CAROL's POV
"Anong trip nung dalawa. Bakit sila nagdeactivate?"
"Malay ko."sagot ni Pako. Nagbabalat siya ng orange. "Bago mo sila isipin magpagaling ka nga muna. Naudlot tuloy yung Boracay natin. Nakakainis yang lagnat mo."
Badtrip na tong trangkaso na to. Dapat sana ay nasa Boracay na kami. Nag-eenjoy! Hmpf. Hindi yung ganito na nabuburo sa dorm.
Sayang nga hindi ko na naabutan yung eksena ni Alfher at yung babae na nabuntis daw niya. Na-excite ako sa pagkwento pa man din ni Majoy.
"Dito ka matutulog Pako?"sinubukan ko talaga yung malambing na boses ko e. baka makalusot.
"Hindi ko alam. Hindi siguro."
Ahy nalungkot ako tuloy bigla. Gusto kong mas tumaas tong lagnat ko para hindi na siya umalis!
"Carol..."
Sa Majoy yung kumakatok.
"Pasok ako ha?"
May dala siyang isang tray na maraming pagkain!
"Dala ni Melton yan. Sabi ko tulog ka kasi may sakit. Umalis. Pagbalik may foods na. Type ka ba nun te? Nakakaloka ha. Anghaba ng hair mo."
"Kayo na ang kumain niyan."sabi ni Camille.
"Halla. Sayang naman! Saka mukhang masarap." E mukha naman kasing masarap yung lasagna! Nakakatakam.
"Dahil sinabi ko. Bantay salakay yung lalaking yun ah. Nakakainis."
"Ah mabuti pa nga, kami na lang kumain nito. Labas na ako."
Kinuha ni Camille ang phone niya.
"Oh? Ano yan? Huwag mong patatambangan yung tao. Wala namang ginagawang masama."
"Tambang agad? Hindi pwedeng oorder ako ng foods?"
Naiinis na siya oh. Cute pa din naman. Nagvibrate ang phone ko.
"Huwag mo ngang isasilent yang phone mo. May tinatago ka ba?"
"Ha? Anong itatago ko? Ikaw na nga magbasa niyan. Masakit mata ko."
Kunot noo siya habang binabasa ang message.
"Si Melton oh. Magpagaling ka daw. Sana nagustuhan mo yung food daw. Siya daw nagprepare." Nakakaloka tong si Camille. Kung nandito lang si Melton baka nalagot na yon e. "Potek siya. Hindi pa man din ako nakakaalis ng Pilipinas e pumoporma na sayo. Naku Carol! Sinasabi ko sayo kung hindi mo didistansyahan ang lalaking yon makakatikim ka din sa akin."
Wala akong ginagawa!
--
Nililinis ni Camille yung gamit ko sa archery. Ayos! "Asintado ka na din Pako no?"biro ko sa kanya.
"HIndi nga e. Nauubos din yata ang pasensya ni Tito sa akin."
"Asintado kaya! Asintado mo nga ang puso ko e."
Poker face siya. aba! Wala na bang epekto ang pick up lines ko sa kanya?
Umieepekto na yung gamot! Pinagpapawisan na ako.
"Mille, bihisan mo nga ako." ha ha!
Angcute niya kapag ganito e. Kumuha siya ng damit ko pero inihagis niya lang sa akin. "Magbihis ka mag-isa. Tawagin mo ako kapag okay na."
"Grabe! Nanghihina ako oh. Bihisan mo na ako please."
Nagpameywang siya. "Huwag mo akong gaganyan-ganyanin Cerveza. Nag-iinarte ka na ha."
![](https://img.wattpad.com/cover/11144766-288-k468318.jpg)
BINABASA MO ANG
UNCONDITIONALLY (Spiker Series: season 3)
FanficSeason 3 of SPIKERS SERIES. KARA fanfic with some KIMCIENNE and CAMVEZa #COMPLETED AS OF MAY 14, 2016