Gusto ko nang kumprontahin si Kim kung kinikilig pa rin ba siya sa kakaganito ni CIenne e. kung ako nga nakakambal niya ay naiirita na sa pagiging possessive nito si Kim pa kaya na halod chinecheck ni cienne ang bawat kilos niya?

UNCONDITIONALLY (Spiker Series: season 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon